Kabanata 4
"Shh stay still. There's someone here." bulong mula sa may tenga ko. Parang kumalma ang buong sistema ko dahil sa tinig ngunit napuno naman ng tanong ang isipan ko.
"We will go quietly." aniya bago tangalin ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko. Napalunok ako.
Lumingon ako at nagtatanong ang mga matang tinignan siya.
Hindi siya sumagot ng makarinig kami ng kaluskos at mahinang ungol. Damn it! Kinakabahan ako. I control my sob. Gusto kong umiyak dahil sa takot ngunit pinipigilan ko.
It scares the hell out of me! Ang sabi-sabi ay may multo daw sa lumang classroom na ito! Paano kung multo ang nandito?
"Lets go." seryosong bulong ni Dos sa akin bago ako hilahin paalis. Dahan dahan kaming naglakad palabas ng lumang classroom.
Pigil ko ang hininga ko dahil sa takot. Kung ano ano na ang naiisip ko. Paano kung may biglang sumulpot sa harap namin? Paano kung may white lady na biglang humarang sa amin! Damn it!
Duwag na kung duwag pero takot ako sa multo!
Hindi binitawan ni Dos ang kamay ko hanggang makalayo kami sa may lumang classroom.
Hindi ko alam kung gaano katagal kong higit ang hininga ko. Napaupo na lang ako sa lupa ng bitawan ni Dos ang kamay ko.
"What the hell are you doing there?!" inis na sigaw sa akin ni Dos kaya napaangat ang tingin ko sa kanya.
Hilam na sa luha ang mukha ko dahil sa pinaghalong takot at sakit na nararamdaman ko kanina lang. Hindi ako sumagot at nagbaba lang ng tingin.
Nakita kung paano nagbago ang emosyon sa mga mata niya ngunit mabilis din iyong bumalik sa dati. Galit.
"Kanina ka pa namin hinahanap ni Kyline! Do you know what time is it? Alalang-alala ang kapatid mo sayo! You even ditch your class!" singhal niya sa akin kaya mas lalo akong napayuko at naiyak.
He was scolding me dahil pinag-alala ko ang ate ko. And it hurts!
"H-Hindi mo ako kailangan sigawan! Hindi ko naman sinabing hanapin mo ako! Hindi ko din sinabing mag-alala siya!" inis na wika ko. Tumayo ako at pinahid nag luha sa mga mata ko.
And damn it dahil hindi maampat ang luha sa mga mata ko. Nakatingin siya sa akin at mukhang nagulat sa sinabi ko.
"Im sorry." wika niya matapos ang ilang segundo.
Hindi ko siya tinignan. Dahil oras na tignan ko siya ay baka makita niya ang sakit sa mga mata ko.
Hindi ako sumagot at naunang maglakad. Nanginginig ang mga tuhod ko ngunit pinilit kong maglakad.
Ramdam ko ang pag-alalay sa akin ni Dos ngunit hindi ko siya pinansin.
Nang makarating kami sa parking lot ay wala pa si Kyline.
"Nasaan siya?" tanong ko kay Dos.
Hindi niya ako sinagot bagkus ay inilabas niya ang cellphone niya at tumawag.
I know it was Kyline. Tinatawagan niya si Kyline.
Bago pa magring ang cellphone ay nakita ko ng hingal na tumatakbo palapit sa amin ang huli.
Napakunot noo ako. Gusot ang uniform niya at madumi.
"What happened?" kunot noong tanong ni Dos ng makalapit si Kyline. Hawak niya ang magkabilang balikat nito at halata sa boses ang pag aalala. Hindi kagaya sa akin kanina na nauna pa akong singhalan at hindi man lang tinanong kung napano ako.
BINABASA MO ANG
Del Fuego Series 3:The Dangerous Beast (COMPLETED)
Fiksi Umum"I dont do love, Maddy. I do fucking." Nagulat ako sa sobrang bulgar ng mga salita niya ngunit hindi ako nagpahalata. "Then atleast make love to me." determinadong wika ko. If I cant get his heart, well atleast I can feel how to make love to him Im...