Kabanata 25

46.3K 1.3K 83
                                    

Kabanata 25

Pagdating namin sa Bar ay hindi na maipinta ang mukha ko. Its really a bad idea to go with Dos.

Sa buong durasyon ng byahe ay lagi niyang sinasalungat ang gagawin at sasabihin ko.

Even my make up. I am trying to do my make up but this jerk keeps on pestering me!

Binilisan niya pa ang pagmamaneho para lang hindi ko maayos ang make up ko. Sa bandang huli ay lipstick lang ang nalagay ko.

He's annoying me!

Pagbaba ko ng sasakyan ay malakas kong sinara ang pinto ng kotse niya dahil sa inis.

Hindi ko siya pinansin at naunang pumasok sa bar. I heard him call my name twice but I disnt bother to look.

Sumalubong sa akin ang malilikot na ilaw at ang malakas na tugtog.

Nasa may bukana pa lang ako ng entrance ay kita ko na ang dami ng tao sa gitna ng dance floor at ang kanilang malikot na pagsayaw.

"Mads! Wait for me!" dinig kong sigaw ni Odette kaya huminto ako at nilingon siya. Nagmamadali siyang lumapit sa akin habang kasunod si Dos.

"Where is Gwen?" malakas na tanong ko sa kanya ng makalapit sa akin.

"Second floor. Vip room." ganting sigaw niya habang nakatakip ang kamay sa kanang tenga.

Tumango naman ako at dumiretso ng lakad papunta sa may hagdan. Sakop ng buong bar ang dalawang palapag na building na ito. I have been here once, noong panahon na pinapagawa palang ni gwen ito ay pinasyal na niya kami dito kaya pamilyar na sa akin ang pasikot-sikot.

Nang makarating ako sa taas ay mabilis akong natigilan dahil may humawak sa braso ko.

Lumingon ako at napataas ang kilay ko nang makita ko si Dos.

"What?" wika ko. Ngayon ay medyo nagkakarinigan na kami dahil hindi gaanong abot sa second floor ang tugtog.

Gwen design this floor for those people who wants to talk and enjoy the night with drinks. Kaya naman kapag nandito ka na sa second floor ay hindi na masyadong dinig ang tugtugin na mula sa baba. May mga VIP rooms din na talagang ginawang soundproof.

"I'll need to make a call. Diyan ka lang." aniya habang nakatingin sa mga mata ko na tila ba inaalisa kung may gagawin akong hindi maganda.

"I'll stay here." tipid na wika ko na lang. Ayoko ng makipag away sa kanya. I wont win anyway.

Isang sulyap muna ang ginawa niya sa akin bago muling bumaba. Saktong pagbaba niya ay sinundot ni Odette ang tagiliran ko kaya napatalon ako sa gulat.

"What the hell Odette?!" bulyaw ko sa kanya.

Hindi niya pinansin ang inis ko bagkus ay ngumisi siya sa akin. "Ano yon ah! May hindi ka sinasabi sa amin. Bakit nandito si Dos?" usisa niya kaya umikot ang mga mata ko.

"He's my bodyguard." tipid na wika ko bago muling naglakad patungo sa VIP room na okyupado ni Gwen.

"What? Bodyguard? Sa yaman ng mga Del Fuego naging bodyguard lang si Dos?!" gulat na wika niya.

Natigilan ako. Yes. Mayaman ang mga Del Fuego at kilala sa buong siquijor. Kaya ako man ay napaisip. Bakit kaya bodyguard ang naging trabaho niya ngayon?

Kung tutuusin ay kahit hindi siya magtrabaho ay mabubuhay siya. Kaya niyang buhayin ang sampung henerasyon ng pamilya nila o higit pa.

I think he's not just a millionaire. Baka billionaire pa. They have business in and out of the country. Ang huling balita ko sa kakambal niya ay isa na ngayong hotelier at ang kuya Tres naman niya ay isang business man.

Del Fuego Series 3:The Dangerous Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon