Kabanata 29

45.1K 1.2K 45
                                    

Kabanata 29

Mabilis ang takbo ko at nakipagsiksikan sa kumpulan ng mga tao. Isa lang ang nasa isip ko. I need to talk to him. Kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang nangyari nang araw na iyon? Kung ano ang ginawa niya kay Kyline at bakit  pangalan niya ang huling binanggit.

I need to know everything.

"Kuya Ariel!" muling sigaw ko nang makita na palabas na siya ng mall.

To be honest, I am scared. Takot ako sa maari niyang gawin pero may nagtutulak sa akin na lapitan at kausapin siya. I dont know.

Mabilis ko siyang sinundan palabas.

"Maddy!" dinig kong sigaw ni Dos ngunit hindi ako lumingon. Mas binilisan ko pa ang takbo ko kahit na hingal na hingal na ako. I need to catch him.

"Ah! Shit!" napasigaw ako ng hindi sinasadyang madapa ako. Ramdam ko ang hapdi sa may bandang tubod ko ngunit hindi ko iyon ininda at muling tumayo.

Nagpalingon-lingon ako sa  paligid ngunit hindi ko na siya nakita. Naglakad pa ako papasok sa eskinita. I need to talk to him.

Paika-ika akong naglakad at nagpatingin-tingin sa paligid. Maggagabi na pala.

Huminga ako ng malalim at nagsimulang tawagin ang pangalan niya.

"Kuya Ariel!" tawag kong muli sa kanya ngunit kahit anino niya ay hindi ko na makita.

Nahahapong napaupo ako sa sulok. I cant control my sob.

For the past years I feel guilty.

Pakiramdam ko ay tama si Dos na dahil sa akin ay namatay si Kyline. Dahil sa akin kaya nawala siya and seeing kuya Ariel again bring back the memories I want to forget.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakaupo sa may gilid ng daan.

Ramdam ko ang pamumugto ng mga mata ko at ang pagsikip ng dibdib ko. Pain, loneliness and guilt. Lahat ng yan ay nasa puso ko. I want to know the truth. Matapos mamatay ni Kyline ay nagsimula akong magtanong. Me and my father didn’t stop to uncover the truth. Kung anong nagyari ng araw na iyon. Kyline was almost raped. May bakas ng daliri sa mga braso niya. May pasa sa may bandang tiyan at mga sugat sa hita na ayon sa doctor at mga pulis ay hindi galing sa aksidente.

Si kuya ariel ang kahuli-huliang taong binanggit ni Kyline bago siya maaksidente at nang araw na iyon ay hindi na rin siya nagpakita sa amin. He disappeared like a ghost. Bigla na lang siyang nawala at hindi nagparamdam.

He’s the prime suspect that we have. Bakit bigla siyang nawala kung wala siyang ginawang masama?

“Addy!” mula sa likod ko ay tawag sa akin.

Hindi ako lumingon, hindi ako kumilos. Masyado akong nanghihina. Dinig ko ang yabag ng paglapit niya sa akin ngunit nanatili akong nakaupo sa sahig.

Mabilis siyang nakapunta sa harap ko at mahigpit akong niyakap na lalong nakapagpaiyak sa akin. Nakaluhod siya at ramdam ko ang pagkabog ng dibdib niya.

“I-I L-Lost him.” mahinang wika ko matapos ang ilang sandali.

Humiwalay siya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Kunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

Hilam sa luha na tumingin din ako sa kanya. Mas lalong bumuhos ang luha ko. I want to catch Ariel to give justice for what happened to kyline. Gusto ko din gawin iyon para malinis ang pangalan ko kay Dos. I need to prove my innocence. I don’t want to feel this guilt any longer. Gusto kong makawala sa ganitong pakiramdam.

“I-I s-saw him. K-Kuya A-Ariel.. H-He’s---He’s the prime suspect for what happened to Kyline. Its not just an Accident Dos. Sabi ng mga pulis bago ang aksidente ay posibleng may tinatakasan si Kyline. S-She…She has bruises all over her body.. May mga bakas ng kamay.. May pasa sa bandang hita.. She’s.. She’s almost rape!” nahihirapang wika ko habang nakatingin sa mga mata niya. Wala ang pagkagulat doon bagkus ay mas sumeryoso ang mukha niya.

