Chapter 30

75 5 0
                                    

Ms. Poke written by Chologsabogsa

Chapter 30: Announcement

Elemra

Masaya akong kumakain! Dahil pinaglapit ko si Timber saka si Looter! Binulong ko kay Looter na patatawarin ko sya basta samahan nya kahit ngayon lang si Timber. Napag isip isip ko na hindi tama yung ginagawa namin ni Looter. Hindi ako sigurado pero sa tingin ko ay nasasaktan si Timber dahil ang alam nya ay Boyfriend ko si Looter.

Paano na lang kaya kapag nalaman nya na wala pa lang kami? Dahil kung makipag halikan ako kay Looter in public akala mo Girlfriend nya talaga ako! Maling mali sa kanila yun! Pero para sa'kin ay wala lang yun.

Laro lang ang lahat sakin!

"San kaya dinala ni Looter si Timber?" Tanong ni Akira.

"Aba malay namin, kita mong mag kakasama tayo bakit kami tinatanong mo?" Sarkatikong si Louton.

"Bakla ka! Hindi ko naman sinabing sagutin nyo yung tanong ko!" Singhal ni Akira.

"Hahahaha! Ang sabihin mo inggit ka lang kase hanggang imagine ka lang hahahaha!" Nangangasar na sabi ni Louton.

Napapansin ko lagi silang nag aasaran! Konti na lang talaga iisipin kong may gusto si Louton sa kanya! HAHAHAHA!

"Kapal ng mukha! Akala mo talaga may lovelife ang bakla kung makapag salita!" Si Akira.

Tahimik lang akong kumakain, nag aasaran na naman ang dalawa! Lagi silang ganyan.

"Hahahaha alam mo kung bakit hindi ako nagkakaron ng lovelife? Huh?" Si Louton.

"Hmmmm... kase bakla ka! Bwahahahaha!" Natatawang sagot ni Akira.

"Kase inaantay kita." Seryosong sabi ni Louton.

"Pfffttt HAHAHAHAHA!" Malakas na tawa ko.

Pano ba naman kasi napaka seryoso ni Louton nung sinabi nya yan! Hahahahaha! Inikutan lang sya ng mata ni Akira at parang nandidiri 'ito sa sinabi ni Louton.

Kung tutuusin gwapo si Louton at may katawan rin 'ito kaso bakla kaya sayang.

"Yuck! Kadiri! Iw!" Nandidiring sabi ni Akira.

"Maka iww ka! Ganda ka!?" Louton.

"Oo kung ikukumpara mo ako sa'yo!" Akira.

"Patigasan ng mukha!" Louton.

Natapos na akong kumain pero hindi pa rin sila tapos. Napatingin sa akin si Akira kaya sa'kin na lang nya binaling yung atensyon nya.

"Bakit sinama ni Looter si Timber? Anong binulong mo?" Tanong ni Akira.

"Hmm sinabi ko lang na samahan nya si Timber ngayon at kausapin dahil sa ginawa nya nung nakaraan." Sagot ko.

"Okay lang sa'yo? I mean boyfriend mo yung tao.. okay lang ba sa'yo kahit makasama ni Looter yung Ex nya?" Singit na tanong ni Louton.

Ang alam nga pala nila ay Boyfriend kong tunay si Looter. Siguro kung kami talaga ni Looter ay hindi okay sa'kin ang ganun.

Dahil para sa'kin kapag pinansin mo pa yung Ex mo, dalawang dahilan lang yan eh..

Its either na mahal mo pa...

O hindi mo talaga sya minahal...

Isa sa dalawa na yan ang dahilan kung bakit mo pa kinakausap ang Ex mo. Para lang naman sa'kin yun.

"W-wala naman sa'kin yun... hindi naman ako selosa.." palusot ko.

Nung natapos kaming kumain ay nag simula na kaming mag lakad papuntang building namin. Natanaw ko sa malayo si Endymion at nakabuntot si Lillith sa kanya.

Ms. Poke ✓ LIS#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon