LESSON 02- When The Party's Over

3.5K 168 8
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.










"OMG! Totoo ba iyan? Si Olive ba talaga iyang nasa video? Baka look-alike lang niya! You know naman these days... Everything can be edited!" Naitirik ni Dominique ang kaniyang mga mata nang marinig ang sinabing iyon ng kaibigan niyang si Camila. Inalis nito ang tingin sa screen ng kaniyang cellphone at bumalik sa paglalagay ng powder sa mukha gamit ang isang malaking brush.

Kasalukuyan silang nasa isang milk tea shop na malapit sa Wellington High. Dahil sa Monday ng araw na iyon ay naroon sila. Naging habit na nila na kapag ganoong araw at pagkatapos ng pasok nila sa school ay nagpupunta sila doon para tumambay lang.

Si Courtney na lang ang kulang sa kanila. Bukod sa kanila ni Camila ay naroon na rin sina Yasmine at Jazzy na panay ang selfie. Sabagay, ano pa ba ang bago doon? Palagi namang late si Courtney dahil sinasadya nito iyon. Gusto kasi nito na "grand entrance" ito palagi. Attention-seeker ito para sa kaniya. She secretly hated Courtney kahit pa ito ang leader ng grupo nila na Royals!

Siniko niya sa tagiliran si Camila dahil parati siyang naiinis sa katangahan nito.

"Ouch! Why? Nagpa-powder kaya ako!" Nakasimangot na reklamo ni Camila.

"Because you're a dumb bitch! Anong edited sinasabi mo? Hindi mo ba nakita? Sa guest room sa bahay ni Courtney kinuhaan iyong video. Obviously, nangyari ang scandal video ng Olive na iyon noong Black Party ni Courtney!"

"Malay ko ba. Wala naman ako nang nangyari ang scandal na iyan, 'no!"

Kinuha niya ang kaniyang milk tea at sumipsip sa pag-asang mapapalamig niyon ang kaniyang mainit na ulo dahil sa slow na kaibigan.

Imbes na makipag-usap sa tatanga-tangang si Camila ay muling pinanood ni Dominique ang scandal video ni Olive. Super viral ang gaga! 'Buti nga sa'yo. You deserved that dahil you're a snake bitch! Nagdiriwang na sabi niya sa kaniyang sarili.

Gusto niya ang nangyaring iyon kay Olive kahit pa tila ginagahasa na ito ng dalawang lalaki sa video. Wala siyang pakialam doon. Ang mahalaga ay isang nakakahiyang bagay na ang nakadikit sa pangalan ng babaeng umagaw sa kaniyang boyfriend na si Israel!

Grade 7 nang sinagot niya si Israel. Noong umpisa ay wala siyang nararamdaman para sa lalaki. Sinagot lang niya ito dahil sa gwapo at mayaman ang pamilyang kinabibilangan nito. Bukod doon ay matalino pa ito. Isa pa, marami ang nagkakagusto kay Israel kaya naisip niya na kapag naging sila ay marami din ang maiinggit sa kaniya. Nangyari iyon. Marami ang nainis at nainggit sa kaniya dahil siya ang first girlfriend ni Israel Aguillar.

That time ay nabuo na ang Royals. Si Courtney ang pumili sa kanila.

Sa paglipas ng taon ay doon na naramdaman ni Dominique na mahal na niya si Israel. Nahulog na siya nang tuluyan sa lalaki dahil palagi silang magkasama. Nakilala din niya ito nang husto. Mabait talaga ito, sweet at marunong rumespeto. Hindi kagaya ng nauna niyang nobyo na kahit Grade 7 pa lang sila noon ay gusto na agad makuha ang kaniyang pagkababae.

School Trip 8: ViralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon