Team Building
I relaxed a bit at hinayaan siya thinking about what happened last night. For sure may hang over pa siya.
Nagising ako nang may marahang umaalog sakin.
"Mischa." Rinig kong tawag ni Flint. Napadilat ako agad at tiningnan ang labas.
Nandito na pala kami. Tumikhim ako at inayos ang sarili. Nakatulog pala ako dahil siguro sa late na tulog kagabi at maagang gising kaninang umaga.
Sa daan papuntang hotel nakita ko na ang iba't ibang water activities na meron. Madaming matataas na slides at iba ibang sizes ng pool. Sabay kaming pumasok ni Ellie sa room namin.
"I'm so excited!" tili niya. "Since tulog ka kanina I'll tell you the announcement nalang. We have 30 minutes para maghanda ngayon. Then we're going to the lobby to meet with our team, magsslides tayo. Free time naman daw yung morning natin, mamayang hapon after lunch may water volleyball tournament, then at night may bonfire."
Pareho kaming nagbihis, pareho kaming nakarashguard at shorts dahil magsslides kami, mahirap na kung may matanggal habang nagsslide, boom exposed.
Pagkatapos mag ayos, lumabas na kami at pumunta sa gathering area. Kami ng special project team lang muna ang magkakasama kasi hindi naman namin close yung mga sa ibang department.
Sa unang pinuntahan namin mataas ang inakyat naming hagdan. Sa taas ay dalawahan ang uupo sa parang donut na floatie.
"Kuya, pwede namang mag isa diba?" tanong ko sa nagtutulak na kuya.
"Oo naman. Pero mas mabuting maghanap ka nalang ng wala ding kasama. Mas masaya pag dalawa kayo." Sagot niya
"Mischa, pwede tayo magsabay." Sabi ni David sakin at agad siyang sinapak ni Patrick sa braso.
"Pinagpapalit mo yung ilang taon nating friendship para sa nakilala mo ng ilang buwan palang?" madrama niyang sabi.
"Ang OA nito. Ayain mo na kasi yung crush mo doon." Si David kay Patrick.
"May kasabay na kasi eh. Mamaya sa bonfire aamin na ako." Si Patrick na kinikilig sa sariling iniisip.
"Ikaw na next ma'am" baling ni kuya sakin. Naririnig ko ang mga tili ni Ellie kaya lalo akong kinabahan.
Dahan dahan akong umupo sa isang butas ng donut, akala ko umupo na din si David pero pagkalingon ko si Flint yun. Bago pa ako makaprotesta at makatanong, tinulak na kami ni kuya pababa.
The rush came and all I did was scream. Nakahinga lang ng maayos pagkahulog namin sa tubig. Sinalubong ako nila Ellie, akala ko sasama na si Flint samin pero tahimik siyang umalis.
Malungkot kong pinagmasdan ang likod niyang palayo samin. Hindi ko man lang siya nalingunan o narinig man lang na sumigaw kanina dahil masyado akong abala sa pagtili.
Kailangan ko ng plano kung pano ko siya makakausap. Tiningnan ko si Ellie while contemplating kung dapat ba ko humingi ng tulong sa kanya pero napagdesisyunang wag nalang muna dahil ang excited niya for today, ayokong masira ang mood niya.
Sa mga sumunod na rides namin hindi ko na nakita si Flint. Wala naman na ding rides na kailangan ng dalawang tao. Mostly individual at ang iba ay tatluhan o maramihan.
Madami pa kaming ibang slides na sinubukan, nag flying banana din kami pati kayaking. Puro tawanan at sigawan lang ang ginawa namin, sobrang saya, a brief escape from the reality.
Ang huli naming ginawa ay nag-rock paper scissors at kung sinong talo ay tatayo doon sa gitna para mabuhusan ng isang bucket ng tubig. Inubos namin ang oras namin doon at umahon na nang tinawag kami para mananghalian.
BINABASA MO ANG
Love In Progress
Fiksi RemajaAlvyno Series 1 Follow Flint as he puts progress into his and Mischa's relationship. . Enjoy this light teen love story.