Chapter 12

35 1 0
                                    

Hurt


Sobrang init ng mukha ko.

Hindi ako makahinga ng maayos.

Tumingala ako at nakitang nakatingin lahat sa amin. Gulat ang iba, ang iba naman ay umiiling iling na parang disappointed.

"Mga kabataan talaga." Rinig kong sabi ng isang matanda.

Sobrang kinakabahan ako, ang tanging naririnig ko lang ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Nakaluhod parin si Flint, naghihintay sa sagot ko. Madami akong gustong sabihin ngunit parang may nakabara sa lalamunan ko, sobrang tuyo.

Nagsikap akong hilain siya patayo. "What are you doing?" mahina kong sabi, hindi sigurado kung narinig ba niya.

Hindi ko na kinaya ang titig ng mga tao kaya unti unti akong umatras at tumakbo palabas.

Rinig ko ang pagtawag ng ilan sakin pero nagpatuloy ako kahit na hindi ko alam saan pupunta.

Nang nakalabas ako sa venue ay naramdaman ko ang lamig ng hangin which brought me comfort.

I was struggling with my breathing when I heard footsteps of someone running towards me. Flint.

"Mischa..." tawag niya at umambang hahawakan ako pero agad akong umatras.

Sumasakit ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok at sa isa pang rason. Sobra sobrang kaba, takot, panic at anxiety ang nararamdaman ko ngayon.

Nang medyo nakabawi sa hangin ay hinarap ko siya.

When I saw him, I felt like I exploded.

"Bakit mo ginawa yun? Why!?" Halos pasigaw kong sabi.

"It was a corporate event, Flint! A formal party with big people in the industries! What you did was so in appropriate and immature! What will they think of me or you? Sana naisip mo yun bago mo ginawa, bago mo ako nilagay sa awkward na position, bago naging complicated ang lahat." Huminto ako para makahinga.

"I don't get why you're so persistent when I kept on pushing you away since day 1. Ginulo mo ang tahimik kong mundo simula noong dumating ka. You are such an uncomfortable person to be with, being with you means people stare at you, people gossip about you, people judge you in all the wrong ways, people think bad about you. You always forced your ways on me which was also so uncomfortable. So why would I fight for you?" bumuhos ang luha ko sa kalagitnaan ng pagsasalita.

Ang sakit sakit na ng puso ko at mas piniga pa nang makita ko ang reaksyon niya. He looks so devastated.

I can see hurt written all over his face, his eyes.

Nasaktan ko siya.

What did I just say?

Nagpanic ako at mas lalong humagulgol. Hindi ko maintindihan ang nangyayari, napaupo ako sa sahig sa sobrang sakit ng puso at mata.

Hindi ako makahinga.

Akala ko tatalikuran na niya ako at iiwan doon. Pero lumapit siya sakin at tinulungang tumayo.

"I understand..." bigo niyang sabi. He slowly led me to the parking lot kung nasaan ang kotse niya. Pinaupo niya ako sa passengers sit at pinainom ng tubig. Wala na akong lakas makipagtalo kaya sumunod ako.

"Dito ka muna." Sabi niya at sinara ang pinto. Pinanood ko ang likod niyang umaakyat baba dahil sa paulit ulit na paghinga ng malalim.

Bumuhos muli ang mga luha ko realizing that I've said so much hurtful words to him and yet he still helped me.

Natatakot ako sa mangyayari sa office, sa amin. Kung dati pinagchichismisan na kami pano pa ngayon!

There were so many people at the scene and people talk! At may media pa, pano kung makaabot sa school? O di kaya sa parents ko? Sa relatives ko? Ohmygod.

Nang namataan ko si Flint pabalik, sinubukan kong tumahan at pinunasan ang mga luha pero bumuhos din ulit nung sumakay na siya. I have no control in these tears, I swear.

Dinala niya ang bag ko at binigay sakin. Tinanggap ko iyon at nagsimula na siyang magdrive. Hindi siya umiimik buong byahe at tahimik lang akong umiiyak.

Everything hurts from my head to my feet.

Pagkadating sa labas ng condo tsaka lang siya humarap sakin. Gusto ko sanang mag explain ngunit "Sorry..." lang ang nasabi ko sa huli.

Not meeting my eyes he said "Rest well for tonight, we'll talk next time."

Mabuti at walang tao sa condo. Nakauwi na kasi si Yani at si Ate Stella sa bahay namin. Nagbihis ako at naglinis ng mukha bago humiga na.

Tiningnan ko ang cellphone ko at nakitang madaming tawag doon galing kay Ellie at John.

Madami ding notification galing sa group chat namin. May iilang text din galing kay mom na nagtatanong kung nakauwi naba ako.

Hindi ako sigurado kung alam na ba ng pamilya ko ang nangyari pero since hindi pa ako tinatawagan at tinatanong tungkol doon, baka hindi pa kumakalat ang balita.

Just thinking about people knowing what happened a while ago scares me so much. Bumuhos nanaman ang luha ko kaya tinabi ko na yung phone at nagpasyang matulog na.

Madami ang gumugulo sa isipan ko. Narealize ko na I like Flint, I've come to like him. Dahil noong nakita ko kung gaano siya nasaktan sa sinabi ko, sumikip din ang dibdib ko.

I wanted to take everything back to ease his pain. I hate myself for making such a fuss, being a coward and making everything so complicated.

I feel so guilty for inflicting pain on both of us. Why did I have to panic and be anxious at that time?

Flint sure has the looks, unang kita ko palang sa kanya napansin ko na yun. That's also one reason why people keep on staring at him, he's so handsome; masyadong agaw attention.

He asks too much private questions which I'm not comfortable answering, but he just wants to get to know you. Feeling close siya because of his outgoing personality. He likes pranking to the point na sobra na minsan pero gusto ka lang niya asarin at patawanin. He likes joking kaya minsan iisipin mo joke ang sinasabi niya pero sincere at genuine pala. He was so nice and so good in handling my little brother na ilang beses na akong tinanong ni Leon if he could hangout with Flint again.

Nagreplay sa utak ko ang nangyari kanina, mas mabuti na bang nireject ko siya ng maaga?

How will my family, specially my lola react when they come to know about this. Will they approve of it if I say I liked him too or will they force me to someone else?

What about the media in there? Nakakahiya! Hindi lang buong company ang nakakita, may mga tao pa sa ibang company at big business people!

Did I made it worse? It could probably be "romantic" if I agreed and things wouldn't be this... complicated.

How will I face the world tomorrow?

I fell asleep overthinking...

Love In ProgressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon