Chapter 13

40 1 0
                                    

Numb


That weekend, pagkauwi ko alam na ng lahat sa pamilya ko ang nangyari. Hindi naman nagalit ang parents ko even though I caused an embarrassment.

They comforted me saying na my lola would fly here in an instant if I have said yes. Mas mabuti na ang ginawa kong pagalis. What they don't know is I like him back now... so pano na.

"Fight for what or who you love." I remember my cousin telling me.

It would be easier to convince my parents if ever. Yung lola ko lang talaga, her reaction could be scary, I don't know if she will be lenient in this matter or not.

Lola lost lolo in an early stage of their marriage life kaya ever since sobrang independent na niya and she is also so stubborn, she always does things her way and she would do everything to protect her family.

Independence at practicality ang itinuro niya samin ever since.

Wait why am I thinking about this? May balak ba akong sumuway sa lola ko?

Napatingin ako sa phone ko nang tumunog dahil sa tawag ni Ellie. Noong Friday pa siya tumatawag, nasabihan ko na siya na sa office nalang kami mag usap pero tumatawag nanaman siya.

"Hello?" sagot ko sa tawag.

"Mish! Don't worry about the articles! Papatulong ako kay daddy na patanggalin ang mga iyon, kapag matigas ang ulo, kakasuhan natin. My mom's a lawyer."

"What articles?" tanong ko kahit na may idea na ako kung ano yun, hindi lang sigurado.

"You haven't seen it yet...?" maingat niyang tanong. "May mga negative articles kasi na sinasabi ang immature ng generation natin ganyan, nagliligawan sa formal events. But as I said, don't worry! My family can help with this. Tsaka hindi naman puro negative articles ang meron, yung iba naman namangha sa pasurprise ni Flint, they like the creative minds and free spirit of our generation. Don't worry too much okay? At wag ka na din mag online!" sunod sunod niyang sabi.

Matagal pa kaming nagusap dahil nagtalo pa kami tungkol sa pagtulong niya at ng pamilya niya.

I told her na kung darating man sa puntong kailangan ng legal action, my parents will not think twice and do it. Pero she insisted na tanggapin ko ang tulong niya.

Dumating ang Lunes at ayoko talaga sanang pumasok pero naisip ko na kahit papano kailangan kong mag apologize sa supervisors ko at sa president because I caused a scene in a public event. Kung hindi ako hinila ni Yani para bumangon, hindi pa ako gagalaw.

Nagulat ako nang makita si Ace sa condo pagkalabas ko. "Ihahatid kita at susunduin din mamaya." He said with finality. Sumunod ako sa kanya iniisip na binilin siguro ni mom sa kanya. Mabuti na to, I don't wanna deal with the people in the shuttle.

"Wag ka mag alala. Hindi kita tatanungin tungkol sa nangyari. I know you have too much on your plate right now, I won't add." He smiled assuringly.

May iilan ang sumusulyap sakin pagkapasok ko ng company. Dumeretso ako sa sakayan ng elevator, medyo madaming tao ang naghihintay kaya sa pinakalikod ako nagstay.

"Mapapagalitan kaya sila ng president? Malaking scandalo pa naman ito." Sabi ng isa kung saan.

"Hindi naman scandalo yun, Vicky, private gathering naman eh." Sagot ng kaibigan niya.

"Hindi ako sigurado dyan. May media kaya. Tsaka alam niyo ba sabi may mutual feelings daw silang dalawa. Nakita na kasi silang magkasamang kumain, tsaka si ate girl sumsakay sa kotse ni kuya guy papasok, palagi nga daw'ng nagdadala ng merienda si kuya guy sa department nila ate girl eh." Sabi ni Vicky na hindi ko kilala.

"Ay oo, tsaka yung mamahaling bag pa. Ang yaman ni kuya guy at ang gwapo pa. Pero bakit hindi siya sinagot ni ate girl? Pakipot pa?"

"Kayo talaga, ang aga aga. Hindi niyo man lang nicheck kung nandito ba yung taong pinag uusapan niyo." Lumingon ang lahat sa lalaking nasa likod ko. Si Kuya Mike pala yon.

Namilog ang mata ng iba nang nakitang nandoon ako, narinig ang lahat. Agad na umalis ang iba, kunwari may pupuntahan pa, ang iba naman sumakay agad sa kakabukas lang na elevator.

Nginitian ko si Kuya Mike at pinasalamatan sa pagtigil sa chismisan. Hinatid niya pa ako hangang department namin.

"Mish!" tili ni Ellie and sumalubong sakin. Niyakap niya ako ng sobrang higpit. "How are you feeling?"

"I'm fine." I said. Sa totoo lang I feel numb. Wala akong nararamdamang sakit, galit, o kahit anxiety.

Maingat ang mga kaibigan ko sakin buong araw. Not mentioning or asking about anything about that day.

Sa tuwing lalabas kami ng office, ang sinumang tumingin sa akin ay dadaan muna sa titig nila, kapag may naririnig silang nagkwekwentuhan tungkol sa nangyari, pinapatigil nila.

I'm super thankful to them for protecting me however I cannot sincerely express my gratitude towards them because im feeling numb. All I did was say thank you.

Nakausap ko ang supervisors ko at ang president sa araw na yun. Both did not blame me for what happened, in fact they are sorry about the articles and the rumors.

"I knew what Flint planned to do that night. Nag paalam siya sakin, I just did not expect the outcome." Sabi ng president.

"Don't worry Mischa, we will take legal action kapag sobra na ang sinasabi ng mga articles." They smiled at me assuringly. Thankfully, hindi nila tinanong ang status namin.

The next days hindi ko nakita ni anino ni Flint. I wanted to apologize to him as well, but he can't be reached.

Tahimik palagi sa department at maingat palagi ang mga tao sakin. Eventually, bumuti din ang trato ng mga tao sakin lalo na noong naglabas ng official statement ang president namin.

In her notice, she mainly said na she apologizes for the behavior of the media, she discourages rumors in the company and she also mentioned na nagpaalam si Flint sa kanya noon and she approved of it.

She also thanked everyone for the successful celebration of the company's 10th year Anniv.

"Thank you everyone and I hope for the company's continued success." Malakas na basa ni John sa huling mensahe ng president.

Mabilis na nakamove on ang mga tao at wala naman na masyadong nagkwekwentuhan tungkol doon. Back to work na din kasi kaya naging busy na.

Sa meeting namin sa linggong iyon, sinabi na magkakaroon kami ng team building na 2 days 1 night, Friday ng 5AM aalis at Saturday morning ang balik so mga around 6PM pa kami makakarating sa company.

Sa isang waterpark iyon magaganap at kasama ang special project team, design department at HR department. Napaisip ako kung sasama kaya si Flint?

Sabado ng gabi nakita ko yung bag na dinala ko nung party sa kwarto ko. Hindi ko pa nga pala natatanggal ang mga gamit.

Binuksan ko yun at nakita ang pictures namin. I did not notice that I smiled as I recall how naughty he was when we were taking these pictures.

I got curious about him and planned to stalk him. Ngayon palang ako magbubukas ng social media apps. Wala namang recent updates sa profile ni Flint kaya nicheck ko ang mga stories ng friends ko sa app.

Sa story ni Cheska ako napahinto. Selfie ni Cheska iyon pero nasa likod niya ay ang nakatayong si Flint na mukhang may kausap. Nakalagay sa location tag niya ay 'Home' at may nakadrawing pang heart sa ulo ni Flint.

Napairap lamang ako. Akala ko may mararamdaman akong sakit pero wala.

I feel numb.

Love In ProgressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon