Chapter 23

42 2 0
                                        

Water


Nalaro ko na lahat ng games ko sa phone ay hindi parin sila tapos magbasketball. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagbabasa ng isang ebook.

Napaangat lang ako ng tingin nang may dumating na isa pang grupo ng magkakaibigan para siguro maglaro din.

4 na lalaki iyon at katulad ko, yung 2 babaeng kasama nila, naupo din sa bleachers malapit sakin.

Kakilala namin ni Ace ang 1 sa mga lalaking naroon kaya nginitian ko ito.

"Hi Mischa!" bati ni Felix. "Nandito ka pala, kumusta ka na?" habang nilalapag ang mga gamit sa bleachers. Napatingin ang 2 babaeng kasama nila sakin at nagbulong-bulungan sila.

"Ayos naman, Felix. Makikisali ba kayo kela Ace?"

"Hindi ko alam na nandito pala siya, pero pwede naman kami makisali sa kanila." Sabi niya at ngumisi.

Nag-usap ang mga lalaki, ang isang kasama nila ay mapupunta sa team ni Ace at Flint. 

I tried to watch them play at first. Hindi ako mahilig sa sports kaya hindi ko sigurado kung magaling ba talaga ang isang player. Pero napansin kong madaming beses nakashoot si Flint, kahit na kanina pa noong sila lang ni Ace. Does that mean he is a skilled player?

Eventually, nabored din ako kaya nagpatuloy ako sa pagbabasa ng ebook. I wouldn't even be here if it wasn't for Leon. I guess sports is just not my thing.

Sa tabi ko panay ang pagkamangha ni Leon tuwing may nakakashoot. He has all his attention to the players, probably learning how they play at i-aapply sa sarili.

Pagkatapos ng isang round, nagpahinga sila. Tumakbo agad si Leon sa gitna ng court palapit kela Flint para siguro magtanong.

Lumapit naman sa bleachers ang grupo nila Felix. Sa dalawang babae sila lumapit na binibigyan sila ng tubig. Felix was the closest to me that's why I saw him when he answered a call from his phone.

Hawak niya sa isang kamay ang phone, sa kabila naman ang towel niya at ang tubig. I saw him struggling to open the water bottle with his hands full kaya lumapit ako para tulungan siya.

Kinuha ko ang tubig sa kamay niya. He smiled at me and mouthed thank you. Binuksan ko iyon at inilahad sa kanya habang patuloy siyang nakikipag usap sa phone.

Nagulat ako nang yumuko siya konti at diretsong uminom sa hawak kong bote. Binalewala ko nalang yun at inayos ang pagkahawak para makainom siya ng mabuti.

He probably drank two thirds of it before he nodded. Sinara ko ang bote at nilapag yun sa bleachers.

Pagkalingon ko sa bandang court naabutan kong nakatingin sa banda namin si Flint nakasimangot habang nag-eexplain pa si Ace kay Leon.

"Sorry" It was my mom, may mga bilin lang." napabalik ang tingin ko kay Felix na sa wakas tapos na sa phone. "Thank you pala sa tulong." Dagdag niya.

"Ayos lang."

Sa peripheral view ko nakita kong pabalik na dito sila Ace. Malalaki ang mga hakbang ni Flint at bago pa nakadugtong ng sasabihin si Felix ay nariyan na siya sa harap ko.

Tumango siya kay Felix at mas lumapit sakin slightly blocking me from Felix.

"I also want water." Sabi niya at humalukipkip.

Kumuha ako sa mga dala namin kanina at binigyan siya ng isa. Hindi niya iyon tinanggap.

"Can you open it for me? Naubos na ang lakas ko sa laro kanina." Pagrason niya.

I rolled my eyes at him pero binuksan parin yon. Kinuha ko ang kamay niya at nilagay yung tubig doon para mahawakan niya.

Mabilis akong tumalikod at kumuha pa ng dalawang tubig para kay Leon at Ace. Pareho ko ding binuksan iyon bago ibinigay.

Love In ProgressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon