Pieces
Yesterday afternoon I spent my time at the library para hanapin ang mga librong kailangan ko para sa thesis. I looked for every book that I might need para hindi na ako pabalik-balik.
Tulad kahapon, maaga palang pumunta na ako sa condo niya dala-dala ang breakfast na luto ni Ate Stella.
"Wait, did you get the visitor's pass?" tanong niya habang nasa elevator kami.
"Hala naiwan sa counter!" sagot ko ng narealize 'yon. Tumunog ang elevator sa floor ng unit niya.
"Ako nalang kukuha sa baba. Mauna ka nang pumasok." Binigay niya ang susi ng unit niya at bumalik na sa loob ng elevator.
Maingat kong binuksan ang pintuan ng unit niya. Pagkaapak ko palang sa loob ay narinig ko na ang boses ni Zaiden na may kausap sa phone. Naka-loud speaker iyon.
Hindi niya ako napansing pumasok doon dahil nakatalikod siya sakin, umiinom siya ng kape habang nakatanaw sa cityscapes; ang phone ay nakalapag sa table.
Hindi ako nakahakbang palapit nang narinig ang pahayag ng nasa kabilang linya.
"Ikaw ang roommate, Zaiden kaya malamang ay alam mo ang rason bakit hindi parin tapos ang ginagawang proposal ni Flint?"
Prposal?
"I'm sorry tita, hindi ako sigurado. Alam niyo po namang hectic ang schedule niya nitong linggo dahil sa nangyaring accident." Sagot ni Zaiden. Tita? So it's Flint's mom?
"I know, but what about the weeks before? Hindi ba 'yon lang din naman ang task niya sa OJT niya? I'm sorry for calling you about this, alam kong proposal mo at ang kanya ang pagpipilian pero ikaw ang pinakaclose sa kanya and I just want to know what's happening."
"It's alright, tita at hindi pa naman po kasi tapos ang OJT ni Flint, may 2 weeks pa siya tita."
I know that I shouldn't eavesdrop, this is their family matter! But I can't seem to lift my feet or move my body.
"Alam mo namang nagmamadali ang lolo niyo, gusto niya nang magretire. Now that naibigay mo na ang proposal mo, panay ang tanong niya kailan ang kay Flint." Hinilot ni Zaiden ang kanyang sentido habang nagpatuloy ang kanyang tita.
"At ano itong naririnig ko kay Cheska na may distraction daw si Flint sa work? May alam ka ba dito? Ito ba yung nilliligawan niya?"
"Tita, mas nauna kasi akong nag-ojt compared to Flint, kaya mas nauna kong natapos ang akin. At sa distractions na sinasabi niyo hindi ko po alam ang tungkol dun. Please just ask Flint about it."
"Siya ba ang reason kung bakit hindi matapos tapos ni Flint ang tasks niya? And I can't believe that he still hangouts with her; nang dahil sa kumalat na articles nila before napagalitan siya ng lolo niyo at muntikan pang mawalan ng chance."
It was this time when I finally decided to stop eavesdropping and go out of the room.
"Tita, hindi ko sinabi 'yan. You should-" huli kong rinig bago ko sinara ng dahan dahan ang pintuan.
I stood there processing what I heard.
Ano naman ang gagawin ko sa information na to?
"Mischa?" Si Flint nang naabutan ako sa labas ng unit. "Bakit hindi ka pumasok?"
"I was waiting for you." Iyon lang nasabi ko at pinihit na ang door knob.
Sinadya ko siyang unahan magbukas ng pinto baka kasi magtaka pa siya kapag nalaman niyang hindi na nakalock ang pinto.
"I need to go, tita." Rinig kong sabi ni Zaiden nang lumingon at nakita kami.
"Hey Mischa!" bati niya sakin.
BINABASA MO ANG
Love In Progress
Novela JuvenilAlvyno Series 1 Follow Flint as he puts progress into his and Mischa's relationship. . Enjoy this light teen love story.