Celebration
Diretso kami sa restaurant pagkatapos ng kaganapan sa PICC. Kahit na malapit lang yon, medyo natagalan parin kami dahil sa dami ng sasakyang pauwi.
Buffet restaurant 'yon. Dalawang round tables ang pinareserve ko at naka-baricade lang para may privacy kami.
"Congratulations, Mish." Si Ate Alaine at may inabot pang paper bag. "It's nothing, just a small gift."
"Thank you, Ate." Tinanggap ko yun at naupo na sila ni Kuya Damon.
"Congrats, iha." Bati din ng kakadating lang na si Tita Jessa kasama ang anak na si Winnie. Ang highschool friend ko.
Panay ang pag-congratulate nila sakin kanina pa nung nakarating ako dito. I thanked them all and asked them na magsimula na silang kumuha ng pagkain.
"Enjoy the food, everyone." I announced.
Sa isang table ay naroon sina mom, dad, Tito Marco, Tita Ange, Leon, Xander and Lexi. Pati si Tita Jessa na mama ni Winnie at Tito Joseph, papa ni Henry.
Sa table naman namin ay ako, Ellie, John, Winnie, Qiqi, Henry, Ace, Yani, Ate Alaine and Kuya Damon.
My friends and cousins didn't really need introductions. Most of them are acquintances dahil either same school sa highschool or sa college. So they all probably heard of each other.
"Congrats Mishy!" Si Ellie naman ngayon nang naupo ako sa tabi niya.
"Thank you. Tara, kumuha na tayo ng pagkain?" Pag-aya ko sa kanila ni John. Nauna na kasing kumuha ang iba at silang dalawa dito ay hinintay pa ako.
Tumayo kami para makalabas.
"Punta ka din sa grad celeb namin ha." Si John.
"Oo naman, pati sa kasal din." Sagot ko na may mapaglarong ngiti.
"Baliw to, matagal pa yun! Pero sige." Si Ellie na namumula ang pisngi.
Habang kumakain ay nagkwentuhan at kamustahan ang lahat. Ang mga matatanda ay may sariling topic sa kabilang table; ang highschool friends ko ay magkakatabing nagkwekwentuhan, ganun din ang mga pinsan ko.
Ako naman, mas nakakausap sila Ellie at John dahil katabi ko sila. Paminsan-minsan ding nakikihalo sa mga highschool friends, minsan sa mga pinsan at minsan din sa mga matatanda kapag pinatawag ako.
Ang mga nakababata ko namang pinsan ay naghahabulan na.
"Careful, Xander and Leon." Paalala ni Tita Ange.
Pagkatapos kong kumain ay nilapitan ko ang ibang kaibigan ko para mas makausap ng maayos.
My highschool friends are chatting with each other while eating dessert.
They all smiled when they saw me approaching.
"Nabusog ba kayo?" tanong ko at naupo sa bakanteng upuan katabi ni Qiqi.
"Oo naman." Si Winnie na ipinakita pa ang kutsarang may dessert bago kinain.
"Kuha pa kayo ha." I told them.
"Buti ka pa tapos na. Ako, may 2 taon pa ako." Si Henry.
"Mabilis nalang din yun!" komento ni Winnie.
"Balita ko si June at Luke ay patapos na din." Sabi ni Qiqi tukoy sa iba pa naming mga classmates. "Tapos si Yan at Den, nasa abroad na."
"Nakita ko nga yung mga pinopost ni Yan eh, ang gaganda ng scenery." Sabi ko.
"Ah, oo! Tapos si Den naman puro pagkain ang pinopost." Si Qiqi.
Pagkatapos ay nagthowback pa kami sa friendship naming ito.
BINABASA MO ANG
Love In Progress
Fiksi RemajaAlvyno Series 1 Follow Flint as he puts progress into his and Mischa's relationship. . Enjoy this light teen love story.