“Are you an idiot? Bakit mo susundan ang suspect sa nangyari sa kapatid mo?! Paano kung anong gawin niya sayo?! Nag iisip ka ba?!” biglang wika niya kaya natigil ang paghikbi ko. He’s serious. Too serious.

“Dos…”

“Damn it Addy! Hindi mo alam kung gaano mo ako pinag-alala! I am damn worried! Paano kung may mangyaring masama sayo?!” patuloy niya.

“I-I want to catch him. I have a lot of questions. Gusto kong tanungin kung anong nangyari. Kung bakit niya ginawa yon? I need to catch him to prove to you that I didn’t killed my sister. That..That I-I am not the reason why she died.” wika ko na halos pabulong sa huling pangungusap.

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya ngunit mabilis din iyong nawala.

He hugged me again. This time mas mahigpit. Hindi ko alam kung kabog ba ng dibdib niya ang naririnig ko o ang kabog ng dibdib ko. Ang alam ko lang ay kumalma ako.

“Dont make me worry again. I might lost my sanity.” bulong niya bago ako pakawalan.

Hinawakan niya ang mukha ko at marahang pinunasan ang luha sa mga mata ko.

Nakatingin siya sa mga mata ko. Alam ko kung ano ang susunod niyang gagawin kaya mas lalong kumabog ang dibdib ko. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

I automatically close my eyes. Ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa mukha ko na lalong nagdudulot ng kaba sa dibdib ko.

After a few seconds of waiting his lips touched mine. Magkadikit lang ang mga labi namin at hindi kumikilos.

Binuksan ko ang mga mata ko nang dahan-dahan siyang lumayo sa akin.
Nakahawak pa rin ang mga kamay niya sa mukha ko at magkalapit parin ang mga mukha namin. Muli niyang nilapit ang mukha niya sa akin kaya muli ko sanang isasara ang mga mata ko ngunit hindi niya itinuloy.

“Im sorry.” wika niya bago tumayo. Napakunot ang noo ko at mabilis na bumalatay sa mukha ko ang sakit ngunit hindi ako nagpahalata.

Sorry? For what? Gusto kong itanong sa kanya pero natatakot ako.

“Lets go home.” aniya bago ako buhatin.

Magpoprotesta sana ako ngunit inunahan niya ako.

“Let me. Just stay still.” mahinahong wika niya bago lumakad.

***

Pagdating sa bahay ay diniretso na niya ako sa kwarto ko. Good thing wala si Daddy. Ang mga katulong naman na nakakita sa amin ay hindi na nagtanong kahit halata sa mukha nila ang pagtataka nang makita si Dos na buhat buhat ako.

He insist to carry me. Ayoko sana ngunit unti-unti ko ng nararamdaman ang sakit ng tuhod at mga paa ko. I never imagine that I will run that faster with this wedge sandals. And good thing its wedge at hindi pointed heels.

Pagdating sa kwarto ko ay binaba niya asko sa may kama. Napakunot pa ang noo ko ng bigla siyang lumuhod at tignan ang tuhod ko.

“Wait for me. Kukunin ko ang first aid kkit. Lets treat your wound.” aniya bago muling tumayo. Akmang lalabas na siya ngunit nagsalita ako.

“You don’t need to. I can do it myself.” wika ko bago umiwas ng tingin sa kanya.

Ilang sandali siyang hindi umimik bago tumango.

"If thats what you want.” aniya bago dumiretso sa pinto ngunit muli siyang lumingon sa akin.

“I..” huminga siya ng malalim at umiling kaya napakunot noo ako. ” Nevermind. Goodnight Addy.” aniya bago tuluyang umalis.

Napahinga na lang ako ng malalim.

*Please vote and comment. Be a fan and follow me. *

Del Fuego Series 3:The Dangerous Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon