LESSON 11- I Can't Be That Girl

3K 141 58
                                    


“I AM… p-pregnant?” Nanginginig ang mga kamay ni Carmen habang hawak ang isang pregnancy test kit. Nakaupo siya sa toilet bowl habang nakababa ang panty sa may paa.

Ilang araw na siyang nakakaramdam ng kakaiba sa kaniyang katawan. Madalas ang pagsusuka niya tuwing umaga, lumakas ang pagkain niya kaya nadagdagan lalo ang timbang niya at mas mabilis uminit ang ulo niya. Kaya nga madalas din ang pagtatalo nila ng kaniyang asawa. Hanggang sa nagkaroon siya ng hinala na baka buntis siya kaya kanina ay bumili siya ng pregnancy test kit sa pharmacy. Nang patakan niya iyon ng kaniyang ihi ay may dalawang pulang guhit na lumabas. Ibig sabihin ay buntis nga siya—tama ang kaniyang hinala.

“N-no! H-hindi na ako pwedeng mabuntis. Fifty years old na ako. Matanda na ako. A-ano na lang ang sasabihin ng mga amiga ko?” Hinila niya pataas ang panty at itinapon ang test kit sa trash bin.

Tumayo si Carmen. Palakad-lakad sa CR na akala mo ay hindi mapataeng pusa.

Isa pang dahilan kung bakit hindi na siya pwedeng magbuntis ay hindi na sila nagsisiping ng kaniyang asawa. Na-stroke kasi ito nang ilang beses kaya ang ibabang bahagi ng katawan nito ay hindi na nakakagalaw. Maraming taon na itong ganoon kaya hindi talaga sila nagkaroon ng pagkakataong magkaroon ng anak. Kung hindi ito nakaupo sa wheelchair ay nakahiga na lang ito sa kama. Masahol pa ito sa lantang gulay. Atleast, ang lantang gulay ay pwede pang mapakinabangan pero ito ay wala nang silbi.

Hanggang sa naisip niya ang lalaking binayaran niya ilang buwan na ang nakakalipas para makasama niya sa bakasyon niya sa Maldives. Nagpaalam siya noon sa asawa niya na may business trip siya pero ang totoo ay iyon ang ginawa niya.

Isang bayarang lalaki na gwapo, matipuno at malusog ang sperm cells!

One week silang magkasama at siya ang lahat ng gumastos. Halos gabi-gabi siya nitong binayo sa Maldives. Malakas ang loob niya dahil ang akala niya ay menopause na siya kaya ganito na lang kalaki ang pagtataka niya na buntis siya.

Oo, alam ni Carmen na mali iyon. Ngunit masisisi mo ba ang isang babaeng gaya niya na matagal nang hindi nakakatikim ng romansa mula sa isang lalaking malakas at kaya siyang dalhin sa dulo ng langit sa kama?

Ngayon ay sigurado na siya na ang lalaking iyon ang ama ng batang nabubuo sa kaniyang sinapupunan. “P-pero menopause na ako…” Iyon pa ang nakakapagtaka.

Kaya ng araw na iyon ay nagtungo si Carmen sa isang obstetrician na kilala niya. Binayaran niya ito nang malaki para itikom nito ang bibig. Doon niya nalaman na bagaman at hindi pangkaraniwan ay pwede pa rin palang mabuntis ang isang babae kahit menopause na.

“Hindi ko pwedeng ituloy ang pagbubuntis ko. Kapag nalaman ito ng asawa ko ay baka isumpa niya ako. Pati na ang mga amiga ko! Pagtatawanan nila ako. Sasabihin nila na malandi ako!” turan ni Carmen sa doktor.

“Gusto mo bang ipalaglag ang baby?”

Napatda siya. Tumango nang mabilis. “O-oo! May alam ka bang paraan?”

Binigyan siya ng doktor ng gamot para malaglag ang bata. Dalawang araw pa lang niyang iniinom ang gamot ay may bumulwak nang buo-buong dugo sa kaniyang pagkababae. Inakala niyang iyon na ang batang nabubuo sa loob niya pero nagkamali siya. Dahil makalipas ang anim na buwan ay biglang sumakit ang kaniyang tiyan na para bang may halimaw na gustong kumawala doon.

Hindi pala nalaglag ang bata. Malakas ang kapit nito.

Nanganak si Carmen sa loob ng banyo. Isang babaeng sanggol. Walang tumulong sa kaniya. Hindi niya kasi inakala na buntis siya dahil hindi lumalaki ang kaniyang tiyan. Akala niya ay taba lang iyon.

School Trip 8: ViralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon