Chapter 34

72 4 0
                                    

Ms. Poke written by Chologsabogsa

Chapter 34: Hurt

Elemra

Pinasakay ako ni papa sa passenger seat para makapag usap kami saglit. Hindi pa rin ako makapaniwalang half sister ko si Lillith sa tatay, agad kong pinunasan ang luhang tumulo sa mata ko. God knows kung paano hinihiling araw araw na muli silang makita at bumalik sila sa buhay namin ng mga kapatid ko.

Na maging kompleto ulit kami.

Puno ng katanungan ang isip ko, 3 years ko rin syang hindi nakita kaya kahit papaano ay na miss ko yung tatay, hinahanap hanap ko minsan yung pakiramdam ng may mama at papa. Hindi ko alam pero nung mga araw na iniwan nila kami pakiramdam ko pinagkait na sa'kin yung mga magulang ko.

Naalala 'nung mag sagutan sila mama at papa dahil nalaman na lang ni mama na kabit pala sya ni papa, hindi na sila maawat ni Lola, sobrang sakit ng nararamdaman ko that time na parang ako yung nasasaktan sa mga ginagawa at sinasabi nila sa isa't isa. Wala namang nagawa si mama dahil nag bunga na ang pagkakamaling ginawa nila at biruin nyo na nagka anak sila ng apat. Iniwan kami ni papa dahil nalaman na raw ng tunay nyang asawa ang kalokohang ginawa nya at iiwan raw sya nito kapag hindi nya kami iniwan, mas pinili ni papa yung asawa nya kesa samin ng mama ko na kabit lang nya.

Naalala ko pa yung mga masasayang araw namin nung mga panahon na sanggol pa lang si Pinky at wala pang pag iisip si Ally at ang bata pa ni Twilly, dalaga pa ko nun. Madalas kaming kumain sa labas, madalas kaming ipasyal ni papa kahit saan, nakikipag laro pa samin sila mama at papa ng tago taguan, at ang hindi ko makakalimutan.. yung sabay sabay kaming kumakain.

Kahit hindi masarap ang kinakain namin at kahit paulit ulit lang yung ulam ay hindi naman matutumbasan ang saya namin. May ngiti sa aming mga labi na wala kang ibang makikita kundi kasiyahan, yung mga ngiting walang problema, yung mga ngiti na masaya lang..

Ngayon kasi nakaka ngiti nga ko pero madalas malungkot ako.

"Kamusta? Kamusta kayo? Yung mga bata Elemra? Yung mama mo? Anong balita?" Tanong ni papa.

"K-kamusta? A-anong balita?" Nag crack yung boses ko.

"Elemra wag kang umiyak.. I'm sorry, alam kong nasaktan ko kayo ng mama mo pero kinakailangan kong gawin yun Elemra para iligtas kayo sa kamay ng asawa ko.." malungkot na sambit ni papa.

Naluha ako sa sinabi nya, kaiwan iwan ba kami? Pakiramdam ko kasi ay hindi pa rin sapat na dahilan 'yun para iwan kami. Araw araw ko syang iniintay sa tapat ng bahay dahil nag babaka sakali akong balikan kami ni papa, iniisip ko na babalikan kami ni papa dahil mahal nya kami. Sigurado talaga ako 'nun na babalik sya pero bigo ako.

"Iligtas? Pa, iniwan na kami ni mama, Inako ko lahat ng pagkakamali nyo! Ni minsan ba inisip nyo kung ano'ng kalagayan ko? Kung may nakakain pa ba kami, kung umiiyak ba kami ng mga kapatid ko, kung nakakatulog ba ako dahil iniisip kong babalik kayo, kung ano na bang nangyari sa buhay namin, sakin?!" Tuloy tuloy ng bumagsak ang luha ko.

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pag hagulgol ko. Ang sakit kasi dati ang iniisip ko balang araw magiging proud sa'kin ang magulang ko, iniisip ko na maiaahon ko sila sa kahirapan dahil makakapag tapos ako. Sabi ko sa sarili ko na hindi ko sila bibiguin at susuklian ko ang lahat ng pag hihirap nila samin..

Pero sila mismo.. binigo nila ko.

Kulang pa yung salitang bigo, kulang pa yung salitang masakit, kulang pa yung salitang kamalasan, kulang pa ang lahat ng 'yan.. simula 'nung sinira ko ang sarili kong buhay para sa kapakanan ng kapatid ko at dahil 'yun sa kanila.

Ms. Poke ✓ LIS#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon