Ms. Poke written by Chologsabogsa
Chapter 38: Kasunduan
Endymion
Simula 'nung Martes hanggang ngayong Biyernes ay nakaka tanggap na ko ng kung ano anong regalo galing sa hindi ko alam kung sino! Normal naman sakin 'to pero iba 'yung kutob ko sa unang binigay nya nitong martes.
Nandito ako ngayon sa apartment at kakauwi ko lang galing school. Nilapag ko sa lamesa 'yung mga natanggap ko galing sa locker.
Lagi ko na rin kasing tinitignan kong meron bang regalo sa locker ko, at katulad nga ng inaasahan ko ay meron nga lagi.
Merong chocolates, teddy bear, etc, hindi naman ako interesado sa nag bigay sakin nito, ang nakakapagtaka lang 'yung box na itim. May singsing na itim sa loob nito na samahan mo ng itim na letter. Mahahalata mo agad na mahal 'yung singsing dahil paikot 'yung diamond na talaga naman nakapag dagdag ganda dito sa singsing.
Nilagay ko na lang ulit 'yung singsing sa itim na box kasama ng letter na itim rin at nilagay kona lahat ng gamit ko sa drawer sa side table ko.
Sino kaya yun?
- K I N A B U K A S A N -
"Ano tayo ah simula, okay!?" Sigaw ni Stefan.
Napapansin ko na madalas katabi ni Stefan si Elemra kapag practice. Bigla tuloy sumagi sa isip ko na may gusto ba sya kay Elemra? Lagi nya kasi nilalagay sa gitna at madalas sa tabi nya.
"Badtrip?" Tanong ni Savannah sa 'kin.
Kung madalas katabi ni Elemra si Stefan, si Savannah naman ang madalas kong katabi. Maingay rin sya katulad ni Lillith pero hindi naman nakakainis, hindi tulad ni Lillith na sobrang harot.
"Okay lang," tugon ko sa kanya.
Hindi ko alam kung pano nyang nasabing badtrip ako, pero halata ba sa 'kin na hindi ko gustong mag katabi 'yung dalawa?
Matapos mag practice ay nag tungo ako ng locker's room at katulad nga ng inaasahan ko ay may laman na namang regalo 'yung loob ng locker ko.
Sino ba kasi sya? Ayuko naman isipin ng isipin sya pero nakakatamad ng tumanggap ng regalo mula sa kanya. Hindi kona kasi alam kung anong gagawin ko sa mga binibigay nya sakin. Kapag nalaman ko talaga kung sino ay sasabihan ko ng tigilan na nya.
Pagkapasok ko sa roon ay nanduon na si Elemra, may mangilan na namang bulungan dahil sa pag dating ko.
Hindi ba sila nag sasawang pag usapan ako? Halos sa tanang ng buhay ko laman ako ng kwento sa paligid ko, ako na nag sasawa e,
Naupo na ko sa upuan ko at nakita ko naman na naka ngiti sa 'kin si Elemra. Napa simangot ako dahil pag iisipan pa nya 'yung isasagot nya sa 'kin.
Nag sorry sya sa 'kin kahapon at sinabi kong pumayag na syang maging date ko. Syempre para hindi na sya maging date ni Looter. Ang sabi nya ay pag iisipan pa nya kung papayag ba sya sa inaalok ko sa kanya.
Seriously? Ako na nga nag aya tapos sya pa 'tong mag iinarte?! Baka nakakalimutan nya na pinag tabuyan nya ko sa garden. Masakit pa rin sa part ko na sinabihan nya ko ng ganoon! Na ayaw nya raw sa mga ginagawa ko kahit pa wala pa naman talaga akong ginagawa.
Ang gulo talaga ng mga babae!
"Payag na ko." Sabi ni Elemra na ikinalingon ko.
Parang tumalon naman 'yung puso ko sa tuwa! Ganu'n lang naman kadali sabihin 'yon! Pigilan kong ngumiti sa harap nya.
BINABASA MO ANG
Ms. Poke ✓ LIS#1
Ficción GeneralPara kay Elemra laro lang ang lahat para sa kanya, mapa-lampungan, landian, miski ang makipag halikan ay wala lang sa kanya. Hindi nya maitatanggi sa sarili nya na isa syang bayaran na babae, simula nung iniwan sila ng mga magulang nya kasama ang ta...