LESSON 21- Gone But Still Around

2.2K 145 18
                                    


ISANG linggo lang ang lumipas matapos ang pag-viral ng video ni Olive kung saan madamdamin siyang nagbigay ng mensahe sa namayapa niyang boyfriend ay naging sunud-sunod ang magagandang pangyayari sa kaniya. Bumalik siya sa top spot sa Mirror. Nagkaroon din ng interes ang programang KMJS para i-feature ang love story nila ni Israel. Nakita daw kasi ng producers ng TV show ang video niya at damang-dama ng mga ito ang labis na pagmamahal niya sa namatay niyang nobyo. In-interview siya sa kanilang bahay at school. Halos dalawang araw din silang nag-shoot at nagkaroon ng interview.

Masaya si Olive. Malalaman na kasi ng mas marami ang love story nila ni Israel. Sigurado siya na kung nasaan man ito ay masaya ito sa ginawa niya.

Sa pagpapalabas ng love story nina Olive at Israel sa telebisyon ay mas marami ang nakakilala kay Olive. Dumagsa ang pagdagdag ng followers niya sa Facebook at Instagram. Tumatabo na rin sa comments at reactions ang mga pino-post niya. Pakiramdam niya tuloy ay nakaabang ang lahat ng tao sa kung ano ang ipo-post niya.

Nag-iba na rin ang tingin ng mga tao sa Wellington High sa kaniya. Kung dati ay pinagtatawanan at binu-bully siya dahil sa video scandal niya, ngayon ay ibang-iba na. Kung ituring siya ay para siyang artista. May mga nagpapa-picture at nagpapa-autograph pa. Gaya na lamang ng umagang iyon...

Kakapasok lang niya sa gate ng school ay may limang estudyanteng babae ang sumalubong sa kaniya para magpa-picture. Nagpapirma pa ang mga ito sa kaniya sa likod ng notebook ng mga ito.

“Ang ganda mo sa TV at personal, Olive! Ang bait mo pa!” puri ng isang babae sa kaniya.

“Thank you…” Nahihiya niyang sagot.

“Sana, hindi na lang namatay si Kuya Israel… Sayang ang love story ninyo, ate!” Malungkot na sabi ng isa na ngiti lang ang isinagot niya.

Nagpaalam na ang mga ito pagkatapos. Maglalakad na sana siya nang makita niya si Dominique sa harapan niya. Nakahalukipkip ito at may nakakainis na ngiti.

“So, kumusta ang buhay-famous ng dating scandal girl?” Nang-aasar na tanong ni Dominique. Humakbang ito palapit sa kaniya. Huminto at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

“Dominique, ayokong makipag-away sa iyo.”

“Really? Ayaw mo pero inagaw mo sa akin si Israel!”

“Hindi ko siya inagaw sa iyo. Isa pa, patay na si Israel. Nananahimik na siya!”

“Nananahimik? I don’t think so. Paano siya mananahimik kung hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabayad ang taong pumatay sa kaniya!”

Umawang ang bibig ni Olive sa pagkabigla. “Aksidente ang nangyari. Nandoon ako—”

“Yes. You’re there. Kung lahat ay napaniwala mong aksidente ang nangyari… not me. Hindi ako tanga para maniwalang aksidente ang lahat, Olive. I can smell you… You’re a filthy killer!”

Napasinghap siya. Mabilis na naglanda ang mga luha sa pisngi niya. “Alam ko, masakit para sa iyo ang pagkamatay ni Israel dahil mahal mo siya pero sana tigilan mo na ang pag-iilusyon na kasalanan ko ang lahat. Siguro kung may kasalanan man ako ay ang wala akong nagawa para iligtas siya. H-hindi mo alam kung gaano kasakit para sa akin iyon, Dominique! Iyong humihingi siya ng saklolo pero w-wala akong magawa!” Tuluyan na siyang napahikbi.

“You are such a drama queen! Akala mo ay madadala mo ako sa pag-iyak mo? Fake!”

“'Wag mo sana akong pag-isipan ng masama dahil mahal ko rin si Israel!”

“Fuck that! Akala mo ba ay hindi ko alam na ginagamit mo ang pagkamatay ni Israel para sumikat ka at mag-viral? Alam ko iyang galawan mo, bitch! And let me tell you a secret…” Mas inilapit ni Dominique ang mukha nito sa mukha niya. “Hindi ka mahal ni Israel. He’s been cheating on you. He’s fucking me habang kayo pa. How 'bout that?!” Mariing turan ni Dominique.

School Trip 8: ViralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon