Ms. Poke written by Chologsabogsa
Chapter 24: Love
Timber
Nag presentang ako na ang mag order kasama si Louton. Tahimik lang akong nakapila.
"Ang swerte natin te! Makakasabay natin si fafa Endymion sa pagkain! Huhuhu masyado naman yatang mabait si kupido at pinag lalapit kami ng future husband ko!" Ngiting ngiting sabi nya sa harap habang nakatingin sakin.
Hinayaan kona lang sya sa pag i-imagine, wala namang ibig sabihin sakin yung pag sabay ni Endymion sakin.
Gwapo si Endymion at alam ko yun matagal na dahil minsan kona rin syang nakasama. Halos hindi kona nga masamahan sila Akira nun. Pero para sakin si Looter ang lahat! Hindi ko alam kung bakit baliw na baliw ako sa kanya!
"Tim?" Patanong na sabi ng nasa gilid ko.
Hindi ko sya nilingon dahil hindi naman yun ang pangalan ko. Nanatiling sa likod ni Louton ang paningin ko.
"Hey! Stefan sasabay kaba samin?" Nakangiting tanong ni Louton.
"Pwede ba??" Nahihiyang sabi nito habang bitbit yung kakainin nya.
"Sure! Wait lang order lang kami!" Nakangiting sabi ni Louton.
"Thanks Lou!"
Tss..
Nag order na nga kami at pag dating namin sa table namin ay agad na napatingin si Endymion kay Stefan. Naupo si Stefan sa tabi ni Elemra at ako naman naupo katabi si Louton.
"Paupo ako ahh." Sabi nung Stefan saka naupo sa tabi ni Elemra.
Kumain nalang ako, hindi kasi ako mahilig makipag usap maliban nalang kung kina-kailangan lang. Ito nako ngayon at hindi kona mababago yun!
"Galing mo palang sumayaw." Sabi ni Stefan saka sinimulang kumain.
Nakikinig lang ako sa kanila kung minsan napapatingin ako. Nagtataka ako kung bakit sumabay samin si Endymion?? Pero hindi kona pinroblema yun.
"Magaling ka palang sumayaw Elemra!" Sabi ni Louton.
"Kaya nga mamaya ma-inlove si Stefan nyan." Sabi naman ni Akira.
Tahimik lang akong kumakain habang nakikinig sa kanila.
"Hahaha hindi lang nakaka-inlove naka-"
"Pwede ba!!" Putol ni Endymion sa sasabihin ni Stefan!
Napatingin kaming lahat sa kanya kase medyo napalakas ang sinasabi nya. Sa tingin ko may gusto kay Elemra 'to. Malakas ang kutob ko na may gusto sya kay Elemra.
"Kumakain tayo kung ano anong pinag uusapan nyo." Dugtong pa nito sa sinabi nya.
Tsk.
Mukhang tama ang hinala ko na may gusto si Endymion sa kanya. Hindi ako sigurado kung nay gusto rin si Elemra sa kanya dahil kay Looter... pero nakikita ko sila minsang nag uusap at hindi ko man naririnig alam kong iba ang pinag uusapan nila dahil nakikita ko sa reaksyon nila.
"A-ahh malapit na Acquaintance Party!" Pag iiba ni Louton.
Bumalik ako sa pagkain at nakinig nalang ulit sa kanila. Malapit na pala Acquaintance Party ng LIS. Hindi ko alam kung magiging masaya ako pero naiisip ko na wag nalang sigurong umatend sa party na yun..
BINABASA MO ANG
Ms. Poke ✓ LIS#1
Ficción GeneralPara kay Elemra laro lang ang lahat para sa kanya, mapa-lampungan, landian, miski ang makipag halikan ay wala lang sa kanya. Hindi nya maitatanggi sa sarili nya na isa syang bayaran na babae, simula nung iniwan sila ng mga magulang nya kasama ang ta...