Kabanata 21

44K 1.2K 151
                                    

Kabanata 21

"Maddy." seryoso at buo ang tinig na wika ni Dos na nasa gilid ko na.

Hindi ako lumingon bagkus ay kinuha ko ang vodka na para kay Odette at inistraight iyon bago pa ito makaangal. Gumuhit ang init sa lalamunan ko ngunit hindi ko yon ininda. I need it. Kailangan ko ng lakas ng loob para harapin ulit si Dos.

"Hey mads! Nakadalawa ka na." suway sa akin ni Xander nang kunin ko pa ang isa pang vodka na para naman kay Gwen.

"Chill! I can handle myself." natatawang wika ko at inilagay sa labi ko ang baso ngunit bago ko pa yon mainom ay nakuha na iyon sa akin ni Dos.

"Hey! Give it back to me!" sigaw ko sa kanya at tumayo para maabot iyon ngunit iniwas niya iyon sa akin. "What the hell is your problem?!" angil ko sa kanya.

Seryoso pa din ang mukha niya at kunot na kunot ang noo niya.

"Lets get out of here." aniya bago binaba ang hawak na vodka sa mesa.

"No!" Akmang hahawakan niya ako ngunit umiwas ako at muling kinuha ang alak at mabilis iyong nilagok.

"Mads stop drinking! Hindi ka naman sanay uminom." si Odette.

Parang nahilo ako. Ang init ng lalamunan ko at para bang umikot ang paligid ko.

Napahawak ako sa mesa at sinapo ang ulo ko.

"Maddy lets go." tinig ni Dos ang nakapagpaangat ng tingin sa akin. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Kami ang kasama niya pare. Kami ang maghahatid sa kanya." wika ni Xander na nasa likod ko at nakatayo na din.

Napatingin ako kina Gwen at maging sila ay nakatayo na. They looked worried.

"Back off." walang kangiti-ngiting wika ni Dos bago ako hawakan sa braso ngunit piniksi ko ang kamay ko na hawak niya.

"Hindi ako sasama sayo! You dont like me! Bakit ako sasama sa taong hindi naman ako gusto?!" sigaw ko.

Pakiramdam ko ay mas lalong umikot ang paningin ko dahil sa ginawa kong pagsigaw. Hilong-hilo na ako at para bang masusuka ako. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Mabigat ang pakiramdam ko at ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.

"Maddy-"

"W-What?! Ano na naman ba? I am trying my best to forget you! Hayaan mo na lang ako! You dont like me!" sigaw ko sa kanya dala ng hilo dahil sa alak at maging nang patong-patong na bigat na nararamdaman ko sa dibdib.

Dati akala ko OA lang kapag nakakakita ako ng lasing na umiiyak at nagsasabi ng sama mg loob but right now? Its not what I think. Para bang lahat ng bigat sa dibdib ko ay gusto kong ilabas. Lahat ng hindi ko magawang sabihin sa matino kong pag iisip ay nasasabi ko.

"Youre drunk. Lets go. I will take you home." mahinahon niyang wika at akmang aakayin ako paalis ngunit pinalis ko iyon.

"Are you worried about me?" tanong ko.

Hindi siya kumibo kaya napailing ako at tumawa ng pagak. "I see. You're not worried about me. Mas nag aalala ka sa sasabihin ni Kyline. Because kyline is more important to you." mapait na wika ko bago ko siya lagpasan.

"Maddy wait for us!" si Odette.

"I'll take her home." dinig kong wika ni Dos ngunit nagptuloy lang ako sa paglalakad.

Pagewang-gewang na tinahak ko ang diretsong daan ngunit imbes na palabas ay napunta ako sa gitna kung saan naroon lahat ng sumasayaw.

Napailing ako. Nanlalabo na ang paningin ko at pakiramdam ko ay anumang sandali ay masusuka ako.

Del Fuego Series 3:The Dangerous Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon