Kabanata 28

47.5K 1.3K 140
                                    

Kabanata 28

“Dos.” Tawag ko sa kanya. Huminto siya at tumingin sa akin.

Inalis ko ang kamay niya sa kamay ko at naunang maglakad papunta sa kotse. Ayokong umasa. I’ve been there and the results were too painful.
Pagpasok sa kotse ay sumunod siya sa akin. Pumasok siya sa drivers seat at tumingin sa akin gamit ang salamin.

“You can move here.” Aniya habang nakatingin sa akin. Umupo kasi ako sa back seat.

“Lets go. Mas gusto ko dito.” Wika ko ngunit kumunot ang noo niya.

“Im not your driver Addy.”

“But you’re my bodyguard. There was still a hierarchy. I am the boss and you are the bodyguard.” Wika ko at mabilis na kinuha ang cellphone sa bag ko.

“Tss.” Dinig kong bulong niya ngunit hindi na niya ako pinilit ksya lihim akong napangiti.

Nagsimula na siyang magmaneho ngunit wala pa rin akong imik. Nakita ko din ang paminsan-minsang pagsulyap niya sa akin.

Hindi ko siya pinansin at inabala ang sarili ko sa pacecellphone.

“Addy.” Tawag niya sa akin.

“Oh.” Sagot ko ng hindi siya tinitignan.

“Look at me.” Sabi niya ngunit hindi ko siya tinignan.

“What? Im busy.” Hindi ako nagtaas ng tingin bagkus ay nilagay ko ang air pods sa tenga ko.

“Addy.” Tawag niya ulit.

Kahit naririnig ko siya ay hindi ako sumagot. Nagkunwari akong hindi siya naririnig. At least he will know the feeling of being ignored.

“Damn it!” sigaw ko ng bigla siyang magpreno at mapasubsob ako sa may harapan. “What the hell is your problem?!” inis na tanong ko sa kanya.

“You’re ignoring me.” Kunot noong wika niya.

“Ano bang sasabihin mo?” inis na tanong ko.

“Saang mall mo gustong pumunta?” walang kangiti-ngiting tanong niya.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o kung maiinis sa tanong niya. Parang may maitanong lang.

“Kahit saan.” Tipid na sagot ko at umayos ng upo.

“Are you sure?” tanong niya ulit kaya napatingin ako sa kanya. Nanunukso ang mga mata niya na nakapagpapula sa mukha ko. And the heck! Para saan ang tingin na yon?!

“K-Kahit saan, basta Mall.” Wika ko at nagpatugtog na para hindi ko na marinig ang sasabihin niya.

“Kung gusto mo dadalhin kita sa bahay ko.” Kung hindi ako nagpatugtog ay maririnig ko sanang wika niya.

Nang makarating kami sa mall ay mabilis akong bumaba at naunang naglakad sa kanya.

Nasa loob na ako ng mall nang makasabay siya sa akin.

“Do you want to buy some clothes?” tanong niya kaya umiling ako.

“I want to eat first.” Sagot ko.

“Where do you want to eat?” tanong niya ulit.

Nagbanggit siya ng mga sikat na restaurant ngunit puro iling lang ang isinagot ko.

"Then where do you want to go?" may halong inis na tanong niya.

"Nagagalit ka ba?"

"No. Im just asking."

"Bakit tumataas ang boses mo?"

"Im just asking."

"Sumisigaw ka e."

Del Fuego Series 3:The Dangerous Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon