Last Day
"Baba na kami ha, Mish." Si Ellie. Bumaba sila ni John para kunin ang mga pinadeliver naming pagkain kaya kami lang ni Flint ang natira.
Hindi ko alam kung saan napunta ang buong linggo dahil Biyernes nanaman na ngayon. Puro trabaho lang ang nangyari, we finished all our remaining tasks yesterday so that today makapag celebrate kami konti at sabay na kumain ng lunch kasama ang SP team. Pagkatapos ay meron pa kaming last meeting mamayang hapon.
Bukod sa last days of work, kinailangan ko din ipagpatuloy ang thesis ko dahil natanggap ko na ang revisions ko. After OJT, yun naman ang susunod kong pagkakabalahan.
Buong lingo ay nandito si Flint sa department namin nagwowork at kung wala dito ay nasa meeting.
Katulad ng nakaraan, sinusundo niya ako tuwing umaga, at sabay kaming umuuwi sa hapon. Madalas din ay sabay muna kaming nagdidinner sa labas bago umuwi at gumawa ng assignments.
He has been vocal that he will miss having a companion papunta at pauwi from work. Sinabi ko sa kanya na pwede naman kaming magdinner pagkatapos ng work niya pero sumisimangot parin siya, kahit na minsan ay pajoke naman.
Ako din naman, nalulungkot, mamimiss ko lalo na si Ellie. For a short period of time, we have become very close with each other, isa siya sa mga pwede kong kwentuhan ng rants at hindi niya ako ijujudge. Siguro ay itatanong ko na din ano ang plans niya after graduation at baka pwede kaming mag apply sa parehong company?
Pareho kami ni Flint na napaangat ang ulo pagkadating nila Ellie.
"Tara, ayusin na natin to sa room." Pag-aya niya.
Pinayagan kami ng mga supervisor namin na gamitin ang conference room para dito sa kainan. Ininvite namin ang buong special project team pati ang mga superviors na doon nalang kumain.
Around lunch time, nagsimula nang dumating ang mga kateam namin.
"Thank you sa pakain ha!" sabi ni Kuya Mike
"Kuha lang kayo. Madami pa doon." Si John.
Kompleto kaming special project team dito. Hindi ata sanay yung mga supervisors na sumabay sa mga mas bata kaya hindi sila sumama. Kinuhaan nalang namin sila at dinala sa kanila.
"Grabe! Mamimiss ko kayo." Si David.
"Hindi ba kayo mag-aapply as regular employees pagkatapos?" Si Kuya Mike.
"Hindi ko pa alam eh, may thesis pa ako bago ang graduation." Sagot ko.
"May offer ako sa tito ko pero titingnan ko muna siguro decision ni Ellie." Si John.
"Maganda din naman perks dito, pero maganda din ang offer samin ng tito ni John so..." Ellie shrugged.
"Ah, ganun ba. Sabihan niyo kami kapag nakapagdecision na kayo ha." Si Scarlet. "Itong si Jenny, ganoon ang gagawin pagkatapos ng internship niya. I-rerecommend lang din naming sa HR para siguradong matanggap siya."
Tumango ako.
"Oo naman, kayo pa, yung best teammates ko." Si Ellie.
"Bat naman tahimik ka, Flint?" Si Tammy nang napansin na sa pagkain lang nakatutok ito.
"Iiwan na kasi siya ng crush niya dito." Si David at humalakhak.
"Sus, pagkatapos lang ng ilang linggo iiwan mo na din naman kami." Madramang sabi ni Patrick.
"I'm sorry, I just can't help it. Hindi na ako makakapag-hangout dito sa strat dept. Tapos mag-isa lang ako sa exec floor, tapos wala na akong kasabay kumain at umuwi... you know nakakasad lang." Si Flint.
BINABASA MO ANG
Love In Progress
Ficção AdolescenteAlvyno Series 1 Follow Flint as he puts progress into his and Mischa's relationship. . Enjoy this light teen love story.