LESSON 30- Final Exam

3.8K 189 68
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.








YEARS EARLIER…

“NAGTAPOS ang buhay ng estudyanteng si Olivia Penelope sa dito sa Wellington High School dahil sa suicide. Tumalon siya habang may nakataling lubid sa leeg mula sa rooftop ng isang school building. Isang karumal-dumal na katapusan ang sinapit ng kaawa-awang dalagita. May mga nakapagsabi na piniling wakasan ni Olivia ng sariling buhay dahil hindi na nito kinaya ang pambu-bully na nararanasan nito sa mismong paaralan. Maraming taon na ang nakakalipas matapos ang insidenteng iyon ngunit hanggang sa kasalukuyan ay marami pa rin ang kagaya ni Olivia. Kailan nga ba magwawakas ang mga taong nagpapakamatay dahil sa bullying?”

Seryoso ang mukhang nanonood ng isang documentary sa local TV channel sa malaking telebisyon si Miss Black. Nasa opisina siya sa kaniyang mansion ng gabing iyon at tinitingnan ang mga susunod na event para sa Human Auction.

Kanina ay abala siya sa pag-aayos ng mga event nang mapukaw ng dokumentaryo ng isang babaeng reporter sa telebisyon ang kaniyang atensiyon. Tungkol iyon sa isang dalagitang nagpakamatay dahil sa bullying.

Bumalik sa alaala niya ang mga panahon noong bata pa siya na binu-bully siya dahil sa kahirapan nila sa buhay. Mabaho daw siya. Madumi. Daga daw ang pamilya niya dahil nakatira sila sa sira-sirang bahay. Kung alam lang ng mga kaklase niya noon na hindi niya piniling maging mabaho at tumira sa pangit na bahay. Sadyang wala lang siyang pagpipilian dahil iyon ang buhay na kayang ibigay sa kaniya ng mga magulang niya.

Kailan nga ba magwawakas ang mga taong nagpapakamatay dahil sa bullying? Parang sirang plaka na paulit-ulit na pumapailanlang sa loob ng ulo niya ang tanong na iyon kanina ng babaeng reporter.

Kailan nga ba?

Nakakalungkot na hanggang ngayon ay patuloy iyong nangyayari. Maswerte na lang siguro siya dahil kahit paano ay matatag siya noon at hindi pumasok sa isip niya ang kitilin ang sariling buhay.

Hindi namalayan ni Miss Black ang pagdaloy ng mga luha sa magkabilang pisngi. Napapitlag siya nang may kumatok sa pinto. Mabilis niyang pinalis ang mga luha gamit ang dalawang kamay.

“Pasok!” Malakas niyang sabi at kasunod niyon ay ang pagbukas ng pinto.

Pumasok ang secretary niyang si Tiffany na may dalang isang black folder. “Good evening, Miss Black. Heto na po ang profile ng mga susunod na sasali sa Human Auction next week.” Maingat na ipinatong nito ang folder sa ibabaw ng kaniyang table.

Isang tango ang isinagot ni Miss Black sa sekretarya at sinenyasan niya itong umalis na. Okupado pa rin ang utak niya sa nangyari kay Olivia Penelope. Hindi niya ito kilala at kanina lang niya narinig ang pangalan nito kaya hindi niya maintindihan kung bakit labis siyang apektado sa nangyari dito.

Nakakilang hakbang pa lamang si Tiffany matapos nitong tumalikod nang tawagin niya ito. Agad itong humarap sa kaniya. “Bakit, Miss Black? May iuutos ka ba?” tanong nito.

School Trip 8: ViralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon