Claire POV
" Ang tagal naman. " reklamo ko.
" Wait ka lang sis. Pogi naman e "
" Siguraduhin mo lang. "
" Sis, Magcr muna ako. Wait ka lang diyan okay? " psh.
Aish, nakakainip. Masyado namang paespecial yung lalaking 'yun. Ayoko pa naman sa lahat yung pinaghihintay ako. Ugh, humanda sakin yung lalaking 'yun. Nakakabadtrip siya -_-
Makapagcellphone nga muna. " Hi Claire. "
Inangat ko yung ulo ko at tinignan yung tumawag sakin. Eto ba 'yung magiging boyfriend ko at balang araw ay asawa? Hah!
" Bakit ang tagal mo? "
" Traffic kaya. "
" Ikaw si Karl Angelo T. Perez right? "
Tumango naman siya. " Paano mo ako nakilala? Stalker ba kita? Wow naman! " ugh. Kapal ng mukha
" Ikaw ang magiging boyfriend ko diba? Kaya alam ko ang pangalan mo. Pwede ba itikom mo yang bunganga mo kung ayaw mong masampal. "
" A-ah, Ikaw naman si Cla-- "
" Claire Angel S. Garcia. 4th year college. "
" Ikaw talaga. Oo alam ko. "
" Galingan mong um-acting na boyfriend kita sa academy. Nice to meet you Karl. I have to go " sabi ko at tumayo na.
" Ah, hatid na kita. " ugh.
" Maglalakad lang ako. " boring kong sagot.
" Bakit? Akala ko ba mayaman ka? "
" Hah! Traffic diba? Ayokong ma-traffic dahil baka pag nabadtrip ako. Sagasaan ko silang lahat. At isa pa wag mo ako masyadong kausapin hindi tayo close. " mas lalo ko pang binilisan ang lakad.
" Kailangan nating maging close lalo na't bukas ay mag-boyfriend at girlfriend na tayo. " nakangiting sambit niya sakin.
" Psh, Okay fine. "
Sabay kaming naglalakad. Pogi ba toh? Aish. Pang gulo nang isipan! " May naging boyfriend ka na ba? "
" Anong klaseng tanong yan? "
" Kasi ang taray mo masyado. "
" Yes. Pero break na kami " kailangan lang niyang malaman ang ibang detalye about sakin. " Kasi niloko niya ako. Nagpauto siya masyado sa kapatid ko. Ano pa? "
" Ah ganun ba? Il-- "
" 3 years naging kami. Ang tagal na ano? Kaso 1 year niya na pala akong niloloko tapos ngayon hinahabol habol niya ako. Sa academy din siya nag-aaral. Kaya please lang galingan mong um-acting para mapaniwala ko silang may boyfriend na talaga ako. "
" Okay. Bakit nga pala ta-- "
" Kasi yung lolo ko. Dahil sa paborito niya akong apo, ako ang balak niyang ipakasal sa anak ng kabusiness partner niya. At ikaw yun, At isa ring dahilan ay tungkol nga dun sa kapatid ko. " ah! Hindi ako mahilig magkwento!
" Paano mo nalalaman ang tanong ko nang hindi mo man lang ako pinapatapos? " yung tono nang boses niya. Galit -_-
Nginitian ko siya. " Masyado kasing halata yung mga tanong mo. Ano pa? Wala ka na bang itatanong? Nang ikaw naman ang matanong. "
" Wala na. "
" Good. Gaya ng tanong mo, may girlfriend kana? Ilan? Ano ano ang mga paborito mong pagkain, damit, kulay at laro? Ayan lang muna. "
BINABASA MO ANG
Ms. Mataray Meets The Casanova (On-going)
Teen FictionAno kayang mangyayari kung si Ms.Mataray meets The Casanova? :) - U N E D I T E D -