Chapter 12

102 7 0
                                    

Ms. Poke written by Chologsabogsa

Chapter 12: Red

Elemra

- T A M B A Y A N -

"Ano problema mo? Bat ganyan ang itsura mo?" Tanong ni Pintha sakin.

"Si Rickson kase... nagbalik na..." sabi ko.

"Oooohhhh! Talaga! Ang fafa Rickson nagbalik na?!" Si Jetra na akala mo kitikiti.

"Kailan pa?" Tanong ni Pintha kaya naman napalingon ako sa kanya.

Kinuwento ko nga sa kanila ang nangyari kahapon. Si Pintha okay pa kausap pero itong si Jetra puro kahalayan ang nasa isip!

"Anong plano mo? Makikipag balikan ka sa kanya ng parang walang nangyari? Ganun nalang yun Elemra?" Sunod sunod na tanong ni Pintha.

"Hindi ko alam.. n-nasabi kona rin naman sa kanya na ganto na yung buhay ko kaya sa tingin ko lalayo na yun." Sabi ko.

"Nasabi mo na si Ms. Poke kana ngayon?"

"Ms. Poke?" Si Pintha.

"Poke! Poke! HAHAHAHAHA!" Si Jetra.

Kinutusan naman sya ni Pintha at nangamot naman sa ulo si Jetra.

"Aray! Ansakit nun ah!" Jetra

"Hindi kana nga nakakatulong! Nambwibwisit kapang hayuf ka!" Si Pintha.

"A-ahh hehehehe.."

'Tch'

Hanggang ngayon nababagabag parin ako dahil kay Rickson.. pano kung mahal nya talaga ako? Tama ba talaga naging desisyon ko?

"Biruin mo nga naman ang pagkakataon Elemra.. magkapatid pala si Rickson at Endymion na hinahalay mo. Ano ng plano mo nyan?" Tanong ni Pintha.

"Ewan ko... hindi na nya ko pinapansin ehh kaya hindi kona lang rin papansinin saka ako yung may gusto nun." Ako.

"Bakit naman?" Tanong ni Jetra.

"Umamin kasi sya sakin.. na nagugustuhan na nya ko pero sinabihan ko sya na itigil nya yun." Ako.

"Ehhh?! Umamin na may gusto sa'yo si Endymion?" Tanong ni Jetra na parang hindi makapabiwala.

"Oo." Ako

"Anong ginawa mo?" Pintha.

"Pinaiwas ko nga.. hindi naman sa ayaw ko sa kanya.. kung tutuusin hindi mahirap gustuhin si Endymion. Ako lang talaga yung may problema.." ako

"Ehh bakit kasi hindi mo subukan?" Si Jetra.

"Parang ganun naman kadali yun! Pano kapag nalaman nya yung trabaho ko? Yung kay Sanjo pa! Huh! Sige nga pano?!" Ako

"HAHAHAHA! Ikaw ba talaga yan Elemra! Bat nagkakaganyan ka kay Endymion? Dati naman go with the flow ka lang.. wala kang pake sa mga nararamdaman ng lalake." Natatawang sabi ni Jetra.

"Oo nga bakit ba ganyan ka kay Endymion? Sanay ka naman manloko ng lalaki diba? Si Sanjo nga bilog na bilog mo na yung ulo kakapaikot mo sa matandang yun." Pintha.

Ms. Poke ✓ LIS#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon