Kabanata 8
Dalawang araw akong hindi nakapasok dahil sa pamamaga ng paa ko. Hindi rin ako lumalabas ng kwarto at nagdadahilan lang ako na masakit ang paa ko.
Kahapon ay pinagalitan ako ni Daddy dahil nagmatigas akong magpatingin sa Doctor. I didnt know na mamamaga ng ganito ang paa ko.
Pagkatapos lagyan ni Dos ng cold compress ang paa ko noong isang araw ay kinailangan niya ding lumipat sa kabilang kwarto dahil talaga namang si Kyline ang pakay niya.
That was the last time I saw him. Dalawang araw ko na siyang hindi nakikita and I miss him. Ngunit hindi pwede. Kailangan kong panindigan ang desisyon ko. Kailangan ko siyang iwasan.
And God its so hard. Tinetext niya ako at nangangamusta siya pero ni isang reply ay hindi ko ginawa kahit kating-kati na ang kamay ko na replyan siya.
Ang nireplyan ko lang sa mga nagtetext sa akin ay si Odette at Gwen aside from them ay hindi na ako nagreply.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa kisame. Ayos na ang paa ko ngunit ayoko pang pumasok bukas. Makikita ko si Dos. Ayoko muna siyang makita dahil baka magbago ang isip ko at hindi ko na siya malayuan pa. Alam ko namang imposible na maiwasan ko siya ng tuluyan dahil kay Kyline pero hanggat maaari ay pipilitin ko ang sarili ko na maging kaswal sa pakikipag usap sa kanya.
Napatingin ako sa pinto ng makarinig ako ng tatlong magkakasunod na katok.
"Bukas yan pasok." wika ko bago muling tumingin sa may kisame.
Iniisip ko na kung paano ko maiiwasan bukas si Dos. For sure ay ihahatid niya kami ni Kyline bukas. Actually may sarili kaming driver. Hatid sundo kami pero kapag nandyan si Dos ay tinetext lang ni Kyline ang driver para huwag na kaming sunduin.
"You didnt answer my messages." natigilan ako sa boses na iyon.
Kahit hindi ako tumingin ay alam kong si Dos ang nagsalita. I know it was him.
Walang duda dahil ngayon palang ay lumalakas na naman ang tibok ng puso ko.
Unti-unti ay nilingon ko siya. Nakasandal siya sa may hamba ng pinto habang nakasalikop ang magkabila niyang braso sa kanyang dibdib.
Napalunok ako. "W-Why are you here?" kinakabahang tanong ko.
Mabilis akong napaupo sa kama at tinignan siya.
"Visiting you." walang kagatol-gatol na wika niya bago tuluyang pumasok. Umupo siya sa may gilid ng kama ko at sinipat ang paa ko.
"How are you?" muli niyang tanong.
"G-Good." kunwari ay kaswal na wika ko kahit sa loob loob ko ay sobrang kinakabahan ako.
Tumango siya at tumingin sa akin. "Bakit hindi ka nagrereply? I texted you multiple times."
Nag-iwas ako ng tingin. "T-Tinatamad akong magreply." dahilan ko.
At ano namang isasagot ko sa tanong niya? Na iniiwasan ko siya kaya hindi ako nagrereply?
"Nagreply ka pa rin dapat. I texted you many times. Kahit sana simpleng okay lang ang sinagot mo sa akin." salubong ang kilay na wika niya. Nasa boses niya ang disgusto sa isinagot ko kaya hindi ko naiwasang hindi mapanguso.
Para siyang boyfriend na nagtatampo dahil hindi kaagad nareplyan.
Napatingin siya sa labi kong nakanguso at mas lalong kumunot ang noo niya. Kita ko din ang bahagya niyang paglunok at pag iwas ng tingin sa akin kaya kinabahan ako. "Dont pout. Its annoying." aniya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
Del Fuego Series 3:The Dangerous Beast (COMPLETED)
Ficción General"I dont do love, Maddy. I do fucking." Nagulat ako sa sobrang bulgar ng mga salita niya ngunit hindi ako nagpahalata. "Then atleast make love to me." determinadong wika ko. If I cant get his heart, well atleast I can feel how to make love to him Im...