OJT
"Tara, lunch?" napatingin kaming lahat sa colleague naming si John na nag-aaya nang bumaba para kumain. Tiningnan ko ang orasan – 11:58 AM.
Sinara ko ang computer ko at nag ayos na ng gamit para makababa na kami.
Sumakay kami sa elevator para makababa ng ground floor papuntang cafeteria.
"So, san tayo kakain bukas? 100 hours namin ni Mischa bukas." Sabi ni Ellie habang naglalakad kami.
"Korean food tayo!" Sabi ko.
Tatlo kaming interns sa Strategic Department ng Lim Clothing and Accessories Inc. Me, Ellie, and John.
I'm from LGAU, Le Grand Alvyno University while Ellie and John are from UNA, University of National Alvyno. Both are two of the top universities in Alvyno Town.
Sa OJT program namin, we need to complete 400 hours of training, and tomorrow, mag one hundred hours na kami, so we decided to eat outside the company kasi lagi nalang sa cafeteria.
As usual, bumili kami ng pagkain at naupo na sa table. Ellie and John are together, they met each other in their school; and I met them here in the company.
After eating, dumaan kami sa 7-Eleven para bumili ng snacks. Normally, iba-ibang klase ang binibili namin para makapagshare-share kami mamaya.
Even though from different schools kami, we have actually build a friendship kasi hindi sila mahirap pakisamahan and surprisingly, madami kaming same interests.
Bumalik kami sa department namin 10 minutes before 1:00 PM.
Wala pa yung mga supervisors namin at hindi pa naman time, so Ellie and I decided to watch some kdrama.
Actually, kdrama ang reason kung pano kami naging close. Kasi ang unang chikahan naming topic ay ang kdrama na Weightlifting Fairy Kim Bok Joo. Pareho naming paborito ang drama na 'to kahit na matatagal na 'to natapos kaya hindi naging mahirap magkwentuhan at mas napadali yung pagkawala ng hiyaan.
As for John, nasa nature niya na ang pagiging extrovert, friendly, and since friend ko na ang girlfriend niya, naging close ko na rin siya agad.
"Gosh, ang hot niya talaga!" kinikilig na sabi ni Ellie sa isang scene and I agreed.
"Babe, mas hot ako dyan." Sabi ni John na napatingin sa banda namin.
Hindi nalang namin siya pinansin at nagpatuloy lang sa panonood. Sanay na sanay na kami sa mga kalokohan niya, jokes at mga hirits.
Sometimes, nita-take advantage namin siya dahil bukod sa siya lang ang lalaki samin, hindi siya mahiyain at sa sobrang friendly niya, na friends niya rin ang mga supervisors namin. Kaya kapag minsan may itatanong o may kelangang ipagpaalam siya ang gumagawa.
Saktong 1:00 PM dumating na ang supervisors namin kaya huminto na kami. Kakatapos lang namin sa isang task kaya hindi pa kami masyadong busy ngayon, naghihintay nalang sa susunod na task.
"Guys, we will have a meeting later ha. Mga 1:30. Mag chill muna kayo ngayon." Sabi ni ma'am Zonia, direct supervisor namin.
Aside from ma'am Zonia, minsan na din naming naka-meeting ang president ng company na si madam Lim dahil madalas siya makipag-meeting sa Strategic Department at minsan sinasama kami sa meetings.
I figured out na siguro important talaga ang department namin sa company na to, or para sa president dahil kami lang ang department na ni-me-meet niya almost every week.
Saktong 1:30 P.M, pumunta na kaming lahat sa conference room para sa meeting. Binigay ang susunod naming task at mga details para dito.
"As for your new task, we will be having a new project with teams from different departments. Tomorrow we will meet with everyone who's included in this new project." The president said.
Pinagusapan din sa meeting ang susuotin at ang gagawin namin para sa nalalapit na 10th anniversary ng company. Si Ellie ang pinaka-excited sa aming lahat dahil madami na daw siyang naiisip na idea para sa gagawin at susuotin namin.
Pagkatapos ng meeting ay bumalik na kami sa department at nagsimula na mag contemplate sa bagong task namin.
Mabilis na nagdaan ang oras, madalas ay ganito palagi, papasok kami sa umaga, work, lunch, then uwian na. For me, it's really the friends that highlights my OJT experience and i'm lucky to have these people with me.
"See you tom." kumaway ako sa couple na sabay uuwi. May kotse si John kaya mahahatid niya si Ellie. Sadly, iba ang daan nila sa daan ko kaya I have no choice but to take the company shuttle or mag jeep.
The shuttle goes up until near our school anyway at isang sakayan lang kaya hindi naman ako nahihirapan.
I live in a condo near our school with my younger sister Yani. Yani is 2 years younger than me and is currently in college also.
My parents and my younger brother live in our house in another city that takes 2-3 hours travel time, mas matagal pa minsan kapag rush hour kaya they decided na mas convenient kung sa condo nalang kami tumira at umuwi nalang kapag walang pasok.

BINABASA MO ANG
Love In Progress
Teen FictionAlvyno Series 1 Follow Flint as he puts progress into his and Mischa's relationship. . Enjoy this light teen love story.