LESSON 15- School Trip

2.4K 135 25
                                    


MAAGANG pinauwi ang mga estudyante ng Wellington High ng araw na iyon para makapaghanda sa school trip bukas ng umaga ng Sabado. Alas onse ng gabi aalis ang bus na sasakyan nila papuntang La Union.

Kahit parang wala pa rin si Olive sa sarili ay nagdesisyon siya na ituloy ang pagsama sa school trip. Una, sayang ang ibinayad ng mga magulang niya para doon. Wala pa namang refund dahil naibayad na rin ng school ang pera sa mga dapat bayaran. Pangalawa, paraan na rin niya iyon para makahinga kahit papaano sa mga hindi magagandang nangyari nitong nakaraan. Halos sunud-sunod na patayan at kung anu-ano pa. Huli, para makasama niya si Israel dahil ilang araw na niyang napapansin na hindi na sila nagkakasama ng matagal. Nararamdaman niya na parang ilag ang nobyo niya sa kaniya.

Ewan niya pero parang may itinatago ito sa kaniya. O baka paranoid lang siya.

Habang naglalakad pauwi ay wala sa sarili na naisuklay niya ang kamay sa kaniyang buhok. Nagtaka siya nang may parang nakadikit sa isang parte ng buhok niya. Nang tingnan niya ay may nakita siyang bubble gum.

Naalala niya iyong inaway siya ng apat na babae. Sinabunutan nga pala siya no’ng isa habang may bubble gum sa kamay nito. Sa sobrang lutang niya ay nakalimutan na niya iyon at ngayon lang niya napansin. Kahit ng maligo siya kanina ay hindi niya namalayan na meron siyang ganoong nakadikit sa buhok.

Mahigit isang araw na palang nasa buhok niya ang bubbkle gum.

Bago siya umuwi sa bahay ay dumaan muna siya sa isang salon at nagpagupit. Kinailangan niyang paiklian ang kaniyang buhok dahil sa bubble gum na iyon. Upang magkaroon ng style ang buhok niya ay nag-suggest ang baklang gumugupit sa kaniya na magpalagay siya ng bangs.

Nagustuhan ni Olive ang resulta ng bagong style ng kaniyang buhok kaya masaya siyang umuwi sa kanilang bahay.

Nagustuhan ni Olive ang resulta ng bagong style ng kaniyang buhok kaya masaya siyang umuwi sa kanilang bahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkakita sa kaniya ng daddy at tatay niya ay gulat na gulat ang mga ito.

“B-bakit ka nagpagupit ng ganiyan, anak?” Namumutlang tanong ng daddy niya.

“May nagdikit po kasi ng bubble gum sa buhok ko. Hindi na po kayang isalba ang mahaba kong buhok kaya ganito na lang. Bagay naman po, 'di ba? Saka hahaba naman po ulit ito.”

“Bagay naman. Bagay na bagay…” sabi ng tatay ni Olive.

Nagsabi si Olive sa dalawa na magpapahinga muna siya kahit saglit. Nakahanda na ang mga gamit niya kaya wala na siyang problema. Habang nakahiga sa kaniyang kama ay kinuha niya ang cellphone niya at muling pinanood ang pagpatay ng Killer School Girl sa apat na estudyante.

Noong una ay nagigimbal siya sa tuwing pinapanood iyon pero nang maglaon ay nasanay na siya. Wala na siyang reaksiyon hanggang sa matapos ang video.

Sino nga kaya si Killer School Girl? Ano ang totoong rason nito sa pagpatay ng mga taong may koneksiyon sa kaniya?

Hindi namalayan ni Olive na nakatulog na siya. Nagising siya sa pag-alarm ng kaniyang cellphone. Alas diyes na ng gabi. Bumangon na siya at kumain ng kaunti para hindi magutom sa biyahe. Nasa salas ang tatay at daddy niya. Nanonood ang mga ito ng isang series sa Netflix.

School Trip 8: ViralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon