Ms. Poke written by Chologsabogsa
Chapter 15: Dance Troupe
Elemra
Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwalang tatlong araw kaming maglilinis ng Canteen! Imbis na kapag uwian na ay uuwi nalang ako hindi! Dederetso pako rito sa Canteen para lang mag linis kasama si Endymion!
Napag alamanan ko na sila Endymion ang may ari nitong school. Pero hindi sya nakalusot sa Guidance Councilor hindi naman pwedeng ako lang ang ma-detention! Unfair naman sakin yun!
Napapangiti ako sa mga naiisip ko! Ito nanaman ako sa mga kahalayan ko!
"Bitbitin mo to." Utos nya sakin.
Inabot nya sakin yung walis at iba pa namin gagamitin pang linis. Sa storage room kami muna pinaglinis at kasalukuyan kaming naglalakad papunta ron.
Nauuna syang mag lakad sakin at mayamaya lang huminto si Endymion sa tapat ng pintuan. Mukhang nandito na kami. Kinuha ni Endymion yung susi nya sa bulsa at nung makuha ay agad nyang binuksan ang pinto.
Wala sa sariling napapangiti kapag naiisip kong mag aano kami ni Endymion! Shit! Kahit saang lugar yata kami mag halayan ang hot paring isipin!
"Dyan kana lang ba?!" Inis na sabi ni Endymion.
Nabalik ako sa huwisyo dahil sa sinabi nya at napapahiyang sumunod sa kanya sa loob. Pagpasok mo sa loob puro drawer ang makikita mo at nag tambakan na mga papeles. Maalikabok narin ang buong lugar at talagang napaka kalat.
"Walisan mo yung mga kalat ako magbubuhat at mag aayos ng mga papeles na'to." Turo nya sa napakaraming papeles.
Nagsimula na nga kaming mag linis halos hindi kami makagalaw dahil siksikan rin ang mga gamit dito kahit pa malaki itong storage room.
Buti ay okay lang kay Endymion na mag linis kahit sila pa yung may ari nitong school. Biruin mo napaka humble pala nitong si Endymion! Kundi pa dahil sa Guidance Councilor ay hindi ko pa malalaman o baka ako lang ang hindi nakakaalam!
May problema nga pala sila ng dad nya kaya sya nangupahan dahil nga sa ex-girlfriend nya at dad nya!
Tss.
Bigtime pala sya!
Hindi nalang ako kumibo dahil hindi ko rin alam kung paano ko sisimulan dahil salubong ang mga makakapal na kilay nito habang naglilinis! Paano ko kaya sya kakausapin kung galit parin sya sakin!
Nakakailang minuto palang kami sa paglilinis ng tumagaktak ang mga pawis namin. Nakakaramdam nako ng ngalay sa balakang ko kaya nag strech ako. Habang nag s-strech ako ay nakita kong nakatayo si Endymion hindi kalayuan mula sakin na hingal na hingal! Habang pinagmamasdan ang mga nabuhat nyang papeles na sinuksok nya sa sulok!
Ang makita si Endymion sa ganyang kalagayan ay talaga naman maklaglag panty! Grabe super hot nyang pagpawisan! Nag we-wet tuloy ako! Shit! Hindi maganda to!
Nakatalikod sya sakin at ako naman nakatingin lang sa likod nya. Napag pasyahan namin na mag pahinga muna. Sunod sunod ang paglunok ko ng simulan ni Endymion hubarin ang uniform nya! Oh my sheezzz! Likod palang ulam na! God knows kung paano ako nagpipigil ngayon! Kung tutuusin kaya kong mag first move dahil nagawa kona rin naman sa kanya yun! Ang kaso galit ang lola mo at ako ang may gusto na ganto kami!
BINABASA MO ANG
Ms. Poke ✓ LIS#1
Ficción GeneralPara kay Elemra laro lang ang lahat para sa kanya, mapa-lampungan, landian, miski ang makipag halikan ay wala lang sa kanya. Hindi nya maitatanggi sa sarili nya na isa syang bayaran na babae, simula nung iniwan sila ng mga magulang nya kasama ang ta...