Kabanata 1

58.2K 1.5K 48
                                    

Kabanata 1

Ten Years Ago....

"Kyline saan ba tayo pupunta? Baka hanapin tayo ni Daddy!" inis na wika ko. Kanina niya pa ako hinihila at hindi ko alam kung saan talaga kami pupunta.

Umalis na kasi si Carissa. Bestfriend niya iyon mula Elementary. Although malapit naman kami ni Carissa pero hindi ko talaga siya bestfriend. I have my own friend.

Oh well! Sabi nila mean girls daw kami. OMG girls ang tawag sa amin. Odette, ako which is Maddy and Gwen. Sikat kami sa Campus dahil sa mga pranks and trip namin.

If we dont like you then be ready to be the center of the attraction. We pulled pranks and we do it for fun. And Carissa and Kyline are exempted.

Matanda lang si Kyline sa akin ng dalawang taon. I am Sophomore and she's junior.  Seventeen na siya habang ako naman ay fifteen. Huli na kami sa pag aaral dahil madalas kaming sumama sa ibang bansa noon para ipagamot si Mommy. Mom has leukemia. Maghihighschool ako nang mamatay siya. Thats why me and kyline are really closed. Tumanda kami na si Daddy ang madalas na kasama namin dahil laging may sakit si mommy and we understand it. Bata palang kami ay ipinaintindi na sa amin ang sakit niya.

Kahit matanda si Kyline sa akin ng dalawang taon ay parang mas matanda pa akong kumilos sa kanya.

She dont do make up while I do. Kikay ako at siya naman ay manang.

Kyline is jolly and kind habang ako naman ay maarte at masungit. We are the perfect opposite but we never argue with our differences. I love my sister and she loves me too. May mga bagay lang talaga na hindi kami magkatulad.

"Saglit lang tayo Mads. Titignan lang natin si Dos." aniya habang hila pa rin ako.

Natigilan ako. Dos. Vandoss Del Fuego.  I admit. Hindi kami magkapareho sa halos lahat ng bagay pero sa isang ito ay parehong-pareho kami.

I like Vandoss too.

Napalunok ako. Noong malaman ko na gusto niya si Vandoss ay hindi ko sinabi sa kanyang gusto ko rin ito.

Siguro ganon talaga ang tadhana. Masyadong mapagbiro. 

We like the same guy and I cant even tell it to her.

"Why?" tanong niya ng matigilan ako.

"W-Wala! May naalala lang!" sabi ko bago nag iwas ng tingin sa kanya. "Saan ulit tayo pupunta?" kunwari ay tanong ko kahit sa loob-loob ko ay kumakabog na ang dibdib ko.

"Titignan natin si Dos. Nagpapractice sila ngayon." excited na wika niya kaya pilit akong napangiti.

Tumango na lang ako at nagpahila sa kanya.

Habang palapit kami sa gym ay kabang-kaba ako. Makikita ko si Dos.

Parang nanlalamig ako at hindi ako mapakali.

Lihim akong napabunting hininga.

Pagdating namin sa Gym ay dinig namin ang tilian ng mga nanonood. Wala sa sariling napairap ako.

They are shouting the name of Dos and Alas. At naiinis ako dahil nagpapapansin sila kay Dos.

Although Dos never look at them.

Hinila ako ni Kyline sa may bleacher na malapit sa ring. And there she shout on the top of her lungs!

"GO DOS!!" Sigaw niya kaya napalingon halos lahat sa amin.

Sinabi ko bang manang siya? Well thats true pero kapag usapang Dos na ay nawawala na ang hiya niya sa katawan. Napailing na lang ako.

Napatingin ako sa Court at saktong nagtama ang tingin namin ni Dos.

Del Fuego Series 3:The Dangerous Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon