Chapter 59

47 4 1
                                    

Ms. Poke written by Chologsabogsa

Chapter 59: Video

Elemra

Araw ng Sabado..

"Ele.. gumising kana.. may naghahanap sa'yo sa labas.." bahagya akong niyugyog ni Lola.

Tamad na tamad naman akong bumangon dahil gusto ko pang matulog.. gusto ko pa matulog ng mas mahaba pa.. parang ang sarap sarap pang pumikit.

"Sino?" Sabi ko sa malaking boses.

"Hindi ko kilala.."

Napadilat ako sa sinabi ni Lola. Hindi nya kilala? Akala ko pa naman si Endymion o sila Jetra. Baka naman si Lillith na! Dali-dali akong tumakbo papuntang CR para mag sipilyo. Posibleng si Lillith ang nag aantay dahil binigay ko sa kanya ang address ko. Nakakahiya namang pag antayin sya sa labas.. pero mas nakakahiya na maamoy nya ang hininga ng bagong gising.

Mabilis lang ako nag sipilyo kaya naman nung matapos ako ay agad akong lumabas at hindi nga ko nagkamali. Nasa labas si Lillith! May naka park na malaking kotse sa gilid ng gate namin! Nasa labas pa ng gate si Lillith habang pamuni-muni sa paligid.

Mag a-ala's otso pa lang ahh, parang napaka aga naman nya bumisita pero hindi ko maipakakaila ang sayang nararamdaman ko at sa kabilang banda may excite rin akong nadarama!

Lumapit ako sa gate para pagbuksan nila. Agad naman napatingin sakin si Lillith at malumanay nya kong tinignan.

"Pasok ka," akay ko sa kanya.

Mukhang nag aalangan pa syang humakbang papasok mula sa kahoy naming gate. Natawa ako sa inaasta nya dahil mukhang first time nito makakita o makapasok sa ganitong klase ng bahay.

"Wag kang mag alala safe dito.." nakangiti kong sabi.

Sa huli naglakad na rin sya papasok. Nauna akong maglakad papasok sa bahay at ramdam ko naman na nakasunod sya sa akin.

Pagkapasok ko sa bahay ay bumungad sa amin si Lola. Kailangan nya makilala kung sino ba talaga si Lillith.

"La.. si Lillith.. a-anak ni papa..."

Una pa lang hinala ko na talaga na may chance na anak si Lillith ni papa dahil Collins ang apeliyido nya. Colyama naman ako at apelyido naman ni mama 'yon dahil bawal kong gamitin ang kay papa dahil hindi naman sila kasal ni mama.

Tsk.

"Talaga? Nagagalak akong makilala ka iha.."

"Nice meeting you rin po.."

"Kay gandang bata mo naman. Anak mayaman ka siguro?" Tanong ni Lola.

Parang nahihiya naman si Lillith at hindi ito makasagot sa tanong ni Lola.

"Lola naman! Gisingin nyo na lang po 'yung mga bata.. ipapakilala ko rin kasi sya sa mga bata."

"Sakto dahil mag-aagahan pa lang kami.. sabay sabay na tayong kumain." Ani bago kami iwan.

Napatingin ako kay Lillith at parang bigla naman nag shift ang mukha nito sa walang ekspresyon. Mabagal syang nag lalakad habang pinagmamasdan ang paligid ng bahay.

Ms. Poke ✓ LIS#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon