Kabanata 9

40.9K 1.3K 126
                                    

Kabanata 9

"Tara na kasi Maddy! You wont regret it! Paniguradong mag eenjoy ka sa party." si Odette na nakaupo sa harap ko.

Umiling ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Pumunta na tayo Maddy. Diba crush mo naman dati si Xander? Chance mo na to Sis!" kinikilig na wika ni Gwen kaya napailing na lang ako.

Iniinvite kasi kami ng Kaklase naming si Xander sa birthday party niya. Actually crush ko dati si Xander. He has good looks at president din siya sa classroom namin. But when I met Dos ay nawala ang crush ko sa kanya. Thats why I am sure it was just crush dahil mabilis lang nawala.

"Ayoko kayo na lang ang pumunta." walang ganang wika ko.

Actually matapos ang usapan namin ni Daddy kahapon ay lumuwag ang pakiramdam ko. Siguro dahil may napagsabihan ako ng tungkol sa nararamdaman ko.

Iba pa rin kapag may napagsasabihan. Ang dating napagsasabihan ko ay si Kyline pero hindi na pwede. Because it was all about her soon to be boyfriend.

"Kj mo naman girl! Isang beses lang naman to at isa pa sa sabado pa naman yon kaya wala tayong pasok kinabukasan."si Odette na hindi talaga sumusuko sa pangungumbinsi sa akin.

Napailing na lang ako. Akmang tatanggi ako ulit ng dumating si Kyline kasama si Dos.

Here we go again! 'Damn heart! Please calm down!' bulong ko sa isip ko habang nakatingin sa kanila na papalapit.

"My God Maddy! Boyfriend na ba talaga ni Kyline si Dos?" kinikilig na bulong ni Gwen habang nakatingin din sa dalawang papalapit sa amin.

Yumuko ako ngunit palihim na sumusulyap sa kanila bago sumagot.

"I-I dont know." kunwari'y walang pakialam na wika ko.

Totoo naman. Hindi ko alam pero gusto kong malaman kung sila na ba talaga?

Habang nakayuko ako ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kamay nilang magkasalikop. Para bang may biglang dumagan sa dibdib ko at bumigat ang pakiramdam ko.

Wala namang nagliligawan na magkaholding hands.

"Shit! Ang swerte naman ni Kyline at napansin siya ni Dos. Bagay sila! Nakakainggit." si Odette.

Tinignan ko silang muli at totoo nga ang sinabi ni Odette bagay sila. Tumriple ata ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib ko dahil sa katotohanang iyon.

"True Girl! Kahit si Alas na lang ang sa akin." wika ni Gwen kaya napailing ako. Isang sulyap muna ang ginawa ko sa dalawa bago muling yumuko.

Ilang sandali pa ay nakalapit na ang dalawa sa mesa namin. Magkasabay na bumati si Odette at Gwen habang ako naman ay nanatiling nakayuko sa pagkain ko.

"Hey Mads!" bati sa akin ni Kyline pagkaupo nila. Pang anim na katao ang upuan namin. Magkatabi kami ni Gwen habang nasa harap naman ni Gwen si Odette. Ang bakanteng upuan na lang ay isa sa tabi ko at dalawa. sa harapan ko.

Umupo si Kyline sa tabi ko habang si Dos naman ay sa katapat kong upuan kaya kinabahan ako.

"Hey." malamyang bati ko. Bahagya ko lang silang nilingon at muli akong yumuko sa pagkain ko.

"Are you okay?" tanong ni Kyline kaya muli akong nag angat ng tingin at napilitang ngumiti.

"Yes I am. P-Pinag iisipan ko lang kung pupunta ako sa party bukas o hindi." palusot ko.

"Party?" Kyline.

"Oo. May paparty kasi si Xander bukas. Birthday party actually. Invite kami." si Odette ma hindi napigilan anng sarili sa tuwa.

Del Fuego Series 3:The Dangerous Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon