Chapter 27

80 5 0
                                    

Ms. Poke written by Chologsabogsa

Chapter 27: Guitar

Elemra

ARAW NG LINGGO

"What do you want to eat?" Tanong ni Sanjo habang naka tingin sa menu.

Ayuko sana makipag kita sa kanya kaya lang nakaka konsensya naman dahil tinulungan kana ng tao at hindi kana nga pinipilit sa gusto nyang may mangyari samin tapos hindi ko pa sya sisiputin.

Kaya nakipag kita ako sa kanya dahil may sasabihin rin ako.

"Kahit ano." Saad ko.

Tinawag nya yung waiter at umorder sya saglit ng pagkain. Nung naka order na sya ay agad na umalis yung waiter. Nakakapag taka na kami lang ang tao rito, pinagmasdan ko ang buong paligid at napagtanto ko na tanging kami lang dalawa ang tao rito. May tugtog akong naririnig na nakaka-relax na para talaga sa mag kasintahan.

Natingin ako kay Sanjo na matamis na nakangiti sa akin.

"Pinasara mo ba ang Restaurant na'to?" Nag tatakang tanong ko.

"A-ahh oo namiss kase kita.. kaya gusto ko sanang ma-solo ka." Ngiting aso'ng sabi ni Sanjo.

Bakas pa rin ang pagiging magandang lalaki ni Sanjo pero hindi pa rin sya yung mga tipo kong lalaki, kaya ko lang naman sya pinatulan ay dahil malaki ang pakinabang nya sa akin kaya ngayon gusto kong sabihin sa kanya na itigil na muna namin ang pagkikita namin dahil may pera pa naman ako na bigay ni Rickson.

Ayun lang ang papel ni Sanjo sa buhay ko at hindi ko namang pwedeng pilitin ang sarili ko na gustuhin sya.

Ang sama ko.

"Gumastos ka pa Sanjo.." nanghihinayang kong sabi.

Mamahaling Restaurant kasi ito! Never naman akong dinala ni Sanjo sa cheap na Resraurant pero ngayon lang sya nag pasara. Black in white ang style nitong Restaurant at talaga namang napakagaan sa pakiramdam pagmasdan ang buong lugar.

"Minsan lang naman ako gumastos Elemra.. pag bigyan mo na ko." Anito na parang wala lang sa kanya ang pera.

Ilang saglit pa dumating na ang server na isa isa nilagay sa table ang iba't ibang putahe! Hindi ko maiwasang isipin kung gano kamahal yun?

"Kain na tayo." Ani nito ng maka alis ang server.

Nag simula kaming kumain, mabagal at mahinhin lang akong kumakain kapag kasama ko si Sanjo kailangan ko kase minsan mag pa girly para kaibig ibig naman ako sa paningin nya! Hindi babae'ng parausahan lang nya.

Kahit isang beses lang na may nangyari samin ay talaga namang ma-tiyaga 'itong nakikipag kita sakin para makuha ulit ako pero lagi ko syang tinatanggihan kahit pa bigyan ako nito ng malaking halaga.

Alam kong kase na kapag nag sawa na sila ay iiwanan na nila ako kaya ang ginagawa ko ay mas lalo ko pa silang pinapanabik sa'kin. Lumalakad ako para dagdag kita at alam ni Sanjo yun, gusto na nya kong patigilin pero ako ang makulit na hindi makuntento sa perang ibinibigay nya. Hindi naman kasi makapal ang mukha ko para mag pa dagdag sa kanya kung ano yung binigay ni Sanjo sa'kin ayun na yun!

Ms. Poke ✓ LIS#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon