Chapter 49

60 4 0
                                    

Ms. Poke written by Chologsabogsa

Chapter 49: Acquiantance part 2

Elemra

Ala's singko pa lang ng hapon ay Inihanda kona lahat ng dadalhin ko. Binigay na rin kahapon ang magiging costume namin. Naka Hoodie na kulay grey at Loose pants, kung iisipin mo pang hype beast sya.

"Sige na la, alis nako." Hindi kona inantay pa ang sa sabihin ni Lola ay umalis nako.

Sumakay nako ng jeep at mabilis naman akong nakarating sa school. Wala pang mga studyante dahil mamaya pang 7 p.m ang punta nila dito, tanging kaming mga Dance Troupe lang ang nauna dahil may practice pa kami.

Ang sabi ni Stefan sa Back stage raw kami mag kita kita kaya duon ako nag tungo maraming mga gamit na nasa lapag at lahat sila ay nakatayo samantalang si Stefan ay nag iisa sa harapan.

Napatingin sila sa 'kin at nag tama naman ang tingin namin ni Endymion. Nilapag ko ang dala kong bag sa sahig saka lumapit sa kanila.

"Since kompleto na tayo, wag na tayong mag sayang sa oras. Blockings na!" Pumalakpak pa si Stefan.

Sa unahan ako at sila Savannah saka si Endymion ay sa likuran. Sa unahan rin si Stefan katabi ko. Nag simula kaming mag practice, kahit practice lang 'tong ginagawa namin gusto ni Stefan ihataw namin ang sayaw lalo na mamaya sa stage. Ibigay raw namin lahat ng makakaya namin. Just move kuno!

Matapos ang practice ay kinuha ko sa bag ko ang binaon kong tubig. Habang umiinom ako ay lumapit sa 'kin si Endymion na tagaktak rin ang pawis at kung hindi ako nagkakamali uhaw na uhaw rin sya katulad ko.

Nung matapos akong uminom binalingan ko sya ng tingin. Wala sa sariling napalunok ako nang mapagmasdan ko sya! Kahit nasa ganitong sitwasyon ang itsura ni Endymion ang guwapo at ang sarap nya talaga!

"Baka tumulo laway mo." Kunwaring sinara nito ang bibig ko.

Napairap naman ako sa kanya.

"Bakit?" Pag babaliwala ko sa sinabi nya.

"Painom." Saka walang sabi sabing kinuha nito mula sa kamay ko ang tubig na ininuman ko saka mabilisang lumagok.

Napatulala ako sa kanya. Alam kong nag halikan na kami nito pero wala ba syang pambili kaya nakikiinom sya? Ang yaman yaman ang kuripot.

"Salamat." Sabi nya saka inabot sa 'kin ang bote na halos wala ng laman!

Nahiya pa syang ubusin! Imbis na ibato ko sa kanya ang boteng inaabot nya ay sarkastiko na lang akong ngumiti sa kanya.

"Ang konti mo uminom 'no?" Sarkastikong tanong ko.

Natawa sya sa tanong ko, aba! Ang loko nakuha pang tumawa kung kutusan ko kaya sya! Mag sa salita pa sana ang loko ng dumating si Savannah.

Ang sexy nyang tignan sa crop top na suot nya ngayon! Ngumiti ito samin at napatingin naman ako kay Endymion na tipid na ngumiti rin! Gusto ko syang sampalin kahit pa tipid na ngiti lang ang ginawa nya!

How dare he!!

"Pwede ko bang mahiram si Elemra?" Paalam ni Savannah kay Endymion.

Ms. Poke ✓ LIS#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon