Chapter 32

71 6 0
                                    

Ms. Poke written by Chologsabogsa

Chapter 32: Letter

Endymion

"I'll ask her—"

"May date na sya." Putol ko sa sasabihin ni Looter.

Nakaramdam ako ng inis ng sabihin nyang aayain nya ng date si Elemra para sa Acquiantance! Gusto ko sana'ng ako ang maka date nya, ang kaso hindi ko alam kung papayag ba sya kapag inalok ko sya.

Iniisip ko pa lang na tanungin sya ay nakikita ko ng hindi sya papayag. Hindi maganda ang huli naming pag uusap ni Elemra sa tapat ng bahay nila.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko ang sabi ko ay ititigil ko na 'tong kahibangan ko sa kanya pero ang hirap pala talaga, lalo't na lagi mo syang nakikita dahil kaklase ko. Kahit sa clubroom ay kasama ko sya kaya hindi rin sya mawala sa isip ko.

"Sino yung ka-date nya?" Tanong ni Looter.

Napaisip ako sa sinabi nya, sino nga ba ang ka-date ni Elemra?? Kahit ako hindi ko rin alam basta bigla na lang syang lumbas sa bibig ko. May kung ano sa'kin na ayaw kong maka date ni Elemra si Looter.

"Sinabi nya sa'kin meron.." pagkukumbinsi ko sa kanila.

"Hindi naman nya sinabi kung sino, mamaya nag dadahilan lang yung babae'ng 'yun." Sabi ni Lillith.

Tinignan ko sya ng masama dahil sa sinabi nya, pakiramdam ko ay nag dadahilan lang sya at gusto lang maka sigurado nitong si Lillith na hindi ko sya maka partner.

"Bakit? Bagay naman sila ni Looter ahh.." sabi ni Lillith nung tinignan ko sya.

Hindi nalang ako nag salita at ganu'n rin si Looter, hindi naman mapigil ang pag kw-kwento ni Lillith. Nagtitimpi na lang talaga ako sa babae'ng 'to! Kung hindi lang dahil sa na pag usapan namin, pero ngayon ay wala ng saysay 'yun kaya ititigil ko na ang kahibangan ko sa kanya.

Nung natapos akong kumain ay agad akong tumayo. Napatingin sa'kin si Lillith saka si Looter na parehong nag tataka.

"Mauuna na ako sa'inyo may practice pa ko," sabi ko at hindi ko na inantay pa ang sasabihin nila ay nag lakad na ako palabas ng Canteen.

Naiinis ako kay Lillith dahil alam naman nya na may gusto ako kay Elemra tapos ganun 'yung sasabihin nya sa harap ko! Nananadya ba sya,

Hindi na ako nagulat ng sumunod sa'kin si Lillith and this time napuno na talaga ako. Ayuko na mag panggap na sweet kami sa isa't isa dahil hindi naman talaga! Hinila ko si Lillith sa gilid ng puno para kausapin sya. Hinarap ko sya sa'kin at naka ngiti pa sya dahil sa ginawa kong pag hatak sa kanya.

Kaya ayuko mag make ng move sa mga babae dahil kung ano ano agad ang iniisip nila.

"Itigil na natin 'tong pag papanggap Lillith." Wika ko.

Unti unting nawala ang ngiti sa muka nya dahil sa narinig sa'kin. Ayuko naman syang saktan pero nag sasabi lang naman ako ng totoo, ayukong pilitin yung sarili ko sa mga ayuko.

Dahil ayuko nga,

"Bakit? Dahil ba sa sinabi ko sa Canteen?" Tanong nito.

Ms. Poke ✓ LIS#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon