Kabanata 2

47.3K 1.4K 44
                                    

Kabanata 2

Pagdating sa sasakyan ay biglang nagsalita si Kyline na nakapagpahinto sa akin sa pagpasok.

"Oh my God! Nakalimutan ko ang books ko sa locker!" bulalas niya.

Nasa mukha niya ang alanganing ngiti na tila ba nanghihingi ng pasensya kaya napailing ako.

"Where's the key? Ako na ang kukuha." prisinta ko ngunit umiling siya.

"Nope! Ako na. Wait for me here. Mabilis lang ako." aniya na tumingin kay Dos na nanghihingi ng pasenysa.

"We'll wait inside the car." wika ni Dos kaya mabilis na nanakbo si Kyline.

And damn it! It was just the two of us. Hindi ko siya tinignan ngunit ramdam ko ang tingin niya sa akin.

Dos is a graduating college student. He's taking up business course like his brother. Twenty years old and he looks manly.

Malapad ang dibdib na alaga sa work out. He has biceps and abs na hindi naitago ng fitted shirt niya.

And me at the age of fifteen years old ay naghuhuramentado na ang puso ko dahil sa kanya.

"I saw you earlier. Inirapan mo ako. Do you have something against me?" biglang tanong niya kaya napaangat ang tingin ko sa kanya.

Namilog ang mga mata ko habang siya naman ay nakangisi.

"H-Ha?" naiusal ko.

"Do you have something against me? Inirapan mo ako kanina." aniya kaya mabilis akong umiling.

"W-Wala! N-Napuwing lang a-ako!" kaila ko. And it was the most lame excuse I ever had!

Ano bang naisip ko at tinaasan ko pa siya ng kilay at inirapan!

Bigla siyang tumawa kaya napamaang ako sa kanya. "Ganon ka pala mapuwing. Nang iirap ka." aniya. Bakas sa tinig niya ang amusement ng sabihin niya iyon kaya namula ang mukha ko.

"I-I just did that because you are looking at me." depensa ko upang pagtakpan ang pagkapahiya ko.

"Is it wrong?" tanong niya.

"Ha?"

"Is it wrong to look at you? Ang ibang babae ay tumitili kapag tinitignan ko pero ikaw ay nangiirap." sabi niya na humakbang pa palapit sa akin.

Biglang kumabog ang dibdib ko. Napalunok ako at nag iwas ng tingin sa kanya.

He's grinning and it was new. Madalas ay poker face siya o kaya naman ay wala siyang pakialam.

And Dos while grinning at me is one of a hell!

"N-No." sagot ko.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng guluhin niya ang buhok ko. "You're cute." wika kaya natameme ako.

He said I'm cute. Dapat ba akong matuwa? My classmates said I am pretty.

Inalis ko ang kamay niya sa buhok ko. "I'm beautiful." tutol ko sa kanya.

Bigla siyang tumawa ngunit tumango.

"Indeed. Kung wala ang kolorete mo sa mukha." sabi niya bago pahirin ng hinlalaki niya ang labi ko.

Nahigit ko ang hininga ko. What the hell, is he doing? Bakit ganito siya kumilos?

He's removing my lipstick using his thumb and it makes my knees weak. Para bang nanlalambot ako at hindi ako makahinga.

"You're beautiful without this." aniya.

Napatingin ako sa mata niya. He's serious. Too serious while looking at me.

Del Fuego Series 3:The Dangerous Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon