Kabanata 23

42.9K 1.2K 58
                                    

Kabanata 23


Present

Napabalik ako sa kasalukuyan nang biglang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko iyong kinuha at sinagot ang tawag.

"Hello." bungad ko sa kabilang linya.

"Tuloy ba tayo mamaya Mads?" tanong sa akin ni Odette.

Napabuntong hininga ako. Paano ako makakaalis kung may buntot ng buntot sa akin?

Napailing na lang ako. I am already twenty-three years old. I already graduated from college at tinetrain na ako sa pamamahala ng business namin. And while on training I am enjoying my life.

I have nightlife. Clubbing, Partying and Drinking. Mula ng mawala si Kyline ay yan na ang mga bagay na madalas kong gawin. It became my routine.

Of course binabawalan ako ng Daddy ko but I am Maddy. The stubborn and brat Maddy. Palagay ko ay isa din ito sa dahilan ni Dad kung bakit niya hinire si Dos. He wants me to stop. Matagal na niya akong pinagsasabihan sa nightlife ko but I just cant stop.

I need to divert my attention.

"Hey! Mads. Ano tuloy ba?" tanong muli ni Odette nang hindi ako sumagot.

Napabuntong hininga ako. We already   talk about this. Pupunta kami ngayon sa bagong bukas na Restobar ni Gwen. That girl is a party animal. Kaya naman nagtayo siya ng sarili niyang Bar. And of course we are invited. Noong nakaraan niya pa sinabi ito at naka oo na ako.

"Yes. Magkita na lang tayo sa labas ng bar." sagot ko sa kanya. Bahala na. I need to escape Dos. Hindi ko kailangan ng bodyguard.

And besides Im not comfortable having him around. 

"Sure. Wag kang malelate ah! Ayokong maghintay." sagot pa niya.

"Look who's talking. Ikaw ang laging late. Dont me." nakairap na wika ko kahit hindi niya nakikita.

"Duhh. Im not late. You're just early." aniya kaya napasimangot.

Napailing na lang ako. Binaba ko na ang tawag at nag isip kung paano ko matatakasan si Dos.

Tinignan ko ang relo na nakasabit sa dingding. Five Pm. Mabilis akong tumayo sa kama ko at inayos ang buhok ko. I need to see where he was.

I need a plan.

Lumabas ako ng kwarto ko at ganon na lang ang gulat ko nang makita ko ang taong tatakasan ko. He's standing in front of my door.

"W-What are you doing here?" gulat na wika ko.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago muling nag angat ng tingin sa mukha ko.

Nagkibit balikat siya at itinaas ng konti ang maleta na nasa kanang kamay niya kaya napakunot noo ako.

"What is that?"

"My personal things." aniya nagsimulang maglakad ngunit hinarang ko siya.

"Where are you going?" kinakabahang tanong ko. Bakit may dala siyang maleta?

Binaba niya ang hawak niyang maleta at pinagsalikop ang kamay sa dibdib bago ako tignan sa mata. "Im going to my room." aniya kaya mas lalong namilog ang mga mata ko.

"What?! Anong room ang sinasabi mo diyan? You're a bodyguard! Hindi ka bisita!" angil ko sa kanya ngunit nginisian niya lang ako at nilagpasan.

Damn it! Mas lalong hindi ako makakaalis mag isa kung dito din siya titira! Ano bang balak niya? Bantayan ako 24/7?!

Mabilis akong sumunod sa kanya sa loob ng kwarto. Magkatabi lang ang kwarto namin at pader lang ang nakapagitan.

"Hey! Kinakausap kita!" angil ko sa kanya. Bahagya pa akong napatalon ng bigla niyang bitawan ang maleta niya na lumikha ng ingay.

Del Fuego Series 3:The Dangerous Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon