Chapter 14

34 1 0
                                    

Glasses


"That's all for today. Meeting adjourned." Sabi ni Ms. Zonia. Monday the next week.

"New week, new work! Let's be productive!" masiglang sabi ni Ellie. Ready yan for work, excited na kasi siya for the team building this weekend.

Lunch that day, I got curious kung nakabalik na ba si Flint. Pinauna ko na sina Ellie, sinabi kong may babalikan akong gamit.

I sneak up to the executive floor to check if he's back. When the elevator door opened nakita ko agad siya... he's eating already with someone. Si Cheska.

Bakit naman nandito ang babaeng iyan. Napairap ako at sinara na agad ang elevator bago pa nila ako makita. Akala ko ulit makakaramdam ako ng sakit pero wala. Mas nangibabaw ang irita ko.

Do I just like him but not love him? If that's the case I think he's not worth fighting for? I don't know.

"How did you know you love John?" tanong ko kay Ellie nang mapag isa kami.

"I wasn't exactly sure, I just know na I want him in my life. I want us enjoying life together as well as face our challenges together. " sagot niya.

"So how exactly do you know that? Hindi ko maintindihan."

"Chingu-ya. I don't exactly know how to explain too. I guess malalaman mo nalang."

Nag aalangan ako kung sasabihin ko ba sa kanya yung nakita ko. I wanted her help in understanding my feeling kaya itinuloy ko na. "Nakita ko si Flint kasama niya si Cheska na kumakain. However I did not feel pain, aren't I supposed to feel pain if I love him?"

Napaisip siya saglit bago sumagot. "Kasi Mish, madaming emotions ang meron sa love, hindi lang pain. Merong jealousy, anger, disappointment, excitement and such. Ganito nalang think of him as something like...." Lumibot ang mata niya sa table namin.

"Ahh! As glasses! Yung... dati naman hindi mo kailangan to sa buhay mo, pero nung kinailangan mo, dumating siya sa buhay mo at natulungan ka niyang mas makakita ng malinaw. As days go by, mas dumepende ka sa kanya, hindi napapansin na kelangan mo siya sa buhay mo. Kapag minsang naiwan mo siya sa bahay, you'll feel like something is missing, that you're not complete. Then marerealize mo yung importance niya, na nahihirapan ka kapag wala siya, na kelangan mo siya, na gusto mong kasama siya sa kahit anong gawin mo sa buhay."

Lumapit ako sa kanya at niyakap ng mahigpit. Suddenly I wanna cry because I have a friend like her.

"Thank you so much for helping me sort out my feelings. Hindi ko parin naman sigurado pero mas naliwanagan naman ako. Ililibre kita tara!"

Inaya ko siyang magsnacks sa caf. I swear I will treasure this girl as my long time bff.

Our future children are supposed to be childhood friends, at pag matanda na kami sabay pa dapat kaming manonood ng kdrama sa bahay ko.

I intend to keep her that long because I understand the value of friendship. Pagkatapos ng ojt namin, I will definitely make an effort just to see her, just so we could hangout. I know that not all friends stay the same after years of being apart. Syempre, busy na sa kanya kanyang buhay pero kung sisikapin namang maging in touch, the friendship will stay bonded.

Thursday that night I received a call from Flint. Kinakabahan pa ako bago sinagot.

"Hello?" nagaalangang sagot ko.

"Hello ma'am? Sa District 9 Bistro po ito. Kanina pa po kasi nakaopen ang phone ni sir sa number niyo kaya ikaw nalang ang tinawagan ko. Lasing na po kasi si sir, pwede niyo po bang sunduin?"

Love In ProgressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon