LESSON 23- Unmasked

2.7K 167 33
                                    


BUONG Wellington High ay nagulantang sa karumal-dumal na pagpatay kay Camila. Lalong-lalo na ang section na hinahawakan ni Teacher Alona dahil buong klase niya at siya ang unang nakakita sa katawan ni Camila na itinago ng killer sa kisame. Pansamantalang hindi muna ginagamit ang classroom nila dahil sa may mga pulis na nag-iimbestiga doon.

Isang tao ang agad na pumasok sa isip ng lahat na may kagagawan niyon—ang Killer School Girl. Ito lang naman ang may kakayahan na gumawa ng ganoong klaseng pagpatay.

“Grabe talaga ang Killer School Girl na 'yon, 'no? Nakakatakot na tuloy dito sa school. Parang gusto ko nang lumipat!” Narinig ni Teacher Alona na sabi ng isa niyang babaeng co-teacher habang nasa faculty room siya. Kausap ng co-teacher niya ang isa pang babaeng guro.

“Sinabi mo pa! Nagpapahanap na ako sa kakilala ko ng school na hiring ngayon. Kahit pa malaki ang sahod dito sa Wellington High, kung buhay naman natin ang manganganib ay kahit 'wag na!”

“Uy, kapag nakakita ka na, sabihan mo ako, ha!”

Kinuha ni Teacher Alona ang cellphone at nakita niyang may isang message sa inbox niya na hindi pa niya nababasa. Mama—iyon ang pangalan ng nag-send ng mensahe. Binuksan niya iyon para basahin. Anak, baka naman pwedeng bumisita ka sa amin. Miss ka na namin ng papa at mga kapatid mo. Simula ng nagtrabaho ka diyan sa Wellington High ay hindi ka na nagpakita sa amin…

Isang linggo na pala ang nakakaraan ng matanggap niya ang text message na iyon. Hindi kasi siya talaga mahilig humawak ng cellphone kaya ngayon lang niya iyon nabasa. Wala naman kasi siyang ka-text o katawagan. Sanay siya na walang kaibigan. Talagang ang buhay niya ay ang kaniyang trabaho. Iyon lang at wala nang iba pa.

Magre-reply na sana si Alona sa mensahe nang tawagin siya ng isa sa mga gurong nag-uusap malapit sa kaniya.

“Ikaw ba, Alona? Mag-i-stay ka pa dito?” Umangat ang mukha niya sa tanong na iyon. Hindi agad siya nakasagot pero ngumiti siya ng kaunti.

“Oo naman.” Matipid niyang sagot.

“Seryoso ka? Hindi ka natatakot sa patayan dito sa school?”

Umiling siya. “Hindi. Naniniwala ako na kung mamamatay ka, mamamatay ka. Kahit lumipat ka sa ibang lugar kung oras mo na ay hahabulin ka pa rin ng kamatayan,” seryoso niyang sambit.

“Ang lalim naman! Anyway, magla-lunch na kami. Sasabay ka ba?”

“Busog pa ako. Mamaya na ako kakain.”

Hindi na siya kinulit pa ng dalawa. Nang maiwan siyang mag-isa sa faculty room ay binalikan niya ang text message na re-reply-an niya sana kanina. Binasa niya ulit iyon at sa pagkakataon na iyon ay nawala na ang gana niyang mag-reply. Ibinalik niya ang cellphone sa bag at itinuon ang sarili sa pagche-check ng mga test paper na nasa kaniyang harapan.


-----ooo-----


“GOOD BYE, class! Huwag ninyong kalimutan ang mag-review dahil may long quiz tayo bukas.” Pagtatapos ni Teacher Alona sa huli niyang klase para sa araw na iyon. Hinintay muna niyang makaalis ang lahat ng estudyante niya bago niya inayos ang mga gamit.

Isang mahabang araw na naman ang natapos niya sa pagtuturo. Ngayon ay uuwi na siya sa tinutuluyan niyang apartment. Makakapagpahinga na siya kahit paano. Binilisan niya ang pagkilos dahil uwing-uwi na talaga siya.

Naglalakad lang si Teacher Alona sa tuwing umuuwi siya pero dahil sa pagod ng araw na iyon ay mas pinili niya ang sumakay ng tricycle.

“Alona!” tawag ng landlady niya nang makababa siya ng tricycle na sinakyan.

School Trip 8: ViralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon