Chapter 55

44 4 0
                                    

Ms. Poke written by Chologsabogsa

Chapter 55: I love you

Elemra

Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin 'yung saya dahil sa pag payag ni Lillith na pumunta sa bahay. Hindi ko alam pero simpleng pag payag lang naman 'yon.

Nung mahanap ko ang table nila Akira ay naabutan kong may pagkain na at masaya na silang nag kwekwentuhan.

"Kayo te! Kailan nyo balak maging official?!" Tanong ni Louton kanila Looter.

"Ano bang sinasabi mo dyan?!" Inis na tanong ni Timber sa kanya.

"Kailan raw kayo magiging official? Tignan mo nga 'tong sila Elemra hindi na nakapag pigil kaya anong pumipigil sa inyong dalawa?" Takang tanong ni Akira.

Pasimple pang tumingin si Timber kay Looter! Kitang kita na hindi mapakali si Timber dahil nasa hot seat sya!

"Wag nyo syang madaliin. Magkukusa naman siguro ang tadhana." Singit naman ni Looter.

"Hindi ako sure." Biro ni Louton.

"Hahahahaha sira ka talaga bakla!" Si Akira.

Nag usap usap pa sila ng mapatingin ako kay Endymion. Nakatitig ito sakin muli akong napatingin kanila Akira kung nakatingin ba ito samin at mukha namang hindi dahil busy sila kakatanong sa status nila ni Timber at Looter!

"Wala ka bang sasabihin?" Tanong nito.

"Na??"

"Kung anong nangyari?"

Wala naman sigurong mawawala kung ibabalita ko sa kanya ang magandang balita saka dahil naman sa kanya kaya ko naalok si Lillith dahil sa mga salitaan nya sakin.

"Pumayag si Lillith na pumunta sa bahay," nakangiti kong sabi.

"Hmmm.. good to know."

"Kaso sa sabado pa."

"Atleast pupunta diba."

Ang mahala ay pupunta sya at makikilala sya ng mga bata. Ayon na lang siguro ang mahalaga.

"Birthday na pala ni Endymion! Invited ang buong LIS nyan!" Naagaw ang atensyon ko dahil sa sinabi 'yon ni Akira.

Birthday na pala ni Endymion! Nag iisip ako ng magandang iregalo. I want something different yung bagay na hindi nya makakalimutan. Gusto kong regaluhan si Endymion ng bagay na aking pinaghirapan para mas effort diba?

"For sure a-attend ang prinsipe sa Birthday nya! Dati kasi nung nag celebrate yan ng Birthday nya ay saglit lang yan nag papakita sa tao then boom! Maglalaho yang si Endymion!" Si Louton.

"Sus! Umarte kapa e nakikain ka lang naman don! Okay lang naman kasi sa mga bisita kahit hindi na sya mag pakita saka hindi mo naman mafe-feel na wala sya kase party party talaga ang eksena!" Si Akira.

"Ang ungas kasi hindi gustong mag tagal sa bahay nila, kaya sinisilip lang nyan ang preperation na hinanda ng Daddy nya." Sabat ni Looter.

Ms. Poke ✓ LIS#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon