Kabanata 18

41.9K 1.4K 131
                                    

Kabanata 18

"P-Please. Huwag mo na akong pansinin, huwag mo akong kausapin, at huwag mo akong lapitan. I need to forget you so p-please help me D-Dos. Help me to forget you." nahihirapang patuloy ko. I need to forget him. For me, for him, and specially for Kyline.

Binuka niya ang labi niya na tila may nais sabihin ngunit mabilis din niya iyong itinikom.

Hindi siya umimik kaya pilit akong ngumiti sa harapan niya habang pinupunasan ang luha sa mga mata ko. "T-Thank you for inviting me. Uuwi na ako." sabi ko ngunit bago pa ako makatalikod ay nahawakan na niya ang braso ko.

"I'll bring you home."

Bago pa ako nakasagot ay isang tinig ang nagmula sa likod ni Dos. "Dos. Mom is looking for you." si Alas na kadarating lang.

Binawi ni Dos ang tingin niya kay Alas at muling itinuon sa akin ang tingin niya. "I'll bring you home, just give me a min-"

"No worries Dos. Kay Alas na lang ako magpapahatid." wika ko bago tanggalin ang kamay niya sa braso ko at tignan si Alas na nakakunot noo. "Alas." tawag ko sa kanya na ang mga mata ay nagsusumamo. "Bring me home... Please." wika ko. Hindi siya kaagad sumagot ngunit makalipas ang ilang sandali ay tumango siya.

"No Maddy ako ang nagdala sayo dito, I will take you home." seryosong wika niya.

Bumuntong hininga ako. "Dos please, let Alas take me home.... P-Please." tila pagod na pakiusap ko sa kanya. Sa totoo lang ay gusto kong tumakbo palayo sa kanya at umiyak ng umiyak pero hindi ko ginawa. I need to be strong. Hindi ko siya magagawang alisin sa paningin ko kaya kailangan kong masanay na lagi ko siyang nakikita.

"Ill bring her home safely Dos, you dont need to worry." Alas said with assurance.

Kita ko ang pag aalinlangan sa mata niya ngunit unti-unti siyang gumilid.

Naglakad ako palayo kay Dos habang si Alas naman ay sandaling kinausap si Dos. Hindi ko na pinakinggan ang usapan nila dahil maysado na akong pagod. Hindi pisikal ngunit emosyonal na pagod ang nararamdaman ko. Its exhausting.

Naramdaman ko ang pagsunod sa akin ni Alas ngunit hindi ako lumingon.

"M-Maddy." tawag sa akin ni Dos. Huminto ako ngunit hindi ako lumingon. Nilagpasan na ako ni Alas ngunit nanatili ako sa kinatatayuan ko.

I waited. Hinintay ko ang sasabihin niya. Napalunok ako. Hanggat maaari ay ayokong lumingon. Ang hirap. Mahirap pala ang ganito.

"Take care." sabi niya matapos ang ilang sandali kaya tumango ako at walang lingon likod na sumunod kay Alas. I control my sob by biting my lower lips.

I wanna end this. Tama na. Masakit pero dapat kayanin. I will go back to the strong Maddy I used before. Ang Maddy ma matatag at hindi iyakin, ang Maddy na maldita, ang Maddy na laging nakairap.

I will get over this. I will get over him.

Pagsakay namin sa lantsa ay doon palang nagsalita si Alas na kinalingon ko sa kanya.

"Masakit?" tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Woah!" aniya na itinaas pa ang dalawang kamay. "Easy Mads. Im just asking." aniya na may mapaglarong ngiti sa labi. We'e not that closed dahil dito ko lang siya sa isla nakausap pero kung umasta siya ay feeling close kami. Tss.

"Ikaw kaya ang mabasted kay Carissa tapos tanungin ko kung masakit?!" bulyaw ko sa kanya na ikinaseryoso niya.

"Im just joking." aniya kaya inirapan ko siya.

"Hindi nakakatawa."

"I know."

Napailing na lang ako. Ang galing kausap ng lalaking ito. "Dos is a one woman man. Seryoso at responsable."

Del Fuego Series 3:The Dangerous Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon