LESSON 10- Helga Likes That!

2.8K 154 35
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.







NALUKOT nang husto ang noo ni Dominique sa babaeng may bangs at mahabang buhok na may malalaking kulot na papalapit sa kanila. Tumabi ito kay Olive habang may nakakakilabot na ngiti. Iba ito tumingin. Para bang kinakain siya nito nang buong-buo. Ganoon ang pakiramdam niya habang nilalabanan ang mata nito.

"Who the hell are you?!" Pilit niyang tinapangan ang pagsasalita at baka makahalata ito na apektado siya sa presensiya nito.

"Hell? Yes. My name is Hel... ga. Helga!" Nawala ang ngiti nito.

Sino ba ang Helga na ito? Bagong student? Ngayon lang niya ito nakita. At ang lakas ng loob nito na magsalita ng ganoon. Tinawag siya nitong desperada na para bang ipinagsisiksikan niya ang sarili kay Israel.

"O, bakit natameme na kayo? Gusto ninyo ng sampalan at sabunutan, right? Kaya kong ibigay iyon sa inyo. Mas higit pa doon!"

Hinawakan ni Olive sa braso si Helga. "Tama na, Helga. Tara na. Umalis na lang tayo-"

"So, magkaibigan kayong dalawa! Hindi nakakapagtaka. Parehas kayong mukhang basura." Tumawa si Dominique pati na ang tatlo niyang kasama.

"Birds with the same feathers flocks together. Tama ba?"

Huminto sila sa pagtawa sa sinabi ni Helga.

"Anong gusto mong sabihing pakialamera ka?!"

Itinaas nito ang magkabilang balikat. "Wala naman... Iniisip ko lang kung ano ang pagkakatulad niyong apat. Si Jazzy-the insecure queen. And you, Yasmine-the retoke queen. Camila-dumb queen. At ikaw..." Matalim ang tingin ni Helga sa kaniya. "Dominique-the self-proclaimed queen! Oh, lahat kayo ay queen in your own basura ways! Ang baho! Amoy na amoy ko kayong apat. Umaalingasaw!" Inilagay nito nang pahalang ang hintuturo sa ilalim ng ilong.

"Hoy! Naligo ako kanina kaya hindi totoo iyan!" singit ni Camila.

Hindi niya pinansin ang katangahan ng kaibigan. Mas nananaig ang curiosity niya sa kaibigang ito ni Olive. Ngayon lang niya nalaman na meron palang kaibigan si Olive dito sa school. Sa pagkakaalam niya ay walang naglalakas ng loob na makipagkaibigan dito dahil sa takot sa kanila. Lalo na sa kaniya. Hindi naman kasi lingid sa lahat na may personal siyang galit sa mang-aagaw na si Olive.

Pinatunog ni Helga ang mga daliri at iniunat ang braso. "Catfight? I'm ready, Dominique." Hamon pa ni Helga.

"Helga, 'wag-"

"Bakit, Olive? Gusto mong tumulong?" Pinutol agad ni Helga ang sasabihin ni Olive. "Hindi na. Kaya ko na itong mag-isa. Pagbubuhulin ko ang apat na iyan!"

Isa-isa silang tiningnan ni Helga nang matalim habang nakangiti.

"Helga, huwag na. Nakikiusap ako. A-ayoko ng gulo..." Mahinang sabi ni Olive.

Bumuntung-hininga si Helga. "Hay! Ano ba iyan? Nasa mood pa naman akong manampal ngayon pero sige na nga. Kung ayaw mo, next time na lang." Itinuro siya ni Helga. "Pasalamat ka kay Olive kung hindi dahil sa kaniya ay baka may nagmumumog na ng dugo at ngipin sa inyo-"

School Trip 8: ViralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon