Chapter 56

50 5 0
                                    

Ms. Poke written by Chologsabogsa

Chapter 56: Trouble

Elemra

"Good morning Ms. Beautiful!!" Masayang bati ko sa harap ng salamin!

Walang araw siguro na hindi ako naging masaya! Haaayys.. hindi ko talaga masukat 'yung saya na nafe-feel ko ngayon. Una dahil sa mga kaibigan ko sa LIS. Pangalawa dahil kay Endymion at ang pangatlo dahil magkakaayos na rin kami ni Lillith!

"Ele.. nandito na 'yung binatilyo sa labas bilisan mo na't tayo'y kakain na." Saad ni Lola na nasa pintuan ng kwarto ko at mabilis na umalis.

Syempre nag pabango pa muna ako bago ako lumabas. Pagkalabas ko naabutan ko si Endymion na nakaupo na! Mas maaga ang pasok namin kesa sa mga bata kaya naman tulog pa ang mga 'yon. Nakangiti akong lumapit sa kanya at napangiti rin sya ng magtama ang paningin namin.

Shitt!! Kung ganito lang rin naman ang sasalubong sakin sa umaga! Hinding hindi ako mag sasawa gumising ng mas maaga para lang makita ko sya!

Minsan iniisip ko ano kaya kung mag paalam ako kay Lola nasa apartment ako ni Endymion matulog? Kaso wag na dahil panigurado more talak more fun si Lola na kesyo mag ingat raw ako.. blah blah blah..

Alam ko naman na iniisip lang ni Lola ang kapakanan ko pero anong magagawa ko? Kusang bumubuka ang hita natin sa lalaking gusto natin..

Sabi nga nila pag mahal mo ibigay mo..

Gusto kong kaltukan ang sarili ko dahil kahit hindi ko pa naman gano'n kagusto si Endymion dati ay nagawa ko ng mag milagro kasama sya dahil sa trip ko lang.

Natawa ako sa naisip ko! Hahahaha! Pagkakamalan nila kong baliw nito.

"Good Morning.." bati sakin ni Endymion ng makaupo ako.

Tahimik na naupo si Lola sa gitna ng mesa and as usual nag kakape si Lola.

Napatingin ako sa mga nakahain. Ang dami naman ata?? Hindi naman pasok sa budget namin to ah!?

"Nagdala sya ng pagkain Ele.." ani ni Lola sa simimsim sa kape.

"A-Ahh heheh, ang dami naman nito. Juskoh! Nag abala kapa.." baling ko kay Endymion.

"Nakakahiya naman kasi kung makikikain lang ako."

"Okay lang naman kahit wag ka ng magdala.. mukhang nagluto kapa e,"

"Kakainin naman natin kaya ayos lang.. kahit araw araw ko pa 'tong gawin ay ayos lang."

Ang aga aga parang tanga si Endymion!

"Awww... sweet.." ako.

"Kain na tayo.. La... kain na po tayo.." alok pa ni Endymion kay Lola.

"Mauna na kayo sasabayan ko na lang 'yunv mga bata.."

Nag simula kaming mag sandok ni Endymion! Parang ginanahan akong kumain dahil kasabay ko sya! Mukhang tataba ako nito kapag sya palagi ang kasabay ko.

"Hindi pa naman siguro lingid sa isip nyo ang magka-anak?"

*HUK!*

Ms. Poke ✓ LIS#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon