Kabanata 30

49.8K 1.3K 48
                                    

Kabanata 30

11 PM.

Alas onse na ng gabi ngunit hindi pa rin ako makatulog. Nakatingin lang ako sa may Ceiling nang kwarto ko. My mind is too occupied. Madaming naglalaro sa utak ko. About Kyline. About Dos. And about what happened earlier.

Nagpauli-ulit sa utak ko ang nangyari kanina. Ang mga sinabi ni Dos, ang ginawa niyang paghalik sa akin at ang… paghingi niya ng sorry.

Is he sorry for kissing me?

Napahinga na lang ako ng malalim bago tumayo. Lumabas ako ng veranda at tumanaw sa langit. Hindi ko alam kung gaano ako katagal doon naramdaman ko na lang ang presensya na nakatingin sa may kanan ko.

“Bakit gising ka pa?” tanong ni Dos na siyang nakatingin sa akin.

Magkadugtong ang veranda ng mga kwarto namin kaya hindi na ako nagulat na siya ang nakatingin sa akin.

“Hindi ako makatulog.” Maikling wika ko at hindi nag abalang tignan pa siya.

“Gusto mo ba ng gatas?” alok niya kaya napangiti ako. Humarap ako sa kanya.

“Im not a kid anymore.” sagot ko sa kanya.

Tumaaas ang kilay niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. “Indeed. Pero bata lang ba ang umiinom ng gatas?” he asked with amusement.

Nagkibit balikat ako. “Para sa akin bata lang ang nag gagatas. Im a grown up woman now.” wika ko.

“Tss. The same Addy. Nagmamadaling tumanda.” aniya habang umiiling.

Natawa ako at bumungisngis. I want this kind of conversation with him. Maluwag sa dibdib. At sana sa mga susunod na araw ay ganito na lang kami.

"Okay na ba ang sugat mo?" tanong niya ulit kaya tumango ako.

"Hmm nagamot ko na." sagot ko.

“Ikaw? Bakit gising ka pa?” tanong ko pa sa kanya.

Nagkibit balikat siya. “I’m thinking.”

“Anong iniisip mo?” tanong kong muli.

“Sa akin na lang yon.” aniya kaya napanguso ako.

Hindi na ako sumagot at muling tumingin sa langit. Madaming bituin sa kalangitan. Its a peaceful night. Malamig ang hangin na dumadampi sa balat ko kaya napayakap ako sa magkabilang braso ko.

“I am thinking about you.” natigilan ako sa sinabi niya at unti-unti siyang nilingon.

“Ha?” Nalilitong tanong ko. Ramdam ko ang muli na namang pagkabaog ng dibdib ko.

“Im thinking about you. About the kiss. Hindi ako makatulog dahil doon.” aniya bago unti-unting lumapit sa akin.

“D-Dos.”kinakabahang wika ko.

“You made me lost my sanity Addy.” pabulong na wika niya nang makalapit sa akin. Hinapit niya ang bewang ko at tumingin sa mga mata ko.

Amoy ko ang alak sa hininga niya. I know he’s not drunk. Maybe he has a shot or two pero sigurado ako na hindi epekto ng alak ang ginagawa niya ngayon.

“Dos..”

“The way you say my name gave me a different feeling.” aniya habang marahang hinahaplos ang pisngi ko.

Napalunok ako. Hindi ko alam ang susunod kong sasabihin. My heart is beating too fast. Sa sobrang bilis ay parang gusto na nitong lumabas sa dibdib ko.

“L-Lasing ka.” mahinang usal ko na halos pabulong na lang.

“Im not.”

“A-Amoy alak ka.”

Del Fuego Series 3:The Dangerous Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon