Back
Sa mga sumunod na araw dumoble ang trabaho namin. Bukod sa existing project na nasa kalagitnaan na ang progress, may mga reports din kaming kelangan gawin para sa nalalapit na anniversary.
Hindi man kami nagkakatime magmeeting para sa ginagawang project kasama ang IT at marketing, maingay naman ang group chat namin dahil sa mga minor updates and questions.
"I haven't seen Mr. Hernandez for quite a while now ah." Sabi ng supervisor namin isang araw nang napadaan siya sa work station namin.
Hindi na kasi bumisita sa department namin si Flint magmula noong iniwan niya ang bag dito. Hindi pa kami nagkikita din dahil palagi kong tinatanggihan kapag nagmemessage siya sakin na sumabay nalang ako sa kotse niya.
"Ayaw siguro nun na ibalik mo yung bag kaya hindi na pumupunta satin." Bulong ni Ellie sa tabi ko.
Tiningnan ko yung paper bag sa ilalim ng table ko na hindi ko pa nagagalaw. Iniiwan ko lang yun sa office, hindi alam ang gagawin. Ibabalik ko nalang siguro yun pagnakaluwag luwag sa schedule.
Mabilis na mabilis lang nagdaan ang linggong iyon sa dami ng trabaho. Nang naglunes, simula na ang 1 week celebration ng 10th anniversary ng Lim Clothing and Accessories Inc. (LCAI).
"Look who's back." Si Ellie na nakatingin sa kararating lang.
"Hey guys!" masayang bati niya at nag high five sila ni John.
"Tara sa bazaar. Natambakan ako ng trabaho dahil doon kaya kelangan natin i-enjoy." Reklamo niya
Habang papunta kami sa may bazaar, nagdradrama pa si John Kay Flint.
"Akala ko pinagpalit mo na kami sa marketing eh." Madramang sinabi ni John.
Kumunot ang noo ni Flint "Ha? Bakit naman marketing?"
"Kasi madaming girls doon." He shrugged.
"Huy, tumigil ka nga, loyal kaya ako." Sabi niya at umakbay sakin. Mabilis kong tinanggal ang kamay niya bago pa may makakita. Nag tawanan sila.
Uwian ng Thursday, nagmamadaling pumunta sa department namin si Flint.
"Mischa, wala daw'ng shuttle ngayong hapon. Ginamit daw kasi sa pagdeliver ng mga equipment sa venue para bukas. Sasabay ka sakin ngayon." He said with finality.
Bago pa ako makasagot pinilit na din ako ng mga kaibigan ko na sumabay nalang para hindi na mahirapan.
Napansin ata ni Flint yung paper bag na nasa ilalim pa ng table ko kaya kinuha niya yun.
"Time to go home." Hindi ko sigurado kung time for the bag to go home or for us to go home?
"Ayaw mo talagang tanggapin yung bag? tanong niya habang nagdridrive.
"Ayaw. I don't need it."
"Can you give me a more reasonable reason?"
"I already did. Sinabi ko na sayo na hindi lahat ng apology kailangan ng gift."
Marahan siyang tumango "Okay.... Ganito nalang. Choose between the two. Tatanggapin mo yung bag or susunduin at ihahatid kita every day."
"None of the above."
"Please choose one." Kumirot ng kaunti ang puso nang narinig ang desperasyon sa boses niya. "I also need peace of mind na nakabawi ako."
Matagal akong nag isip. He is someone na kapag may atraso siya sayo, gagawin niya lahat para makabawi. Pero technically wala naman siyang atraso?? But fine, fine. I will choose one.
"Sige sasabay ako sayo papunta at pauwi ng company while im taking my ojt." Pinili ko ang sumabay sa kanya dahil inisip ko na atleast, pagkatapos ng ojt tapos na. Walang physical na bagay na kapag nakita ko, maaalala ko siya.
Meanwhile, the bag, kapag nakita ko yun sa bahay, it will surely remind me of him. Isa pa I really don't like receiving expensive gifts from other people para iwas chismis at problema.
"Okay, deal." he smiled widely.
Sa sobrang tagal ko mag isip kanina, hindi ko napansin na nakarating na pala kami. "Thanks for the ride." Sabi ko at bababa na sana.
"Wait." Pag pigil niya. "One last question, why are you so distant with me?"
Napakurap kurap ako bago sumagot "I'm being practical. I'm protecting myself."
Tumango siya.
"Kung iniisip mong naglalaro lang ako, hindi. I genuinely like you, Mischa." Uminit ang pisngi ko and my heart skipped a beat.
I looked at his eyes and saw that he's genuine about it.
Wala sa sarili akong bumaba, gulat pa sa sinabi niya. I have never seen him this serious yet.
Binaba niya ang bintana "See you tomorrow morning!" he smiled then drove away.
Sa condo, excited akong sinalubong ni Yani at ni Ate Stella.
"Nandito na yung gown mo ate! Let's open it!" Si Yani sabay pakita sa isang long dress na nakabalot pa sa plastic.
Binuksan ko yun at nitry on. Para sa party sa company bukas, formal dresses ang attire. For my outfit, Yani chose this for me dahil hindi ako makadecide. It's a one shoulder body con long dress with front slit in cameo white color.
"Ang ganda mo iha. Dalagang dalaga na." manghang sabi ni Ate Stella at pumalakpak naman ang kapatid ko satisfied with the dress she chose.
Friday morning may pasok pa kami. Mamayang gabi ng 6PM pa naman ang start ng party at pwede ding mag early out para makapaghanda.
Pagkababa ko ng condo namataan ko kaagad ang sasakyan ni Flint na nakapark.
Madami akong bitbit ngayon dahil sa gown at heels kaya bumaba pa siya at tinulungan ako.
Nakita ko sa likod ang suit niya remembering our first meeting, I was so amazed by how handsome he was in a suit.
Hindi mahigpit ang mga supervisors at mga department heads ngayong araw kaya chill lang trabaho namin. By 3PM nag simula nang umalis yung ibang employees para makapaghanda sa party.
Si Ellie naman nagsimula nang maglatag ng mga make up niya. Siya kasi ang magmamake up sakin.
"Halika na Mish, kagabi pako excited na gawin to nung nakita ko yung gown mo." Sabi niya at pinaupo ako. Pagkatapos ay nagsimula na siyang mag ayos.
"Ang galing galing mo talaga, chingu-ya!!" puri ko habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin. Ang dulo ng buhok ko ay kinulot pa niya para may volume.
"Thank you, chingu! You're so pretty!" She shrieked a bit and then we hugged each other.
"So extra." Komento ni John. Pero panay din ang puri sa girlfriend nung nakabihis na kaming lahat.
Ellie is wearing a navy blue off shoulder long dress with high slit, it matches John's navy blue suit. They both look so elegant, like royals attending another friend's royal ball.
Pagkatapos naming magpicture ng marami tumulak na kami pa venue.

BINABASA MO ANG
Love In Progress
Novela JuvenilAlvyno Series 1 Follow Flint as he puts progress into his and Mischa's relationship. . Enjoy this light teen love story.