Chapter 31

40 1 0
                                    

Graduation


Mamayang gabi na agad yung flight ni Flint pauwi sa probinsya nila.

Maayos naman kaming nakauwi kagabi pati sila Ellie din. The boys weren't even drunk dahil soju lang 'yon.

My plan for today will be to go to the mall. Matagal kong pinagisipan kung ano ba ang magagawa ko para makabawi sa kanya. I mean, I'm not really at fault but I just feel bad now that he's feeling sad. So I decided to buy some stuff for the care package that I'm preparing for him.

Nagtext ako sa kanya kanina na magkita kami para sa lunch kaya kailangan kong magmadali ngayon sa paghahanap ng mga nasa to-buy list ko.

I started with the essentials. A big pouch to put all the other stuff I'm buying; a small toothbrush, toothpaste, floss and mouth wash; shampoo bar and bath bar; tissue, alcohol and hand sanitizer.

Naisip ko he probably has all these naman na but I don't know, for extra?

Then I started to pick some things that I think he'll need. Eye mask; neck pillow; sun glasses; sunscreen, pen and paper; small flashlight; charging cords; snacks, candies and gums.

Habang papunta sa check out counter, may nakita akong keychain set. Dalawang teddy bear keychains yun, isang lalaki at isang babae. Hindi ko alam pero kumuha din ako ng isang set at nagbayad na.

Bumalik ako sa condo para maayos yung care package na hinahanda. Inilagay ko lahat ng pinamili doon sa malaking pouch na kulay black. Iyong neck pillow lang ang nakahiwalay dahil hindi kasya.

Kinuha ko ang teddy bear keychain, pinaghiwalay ko ang lalaki at babaeng teddy. Ang lalaki ay sinama ko sa loob ng care package, and babae naman ay tinali ko sa zipper ng bag ko.

Mabilis ko lang yun natapos. Isa nalang ang kailangan kong gawin. A letter, a heartfelt letter for him.

Halos mapamura ako nang nakita ang oras. Kailangan ko nang umalis at hindi pa ako natatapos dito sa letter! I never thought writing a heartfelt letter could be hard, nakailang ulit pa ako!

"Oh" sabi ko at inilahad kay Flint ang care package nang nagkita kami.

Lumiwanag ang mukha niya "Ano yan?" patay-malisya niyang tanong.

"I prepared a care package for you." Tinanggap niya yun at bubuksan sana para tingnan ang loob.

"Wag mo buksan ngayon!" agap ko. "Mamaya nalang kapag nasa plane ka na."

"Okay." Sabi niya na may malapad na ngiti.

Sabay kaming kumain at pagkatapos ay sumama pa ako sa condo niya habang siya'y nagiimpake. I was so thankful na maayos na ulit ang mood niya dahil madaldal na ulit siya, madami na ulit kaming napaguusapan na iba't ibang topic.

Nung naghapon ay sabay kaming bumaba ng condo niya. Dala-dala niya na ang maleta niya dahil kailangan na niyang tumulak pa airport. Habang naghihintay kami sa driver nilang kinuha ang kotse, hinarap niya ako para mayakap.

"I'll miss you so much!" bulong niya at hinigpitan ang yakap.

"I'll miss you too! Magtext nalang tayo." I answered.

I don't want to be dramatic dahil babalik din naman siya agad but I don't know why I just can't help but to get a bit sad.

"We will. And I'll call you. Sunduin mo ako sa airport pagkabalik ko ha." Sabi niya.

Natawa ako roon pero nang nagkatinginan kami ay narealize kong seryoso siya doon.

"Sige ba." I answered. Namataan ko ang kotse nilang kakapark lang sa labas ng condo building. Tinulak ko siya konti papunta doon. Baka mamaya ay malate pa siya.

Love In ProgressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon