Chapter 4

113 9 0
                                    



Ms. Poke written by Chologsabogsa

Chapter 4: Spiderman

Elemra

Sobrang inaantok ako ngayon sa klase. Humikab pako dahil parang Lullaby pa ang boses nito sa pandinig ko. Mukhang babagsak ako nito ahhh. Napatingin ako sa katabi ko na seryosong nakikinig sa harap. Sa kagustuhan ko nanamang asarin sya ay hinimas ko ang hita nya gamit ang isang kong paa.

Napapikit ito at parang nag pipigil ng hindi mo malaman. Ibinaba nya ang isa nyang kamay at tinabig nito ang hita ko. Natawa ako sa reaksyon nya.

"May boyfriend kana diba?!" Pabulong na sigaw nya sakin.

May sinusulat sa whit board ang Lec kaya busy at ginamit namin ang pagkakataon na 'ito para mapakapag usap kami.

"Pero ikaw yung gusto ko." Malambing na tono.

"What are trying to say?! Na niloloko mo lang yung bestfriend ko?!" Inis na tanong nya na tinignan pako ng masama.

"Kung ikaw lang din naman ay payag akong lokohin sya kapalit ka." Nakangisi kong sabi.

"Matapos ng ginawa nyo sa harap ni Pexa?!" Naiinis na talaga.

Hanep din ang bilis kumalat nakarating agad sa kanya hindi naman na ako na bigla.

"Ang kyuut!! Mo naman magalit.." pagiiba ko.

"SHUT! UP!" Sigaw nya sa mismong mukha ko at napapikit pako dahil dun

Pagkamulat ko ay halos lahat ng mata ay nasa amin. Sila Akira rin ay nagtataka kung ano ba talaga ang nangyayari. Masama naman ang tingin ng Lec saming dalawa.

Oh no..

"You two! Get out!" Sigaw nung Lec.

d>-<b < - - - - - - ako

"I said get out of my class!" Sigaw nung Lec nung hindi kami gumalaw.

Nauna tumayo si Endymion at agad ako sumunod. Bago ako napatingin pa ako kela Akira na akala mo ay nag aalala.

Masyadong napaaga ang Break Time namin dahil pagkatapos ng klase na yun ay Break Time narin naman.

"San ka pupunta?" Tanong ko habang naglalakad kami pababa ng hagdan.

"Wag mo kong sundan."

"Sungit."

Nanatili akong sumunod sa kanya at mukhang hindi nya alam na sumunod ako sa kanya. Dinala kami sa Library at agad syang pumasok dun. Pumasok na rin ako at masyadong malaki ang Library dito kung kaya't nahihirapan akong hagilapin sya.

Nakita ko sa sa dulo sa pagitan ng mga book shelves. Nakatayo ito ay may hawak na Libro. Sobrang gwapo nyang tignan habang nag babasa siya. Bagay na bagay sa kanya! Ang sarap lang titigan.

Nagkunwari akong nag hahanap ng libro. Kunwari may tinitignan pero hindi nya parin ako napapansin.

Lumapit pako sa kanya at ganun parin yung ginawa ko. Hinihimas himas ko ang mga librong nadadaanan ko. Hanggang sa isang kilometro nalang ang layo ko sa kanya. Nag kunwari akong may kinuha at agad na binuksan ito nung mapatingin sya sa gawi ko. Pinapakiramdaman ko sya at alam na alam ko na nakatingin sya sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" Mahinahong tanong ni Endymion.

"H-huh? Nakikita mo naman diba? Nagbabasa syempre." Maangmaangan kong sagot.

Ms. Poke ✓ LIS#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon