Chapter 43

71 6 0
                                    

Ms. Poke written by Chologsabogsa

Chapter 43: Defensive

Elemra

"Maganda. Ang ganda ng ngiti mo. Parang lalabas sa dibdib ko ang puso ko dahil sa mga ngiti mo."

"Maganda. Ang ganda ng ngiti mo. Parang lalabas sa dibdib ko ang puso ko dahil sa mga ngiti mo."

"Maganda. Ang ganda ng ngiti mo. Parang lalabas sa dibdib ko ang puso ko dahil sa mga ngiti mo."

Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka get over! Sa lingyang yan ni Endymion kahapon! Pinuyat rin ako ng linyang yan! Kasi naman, hindi ko maintindihan kung bakit sinabi nya 'yon! At ang problema pa don! Kakaiba 'yung dating sa 'kin!

Na feel ko na 'yung gano'ng feeling ang kaso kay Rickson lang! No freaking way! Baka mali lang ito mga naiisip ko.

Mag lalakad na sana ako papasok ng building ko ng mahagip ng tingin ko si Endymion na kasama Lillith! Bakit may hawak na supot si Endymion? Saka bakit sila mag kasama? Anong meron?!!

Dahil curious ako kung anong meron ay sinundan ko sila at sa Lockers Room sila pumunta. Hindi ako pumasok sa loob, nandito lang ako sa labas sa bintana at sinisilip ko kung anong ginagawa nila!

Nakita kong naduon rin si Savannah na takang naka tingin sa kanila. Napapatingin rin 'yung ibang mga babae sa loob kela Endymion! Sinimulan ng buksan ni Lillith ang supot at may kinuha itong box at tinignan lang nya saglit.

"Hindi sa 'kin 'to. Wala akong binigay na ganto. Baka sa'yo 'to Endymion." Rinig kong sabi nya sabay abot ng itim na box.

Yan 'yung box na nakita namin ni Savannah at naabutan namin na naka hubad si Endymion 'nung araw rin na 'yon.

Tumiad ako at napahawak pa ako sa salamin para makita ko ng maayos. Anong hindi sa kanya? Nag sauli ba ng mga gamit ni Lillith si Endymion?? Baka tumira na si Lillith sa Apartment ni Endymion?

Ohh my!! Biglang pumasok sa isip ko 'nung panty na pinasuot sa 'kin ni Endymion! Nung gabi na nag Bar kami nila Looter kasama sila Pintha at Jetra! Nalasing ako 'nun at pagka gising ko nasa Apartment na  ko ni Endymion 'nun. Saglit na nagkainan at parehas kaming naligo at may panty syang pinasuot sa 'kin 'nun!

Hindi kaya kay Lillith 'yun?! Arrgghh!! Nagiging paranoid tuloy ako! Kung ano ano naiisip ko!

Wala ng nagawa si Endymion ng ibigay sa kanya ni Lillith ang box. Nabigla ako ng may kumalabit  sa likod ko kaya napa dukwang ako sa gulat.

"Jusme!" Napahawak pako sa dibdib ko.

Nakita ko si Stefan na naka ngiti sa harap ko. Letchugas naman oh! Ba't ng gugulat sya! Tapos nakuha nya pang ngumiti!

"Anong sinisilip mo?" Tanong nito sa 'kin at tumiad din sya para silipin rin kung ano man 'yung sinisilip ko.

"Wala! May sinilip lang ako." Mabilis na sagot ko.

"Kailangan mong sumilip?" Takang tanong nito.

Napakapa ako ng sagot. Ba't ba sya tanong ng tanong! Gusto ko lang naman maka siguro kung san sila pupunta, na wala silang gagawin gano'n.

"Elemra?" Napalingon ako sa likod ko at nakita kong kasama ni Endymion si Lillith.

Parang nag init 'yung ulo ko sa mga ngiti ni Lillith, at ano naman kaya ang kaugnayan ni Endymion sa babae'ng yan? Nakakainis! Ang dami kong tanong pero hindi ko matanong! Wala naman kasi ako sa posisyon para mag tanong kung bakit sila mag kasama. Kasi, ano naman sa 'kin kung mag kasama sila?!

Ms. Poke ✓ LIS#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon