Chapter 27

42 1 0
                                        

Tired


Sunday, 2 beses akong nakatanggap ng tawag galling sa isang telephone number. Parehas ko iyon hindi nasagot dahil hindi ko napansin na may tumatawag. Hinayaan ko nalang dahil hindi ko din naman kilala.

I decided to just ditch my phone at iniwan 'yon sa bedside drawer ko. Para na din hindi ako pa-sulyap-sulyap doon.

I still haven't heard from Flint. I messaged his cousin Zaiden pero wala ding reply, I even asked Ace kung may alam ba siya pero ang alam lang din niya ay 'yung nipost ni Cheska sa account niya.

Magkausap kami ni Ellie ngayon. Tumawag siya para mangamusta.

"Baka naman life and death na hinaharap ng ex niya kaya hindi siya makaalis doon?" Sabi ni Ellie sa kabilang linya.

Natawa ako sa pinag-iisip niya.

"Huy, ano kaba! Don't say that Ellie. She's fine, nag-update na siya sa account niya."

"Anong username? Tingnan ko nga." Binigay ko 'yon sa kanya. Tumahimik saglit ang linya, she's probably checking it right now.

"We're not sure if he slept there overnight though, baka sa sobrang pagod nag-nap lang 'yon nung hapon." She said trying to convince me.

"Still, if she's doing fine now, bakit wala parin siyang time para matawagan ako?"

"Sabi mo they were childhood friends right? Baka totoong concern lang siya- like family concern; sibling concern ganun."

"I don't know, chingu. I shouldn't feel like this right? Ang toxic ko naman if ipagbabawal ko siyang maging concern sa mga taong importante sa kanya. Isa pa, I have no right to be jealous right? Hindi ko naman siya sinagot. I just... feel crappy not knowing what's happening."

"Mishy! Hindi naman ganun 'yun. Syempre, mahigit isang araw na din siyang hindi nagpaparamdam sayo. The least he could have done is to call you and tell you that things are fine with his friends and he too is fine. Lalo na't iniwan ka niya doon sa mall na nagpapanic sa nangyari. It's totally normal that you're worried right now with the situation. So don't blame yourself."

"Thank you. For reassuring me that I'm still normal." My eyes teared up a bit. What a lovely friend.

"But knowing Flint though, alam kong very sincere siya sayo, there must be another reason. Just hear him out kapag nagkausap na kayo ha, don't make rush decisions."

Now that she's mentioned Flint's sincerity suddenly I remembered the things he's done for me.

Suddenly I feel bad and immature na nagagalit ako sa kanya, eh may emergency siya.

Hay nako, Mischa.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Ellie, I decided to just spend my remaining day binge watching the kdrama I started yesterday. Para na din hindi na ako mag-isip pa ng kung ano ano. It just makes eveything worse.

Like usual, Sunday night ay hinatid kami papuntang condo. The lights are already closed and Yani is already drifting to sleep. Meanwhile, dilat pa ako sa dami ng thoughts. My mind just can't keep off from Flint thoughts kapag hindi ito occupied.

I checked my notifications one last time at wala parin. Binuksan ko nalang muli ang app kung saan ako nanonood ng kdrama. I'm already half way through the drama dahil 'yon lang naman ang inatupag ko buong araw.

It was already 4am when I finished watching all the episodes of the drama. Nagpupunas pa ako ng luha dahil sa touching happy ending nang napatalon ako sa biglaang pag-vibrate ng phone ko.

Napamura pa ako sa gulat. I heard Yani shifted her position.

Hindi ako sigurado kung para saan ang mabilis na kalabog ng puso ko. Dahil ba sa nagulat ako o dahil tumatawag si Flint?

Love In ProgressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon