Kabanata 20

46.6K 1.3K 59
                                    

Kabanata 20

"Dont you like the food hija?" tanong sa akin ni Daddy habang nasa hapag kainan kami.

Nasa hapag kainan na kami at naghahapunan. Halos nakapangalahati na sila sa pagkain ngunit ako ay nilalaro lang ang pagkain na nasa plato ko gamit ang tinidor.

I dont have appetite. Sino ba ang gaganahang kumain matapos ang usapan namin ni Dos.

Ngumiti ako ng pilit at umiling. "No Dad. Im just full. Kumain ako sa labas kanina." dahilan ko. Tumango-tango siya na mukhang naniniwala sa dahilan ko kaya napayuko na lang ako ulit. Im such a liar.

"How was your study? Hindi ka ba nahihirapan?" tanong niya kaya muli akong nag angat ng tingin.

"No Dad. Its fine. Kaklase ko naman sina Odette kaya natutulungan nila ako."

"Thats good to hear."

"Hinatid ka ni Dos kanina hindi ba?" napatingin ako kay Kyline nang magsalita siya. Kanina pa din siya tahimik na kumakain.

Tumango ako at uminom ng tubig. "Yeah." tipid na wika ko.

Tumango siya at ngumiti. "You're getting close with Dos. Thats good to hear." aniya kaya para bang lalo akong nakonsensya.

I am not doing anything. Ang tanging nakakakonsensya lang ay ang damdamin ko para kay Dos. I shouldnt feel it but how can I stop my heart from beating too fast when he's near? Paano ko gagawin yon kung siya mismo ang nagbibigay ng dahilan sa akin na umasa.

"Its not a good thing. And were not really close." malamig na wika ko.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni kyline sa tonong ginamit ko at maging ako man ay nagulat. I didnt mean ti be be rude.

"May problema ka ba kay Dos?" tanong niya sa akin kaya napatingin ako kay Daddy na nakatingin sa amin at tila naghihintay din ng sagot.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Masyadong malakas ang kabog ng dibdib ko na para bang may ginawa akong malaking kasalanan.

"I-Im done. Aakyat na ako sa taas." wika ko at walang lingon likod na umalis.

I know it will look weird to them pero baka hindi ko matiis ang sarili ko. I might say a thing that I will regret eventually.

Pagdating ko sa kwarto ko ay mabilis kong inilabas ang cellphone ko. I called Odette. I need to release my stress.

"What can I do that you cannot do for me?" kaagad na bungad sa akin ni Odette.

"Hello, hi din sakin." kunway sarkastikong wika ko ikinatawa niya.

"There's hell in hello sis hahaha. So bakit napatawag ka?" biro niya sa kabilang linya bago sumeryoso kaya napailing na lang ako.

"Lets enjoy for tonight. May alam ka bang tambayan?" tanong ko.

"Tambayan? Marami. Just choose. Hahahahaha."

"Lets go then. Later at Nine pm. And by the way call Gwen."

"Yeah sure bye sis."

"Bye."

Mabilis kong binaba ang cellphone ko at dumiretso sa walk in closet ko. Naghanap ako ng damit. I chose to wear the red fitted dress na umabot hanggang kalahati bg tuhod ko. Its noy too revealing dahil may manggas iyon.

I need to divert my attention. Hindi dapat ako magmukmok. I need to move on.

Mabilis na lumipas ang oras at ngayon ay papunta na ako kina odette. Hindi na ako nagpaalam at pumislit na lang paalis ng makita kong pumanhik na si Kyline at Daddy sa kani-kanilang mga kwarto.

Del Fuego Series 3:The Dangerous Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon