Chapter 17

36 2 0
                                    

Message


"Sa wakas natapos din ako." Sabi ni Ellie at padabog na humiga sa kama.

Naubos ang buong umaga namin sa pagpapack ng mga gamit. Mas natagalan nga lang siya dahil sa dami ng dala niya.

Pagkatapos ng lunch namin byabyahe na kami pabalik. Sobrang bilis lang ng 2 days 1 night na bakasyon, bitin.

Nakadapa si Ellie ngayon sa kama habang tinitingnan ang mga pictures namin. "Uy, look! Ang cute natin dito oh!" sabay pakita ng picture sakin. Bago pa ako makasagot may kumatok na sa pintuan namin. Binuksan ko yun at sinalubong ako ni John at ni Flint.

"Hi Mish!" bati niya bago diretsong pumasok para puntahan ang girlfriend.

"Hi, ready na ba kayo? Nilagay na namin yung mga gamit namin sa bus and reserved seats as well." Si Flint.

"Re-ready na." tumikhim ako sa nagbabarang lalamunan, feeling a little bit awkward remembering what happened last night. I opened the door wide para makapasok siya.

He chuckled a bit. "Where's your bag? Ako na ang magdadala."

"Wag na, isang backpack lang naman dala ko. Si Ellie ang may kailangan ng tulong tingnan mo naman." Sabay kaming tumingin kay Ellie at John. Dala ni John ang maleta niya at isang backpack. Mayroon pang paper bag na may lamang mga chips at isang 1000ml na mineral water.

I pushed Flint a little bit papunta sa kanila para makatulong siya. In the end, he carried the water and the paper bag. Sa bus magkatabi kami ni Ellie dahil nag promise siya na pabalik ay kami naman ang magkatabi. Nasa likod na upuan lang namin ang magkatabi na si Flint at John, it's better this way though para walang stares at issues.

Mabilis lang ang naging byahe dahil halos tulog lang ang nagawa namin. Madaling araw na din kasi kami nakatulog dahil anong oras na natapos yung bonding kagabi. Nagstop over lang kami para maglunch kanina at konting CR breaks lang along the way at ngayon gabi na.

"See you guys next week!" paalam ni Ellie at John samin.

"Bye. Ingat kayo!" pagkatapos makapagpaalam sa isa't isa at nakaalis ang dalawa, napaharap ako sa kumalabit sakin.

"Uuwi ka ng bahay niyo today?" nakangiting tanong ni Flint.

"No, I'm staying at the condo para makapagpahinga na, baka next week na ako umuwi ng bahay."

"Good, let's go. Sabay na tayo."

"No need, I can—"

Before I could finish my sentence, hinilala niya na ako papuntang parking lot.

Tahimik kaming naglakad at nang nakarating sa sasakyan niya, huminga siya ng malalim bago ito pinaandar.

I didn't even realize na tinangihan ko siya? The words just natural came out of my mouth, nasanay lang ako in saying no to him because I can do it naman myself. 

"Nakapark lang kotse mo dito since Friday?" I asked, breaking the silence between us.

"Yup, nagpaalam ako kay kuya guard, pwede naman daw."

Iyon lang ang nangyaring paguusap namin sa buong byahe, maikli lang din naman yun dahil walang traffic. I didn't want him to stay this cold to me kaya inaya ko siyang magdinner nang nakitang papalapit na kami sa condo ko.

"Let's have dinner?" I said.

Nilingon niya ako, medyo gulat. Nagpatuloy ako "Ilalagay ko lang mga gamit ko sa taas, meet nalang tayo kung san mo gustong kumain."

"I'll park the car lang then puntahan kita sa labas ng condo mo, sabay na tayo pumunta."

"Okay." I said.

"I'll text you" rinig kong sabi niya bago ko nasara ang pinto.

Umakyat na ako sa condo para ilagay ang mga dalang gamit. Medyo natagalan pa ako dahil hinalungkat ko pa ang bag ko nang naalalang may ibibigay pala kay Flint. Yung picture namin noong anniversary party ng company. Hindi ko pa naibibigay sa kanya yung copy niya.

Tulad ng sabi niya, nagkita nga kami sa labas ng condo ko at sabay kaming pumunta sa isang restaurant na malapit lang. Nag order kami and he paid for the food. Hindi na ako nagsabi ng kung ano tungkol doon because I didn't want to add fuel to the fire.

I know that he just wants to treat me and make me special pero kasi hindi ako sanay na may nag aalaga sakin ng ganun. I've always been the one taking care of myself because I was raised that it's better na kaya kong gawin by myself instead of relying on other people.

"I'm sorry, I just felt a bit down earlier." He started nang nakaupo na kami. "Kasi naman, everytime you reject my offer I feel like you don't need me in your life. But I just realized na I can't force you to be open to me overnight and don't worry, I will still do things for you if I can sa ayaw at gusto mo. That's the whole point of pursuing you right?" he winked at me at ginulo ang buhok ko.

How could he openly say his feelings to me? My heart feels warm. I couldn't think of anything else to say kaya inilahad ko nalang yung picture na dala ko para sa kanya.

"Your copy. Forgot to give it to you last time." I said.

"Thanks! Akala ko tinapon mo na to eh. Pero parang mas gusto ko yung isa? Yung nakayakap ako sayo." biro niya.

"That's my copy! Iyan nalang sayo mas cute ako dyan."

"It's okay, love ko naman both eh. Both yung picture at yung babaeng nasa picture."

"Hahahahaha" napahalakhak ako "Ewan ko sayo! Baliw."

"Kilig ka?" he asked teasing me.

May sasabihin pa ata siya pero dumating na yung order namin. Akala ko sasabihin pa niyang 'baliw sayo' or what. Gosh ang corny ko.

"Enjoy your meal ma'am, sir." Sabi ng waiter at umalis na.

I shook my corny thoughts off at tahimik lang kumain habang nakikinig sa mga kwento niya.

After dinner he walked me back. Habang naglalakad, I had a realization of how much this guy is making me feel special and how much laughter he is bringing to my life.

I appreciate everything he's doing for me, I'm just not vocal about it. Lalo na yung efforts and small things like opening the door for me, letting me walk first, offering me food and stuff and making sure that I'm comfortable.

Siya na yung nag aadjust for me. As I spend more time with him, I'm getting more and more comfortable being with him. Magaan pala siyang kasama.

Pero of course I could be feeling all these because these are all 'firsts' for me, but super appreciated talaga. It only makes me want to know more about him and to hang out with him more.

"Thank you, my special someone." I said, pagkatapos ay tumalikod at diretsong naglakad papasok. I almost tripped dahil sa bilis ng lakad and my heart was pounding so so loud.

Pagkapasok ko sa condo, I received a message.

From Flint, 9:00PM

I'm so kilig.

Love In ProgressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon