Chapter 33

43 2 0
                                    

Song


Pagkauwi sa bahay nakatulog ako agad dahil sa pagod. Gabi na nang ginising ako para kumain ng dinner.

After dinner, tsaka palang ako nagkaroon ng oras para buksan ang phone ko. Madaming notifications yun, pati messages na din na mga bumabati.

May missed calls si Flint at messages din na hindi ko nareplayan.


From Flint, 09:00 AM

Happy Graduation! Congrats!

From Flint, 10:00 AM

Natanggap mo ba yung flowers? Malaki ang delivery fee ko kay Blaire!

From Flint, 11:30 AM

Tapos na ceremony niyo? Papunta ka na sa restaurant?

From Flint, 12:40 PM

Enjoy the food! I'll call you later.

From Flint, 05:10 PM

Are you home? Let's video call.

From Flint, 06:00 PM

Mischaaaaaaaaaaa ???


I bit my lip when I realized hindi ko siya na-update buong araw. Gusto pa naman nun na dumalo sa araw na to. When I called him back though, siya naman ang hindi sumagot.


Me, 07:30 PM

Slr, wala yung phone ko sakin maghapon. I got busy entertaining my guests. Call me back pag hindi ka na busy. I'll wait for you.


Habang naghihintay sa kanya, tiningnan ko ang mga pictures na kinuha kanina. Nag text pa ako kay Ace para i-send niya yung mga pictures na nasa phone niya. Pumili ako ng mga maayos at presentable bago pinost.

Mga isang oras pa siguro bago ako nakatanggap ng tawag kay Flint. Agad ko yun sinagot pero hindi siya ang sumalubong sakin, kundi ang laptop niya.

An arm extended and clicked the space bar. A video played from the screen.

'For my dear girl.' Panimula ng video.

'Congratulations! This is for you.'

An instrumental of a familiar song played in the background and I heard Flint's voice singing.

He is singing for me! At meron pang slideshow ng pictures namin.

Nakaramdam agad ako ng pag-init ng puso. Tears are starting to pool in my eyes, I'm touched.

"On your lips just leave it, if you don't mean it."

The guitar strumming faded and the video ended.

His voice was so angelic that I felt like a hand touched my heart.

Tuloy-tuloy na ang tulo ng luha ko ngayon. Nakakainis naman to may pa ganun pa siya.

Yung laptop niya ay kinuha niya at pinalitan ng isang candle centerpiece. Then he sat in front of his phone and I finally saw him.

May ngiti sa mga labi niya habang pinagmamasdan akong nagpupunas ng luha.

"Did you like it?" tanong niya.

Tumango ako. "Ikaw lang ang nagpaiyak sakin sa araw na to. Kahit nung narealize kong graduate na ako, hindi ako umiyak."

He grinned. "Paano pa kung nandun ako sa venue kanina?"

"Ang yabang talaga." Pabiro kong sabi. He laughed too then he brought a plate to the table. May pasta at bread doon. Kumunot ang noo ko. "Kakain ka palang?"

"I was planning na mag-virtual candlelight dinner tayo kaso lang I can't contact you a while ago."

Now I feel worse! Ang dami niyang effort para sakin.

"Oh, wag ka sad. Ayos lang yan, panoorin mo nalang ako."

"Kukuha ako ng snacks, wait." Halos madapa pa ako sa hagdan sa pagmamadaling bumaba.

Pagkabalik ko ay ganun parin siya. Hindi parin ginagalaw ang pagkain niya.

"Kumain ka na, go lang." sabi ko habang inaayos ang sarili.

"Did you enjoy today?" he asked while he started eating. Binuksan ko naman ang chips na dala.

"Yep, smooth naman ang graduation ceremony tapos sa lunch naman masaya ang pag-catch up kasama ang family and friends. Ngayon may pasurprise ka pang ganito at yung pa-bulaklak kanina. It is a perfect day!"

"Good to hear then."

Nakinig pa siya sa kwento ko tungkol sa nangyari sa araw na to. Hindi ko man lang napansin na ang bilis ng oras, 2 hours na kaming naguusap na tungkol lang sakin. I should ask about his day!

"How was your day?" tanong ko habang lumilipat sa kama at tinabunan ang sarili ng comforter.

"Usual meetings... tapos sinundo din sa airport kanina sila Blaire." Tumango ako naalala ang sinabi ni Blaire na pinapauwi sila doon.

"How about your lolo? Is he feeling better?"

"Mas maayos na siya, his bed rest is lifted so pwede na siyang maglakad-lakad. But he is adamant about leaving the company. Magreretire na talaga siya.

"Okay... so he has chosen who will lead the group?"

"Not yet, hindi pa sila nagkakasundo ni papa at tito sa desisyon."

"Oh..." Yun lang ang nasagot ko at napaisip kung nag-aagawan ba sila sa position kaya hindi makadecide?

He continued "Both my dad and my Tito Zack doesn't want the position. Bukas pa ang dating ng parents nila Frank kaya maguusap pa siguro ulit bukas."

"Ayaw? Akala ko nagaagawan sila para sa posisyon."

"My dad wants to retire early and go on vacations with my mom. Kaya gusto niyang iwan sakin ang posisyon niya sa HHRC. Si Tito Zack naman ay mas prefer ang tourism company nila. Hindi ko pa sigurado kay Tita Lyda kung ano ang desisyon niya."

Tumango nalang ako kahit medyo naguguluhan. Isa lang ang nasisiguro kong naintindihan ko.

Ang Hernandez group ay ang parent company ng tatlong companies na magkakaiba ang industry. Sa pamilya ni Flint ang hospitality - Hernandez Hotels and Resorts Corp. (HHRC); sa pamilya naman ni Zaiden ang tourism - Hernandez Agency and Tours Corp. (HATC); at sa pamilya naman ni Frank ang construction - Hernandez - De Vera Construction and Development Corp. (HDVC).

As for the positions and responsibilities, hindi ko na maintindihan. Hindi ko pa naman namemeet ang buong pamilya niya kaya hindi ako sigurado kung who's who. Good thing our family business isn't this complicated.

"You should meet my family soon. Medyo madami pa naman akong relatives." He said probably understanding that I can't follow along.

"Well, meeting your cousins was a good start." Sabi ko at naisip ang maingay nilang grupo.

I watched him as he cleans up his table dahil tapos na siyang kumain. Sinama niya ang phone niya habang binababa ang plato at baso na pinaggamitan. Sa background ay nakikita ko ang lawak ng bahay nila. Parang mansion! Napadaan pa ata siya sa may main door nila at nakita ko ang lawak ng garden, parang park.

Minsan talaga napapaisip ako kung paano siya napunta sa buhay ko, he and I obviously have a big gap between us. Hindi lang sa financial pati din sa personality at responsibilities.

The next days, bumalik sa dati ang oras ng pag-uusap namin. Madalas ay sa umaga at sa gabi then suddenly he stopped completely in replying to my messages.

It's been two days now without him and I'm starting to worry.

Love In ProgressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon