Kabanata 27

48.7K 1.2K 96
                                    

Kabanata 27


Pagbaba ko sa may kusina ay nadatnan ko si Dos na nakaupo at nagkakape. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya napansin na natigilan ako.

I still remember what happen.

Pagkauwi namin kaninang madaling araw ay wala kaming imikan. Hindi ako gaanong nakatulog kaya kahit na anong oras pa lang ay bumaba na ako.

I don’t want to face him early this morning pero mapagbiro ang tadhana.

Akmang tatalikod na ako nang bigla siyang magsalita na nakapagpatalon sa akin.

“Sit down.” Aniya bago tumayo at lumingon sa akin. Walang kahit anong emosyon sa mukha niya. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na nandito ako sa kusina.

“N-No. Aakyat na lang ako.” Wika ko ngunit hinila niya ang isang upuan sa katabi niya at iminuwestra na maupo ako.

Kahit ayaw ko ay sumunod na lang ako. Ayokong makipag away.

Pagkaupo ko ay mabilis siyang pumunta sa may lababo. Kumuha siya ng baso at nagtimpla ng gatas. Lahat ng kilos niya ay sinusundan ko ng tingin.

“Drink this.” Aniya matapos lumapit sa akin at iabot ang isang basong gatas.

Kunot noong tinignan ko siya.

“Drink.” Wika niya pa kaya kahit nagtataka ay ininom ko na lang iyon. Para bang walang nangyari kagabi kung tratuhin niya ako ngayon.

Habang iniinom ko ang gatas ay nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya hanggang maubos iyon.  Nilapag ko ang baso sa mesa at tinanong siya.

“What?” tanong ko.

“Get ready for your training. Malelate ka na.” aniya bago lumapit sa akin at punasan ang itaas ng labi ko at walang Sali-salitang iniwanan ako.

Natigilan ako. What just happened?

Parang wala lang sa  kanya ang nangyari matapos naming magpunta sa bar. He was casual at para bang hindi big deal sa kanya ang naging sagutan namin. Napailing na lang ako. Dos is a big puzzle for me. Hindi ko alam ang iniisip niya at ang nararamdaman niya. It makes me crazy.

***


Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha. I slowly open my eyes. Hindi ko alam kung nananaginip ba ako dahil pagmulat ng mga mata ko ay una kong nakita ang mukha ni Dos. He was sitting on the couch beside my bed.

Nakadekwatro siya habang ang dalawang kamay ay nakapatong sa sandalan ng Sofa. He was looking at me.

Dalawang beses pa akong napakurap bago ko matanto na hindi ako nananaginip. Mabilis akong napabalikwas ng bangon.

“What are you doing here?!” mabilis na tanong ko at pilit tinakpan ang mukha ko. Baka may bakas pa ako ng natuyong laway o kaya naman ay muta. The hell!

“It’s already nine o’clock. Late ka na sa training mo.” Sagot niya kaya bahagya kong inilabas ang mga mata ko at sinilip siya.

Its been Three days since we went on the bar. Parang normal lang ang lahat sa kanya except that day after we went on the bar. Nang umagang iyon ay pinagtimpla niya pa ako ng gatas. He didn’t argue with me and he didn’t shout nor get mad at me. Pero sa sumunod na dalawang araw ay lagi na naman siyang nakasinghal sa akin. Hindi ko siya maintindihan.

“I’m not going today.” Wika ko at mabilis siyang tinalikuran. Anong oras na akong nakatulog kagabi. I cant sleep. Mula nang mamatay si Kyline ay may mga araw na hirap na hirap akong makatulog. It was the trauma that I get when I witnessed how she died.

Del Fuego Series 3:The Dangerous Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon